“Celebes Sea.”
~•~
Sa dalampasigan, matatanaw ang dalagang si Melody na nakaupo sa buhanginan. Pinagmamasdan niya ang pagsikat ng araw.
Napakagandang tanawin. Gumising talaga siya ng maaga para makita ito.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung umalis si Jewel sa kanilang lugar para hanapin si Half.
Matiyaga siyang naghihintay sa pagbalik ng kaybigan. Walang araw na hindi niya naiisip ang kaniyang kambal na si Half.
Parati din siyang tumatambay sa may dalampasigan, naghihintay at hindi mapakali sa kakaisip sa kaybigan at kakambal.
Minsan nga sa bahay ng kaniyang ama siya natutulog dahil mas malapit ito sa tinatambayan niya.
Ang hindi niya alam ay palagi namang nakasunod si Grae.
Magaling mag espiya si Grae. Sa loob ng dalawang linggo‚ hindi napansin ni Melody ang palihim niyang pagtutuklas sa pagkatao ng kaybigang niyang sirena.
Kung parating nasa buhanginan naka-upo si Melody‚ si Grae naman ay parating nakatago sa isang malaking puno na may twenty steps ang layo sa kaniya.
“Hindi ka ba napapagod kakahintay mo dito anak?” napalingon si Melody sa pagdating ni Quarter. Bitbit niya ang dalawang bote ng beer. Umupo siya sa tabi ng kaniyang anak.
Nag-init ang ulo ni Melody pagkakita sa beer.
“Tay naman! Hanggang ngayon ba umiinom ka pa din?” inagaw niya ang mga ito sa kamay ng kaniyang ama.
Napasimangot si Quarter.
“Paminsan-minsan lang naman." Pagdadahilan niya saka inagaw pabalik ang beer.
Napabuntong hininga na lamang si Melody at ibinalik na ang tingin sa dagat.
Lumagok ng beer si Quarter at inabot sa kaniya ang isa pang bote.
“Oh‚ uminom ka din.” At talaga nga namang naisipan pa niyang alukin ang anak.
Mas lalong uminit ang ulo ni Melody.
“Kung nandito si Mama hindi yun matutuwa sa pag-inom mo.”
Lumagok ulit si manong Quarter.
“Yun nga eh wala naman siya dito.”
“Wala na ba talagang chance na magkaayos kayo?”
umihip ng malamig ang hangin at sandaling natahimik ang kaniyang ama.
“Desisyon na yan ng mama mo anak. Wala na akong magagawa.” ani Quarter.
Napabuntong hininga ulit si Melody at tumingin sa dagat. Tumingin din si Quarter sa dagat sabay lagok ng alak.
“Kung sakaling mahanap nga ni Jewel si Half at magawa niyang maibalik siya sa’tin, sana bumalik din si mama. Sana mabuo ulit ang masaya nating pamilya.” Ani Melody.
Napatingin sa kaniya si Quarter at sumilay ang kakaunting pag-asa sa kaniyang mukha.
“Sana nga anak.”
Ngumiti siya.
“Lubos na nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakilala natin si Jewel. Nang dahil sa kaniya maayos na ulit tayo.”
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...
