--27-

1.6K 52 0
                                    

dedicated to AxangPataray

JEWEL

Buong araw‚ ginugol ko lang ang sarili sa paghahanap kay hooded man. Lahat ginawa ko na. Nagtanong tanong ako kung may nakakita sa kaniya at nakailang beses na rin akong pumunta ng Shungalu Beach pero parang ayaw niya naman magpakita sa’kin.

It feels like he’s hiding from me. Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan niya lang ako.

Him and Hack.

Pareho lang sila.

“Hays!” I sighed in frustration. Siguro oras na para mag iba ng plano. Maybe kelangan ko lang maghintay na siya na mismo ang magpakita sa’kin.

Alam kong alam niyang hinahanap ko siya. After all may kapangyarihan siya. Tsaka sinubukan ko namang tawagin siya sa Shungalu Beach gaya ng pagtawag ko sa kaniya sa pamamagitan ng mermaid spell pero useless.

Wala talaga.

Ayaw niya talaga magpakita. Ayaw niya akong tulungan na alamin ang misteryo sa pagkamatay ng mga mermaids.

Gusto ko lang naman malaman mula sa kaniya ang totoo.

Parang nagsisisi tuloy ako dahil umalis ako kina Melody. Iniwan ko si Melody at Grae. Pakiramdam ko tuloy wala naman akong mapapala sa pagpunta ko dito.

JEWEL! LUMABAS KA DIYAN!”

Pakshet! Si aling Gemma!

Napabangon ako sa pagkakahiga at agad na lumabas ng kwarto.

Sigurado akong nandito siya para maningil ng bayad sa renta! Packing tape naman oh! Wala pa naman akong ipon na pera!

Pagbukas ko ng pinto‚ bumungad sa akin ang lukot na noo ni Aling Gemma.

Nakapameywang siya at masama ang tingin sa’kin. Yung tingin na sinusukat ang buo kong pagkatao.

Sa kaniyang likuran ay may apat na nakatayo. Dalawang batang babae at isang lalake at babae na sa tingin ko ay mag-asawa. May nakaguhit na tanong sa kanilang mukha.

Magligpit ka na ng gamit mo!”

Nangunot ang noo ko. Bakit naman ako magliligpit ng gamit ko? Shit! Don't tell me..

“Sila na ang titira dito kaya mag balot balot ka na at maghanap ka na ng malilipatan mo.”

Napaawang ako ng labi.

“Bakit mo naman ako paaalisin? Nagbabayad naman ako ha!”

Dinuro niya ako gamit ang hintuturo.

Hoy ineng! Para malaman mo! Dati updated ka magbayad! Pero ngayon dalawang buwan ka ng hindi nagbabayad sa’kin! Kaya tsupi! Hindi ko kelangan ng isang tulad mo dito!”

Leche! Eh ’di aalis! Buset na matandang dalaga ’to!


Padabog na pumasok ako sa loob ng bahay at kinuha ang susi.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon