--15--

1.7K 57 0
                                    

Tahimik at matamlay na nilisan ko ang silid.

Sinukbit ko na ang bag pack sa likuran at nagtungo na sa labasan.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Naiiyak ako.

Na-blackmail niya ako. Wala akong magagawa kundi ang talikuran sina Chuchu at Chichi.

Sana mapatawad nila ako sa gagawin kong pag-iwan sa kanila.

Lahat ng mga kasapi sa grupo ay nakatingin sa akin habang nililisan ko ang lugar.

“Aalis ka na miss maganda?”malungkot na tanong ni Gan at fall. Naaalala ko sila. Yung taga bukas ng gate.

“Oo. Pinapalaya na ako ng inyong pinuno.” nanamlay sila at binuksan na ang gate.

tumingin-tingin ako sa paligid. Naka-upo sa itaas ng puno sina Bambi, Lin at Yin.

May ngiti sa labi nila. Mukhang masaya sila dahil aalis na ako.

Sa isang gilid naman ay naka upo si Bamboo. Masama ang tingin niya sa akin habang binabalatan niya ang hawak niyang mangga.

Sa isang sulok naman ay naroon sina chuchu at chichi mahimbing na natutulog.

Mabuti nalang tulog sila. Hindi nila masisilayan ang pag alis ko.

Lumabas na ako ng gate.

Pakiramdam ko‚ may matang nagmamasid sa’kin. Tumingala ako at nakita ang mataas na puno.

Nasa tuktok nito si Hans. Nakatayo at nakatingin sa akin.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya at kumaway, tanda ng pamamaalam.

Kumaway din siya sa akin.

Nilingon ko din sina Gan at Fall at kumaway din.

Malumanay na ibinalik nila ang pagkaway sa akin.

~•~

Narating ko na ang dalampasigan kung saan ako unang tumungtong ng isla.

Tanghaling tapat na. Hindi ako makapaniwala na iiwan ko na ang islang ito.

Muli akong lumingon sa direksyon kung saan ako dumaan papunta dito.

Parang ayoko pang umalis ng isla.

Naaalala ko ang mukha ng kambal. Yung nasasabik nilang mukha dahil sa akala nila makakauwi na sila sa kanilang pamilya.

Napahandusay ako sa buhanginan.

Hindi ko talaga kayang umalis!

Sumisikip ang dibdib ko dahil sa pagtataksil sa kanila.

Parang pakiramdam ko‚ ang sama-sama kong tao.

:(

THIRD PERSON

“Bakit pinakawalan mo siya?! Tapos ibinalik mo pa sa kanya ang kaniyang mga gamit!”  galit na sigaw ni Bamboo sa kanyang Pinuno.

Lumapit si Bambi sa kanya at piningot ang tenga niya. “Umayos ka ng pananalita mo! Pinuno natin ang kausap mo!”

Napa-daing si Bamboo habang namimilipit sa pingot niya.

“Itigil mo yan Bambi. Hayaan mo siyang magsalita.” nakatalikod na sabi ng pinuno habang hinihilot hilot ang sentido nito.

Nagtataka man ay pinakawalan nalang ni Bambi si Bamboo.

“Sawang-sawa na ako sa ganito! Bakit kelangan nating tawaging pinuno ang lalaking yan!” pabagsak na turo ni Bamboo kay Tar. “Bakit lagi nalang siya ang nasusunod! Hindi na ba pwede tayong mabuhay ng normal?!”

Sa kabila ng pagmamaktol niya‚ tahimik lang ang pinuno.

Lumapit si Yin kay Bamboo at binigyan ng malutong na sampal.

“Yin!” awat ni Lin saka hinawakan siya sa magkabilang braso.

“Umayos ka Bamboo! Hindi mo alam ang sinasabi mo!” nagpipigil ng galit na wika ni Yin. Si Pinuno ang sumalba ng buhay mo nung ika'y anim na taong gulang pa lamang! Dahil sa kaniya kaya buhay pa tayo ngayon!”

Napahawak si Bamboo sa kaniyang pisngi. Ramdam niya ang hapdi nito at batid niyang namumula na ito dahil sa sampal.

Isa-isa niyang tinignan ng masama ang apat na nakatatanda sa kanila.

Sa sobrang hinanakit niya‚ tumakbo naoang siya palayo sa kuta.

“Bamboo! Bumalik ka dito!” sigaw ni Bambi ngunit tuluyan ng nakaalis ang bata.

“Hayaan mo na siya Bambi. Hindi niya pa lubos na naiintindihan ang lahat.” mahinahong saad ni Tar.

Sa isang sulok naman ay tahimik na nakikinig ang tatlong bata‚ si Hans‚ Gan at Fall.

Habang ang dalawang bata na si Chuchu at Chichi ay mahimbing pa din na natutulog.

~•~


Biglang umulan ng malakas. Napasilong si Jewel sa malaking puno malapit sa dalampasigan.

Hindi niya pa din nagagawang makaalis ng isla dahil sa hindi niya kayang iwan ng ganun ganon nalang ang kambal na napamahal na sa kanya.

Balak niyang bumalik ng kuta upang ipaglaban ang kagustuhan ng kambal kahit na alam niyang isisiwalat ni Tar ang lihim niya kapag ginawa niya iyon pero sa kasamaang palad ay biglang umulan ng malakas.

Mabilis na tumakbo si Bamboo palabas ng kakahuyan habang umiiyak. Hindi niya matanggap na pinagkaisahan siya ng dalawang babae na itinuring niyang parang tunay na nakatatandang kapatid.

Ang gusto niya lang naman ay mamuhay ng parang isang normal na bata. Hindi bilang mangangayop o maging sunod sunoran sa isang kapwa ulila na tulad niya.

Sawang-sawa na siya sa mga pinapagawa sa kanila ng pinuno.

Sawang sawa na siya mamuhay ng sila lang.

ayoko na, ayoko ng mabuhay! , sa isip niya.

basang basa na siya ng ulan habang tumatakbo , hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kaniyang mga paa basta ang alam niya ay gusto niya ng makalayo sa Kuta,

maririnig ang dalugdog at ang malakas na pag-ulan sa buong paligid , malakas din ang ihip ng hangin kung kaya't hindi na maaninag ng mabuti ang paligid. ang kaninang kalmadong tubig ay umaalon na ngayon ng pagkalakas lakas,

bumabagyo na ata, sa isip ni Jewel, nakatayo lang siya sa malaking puno habang pinagmamasdan ang paligid. basang basa na ang kanyang legs at mga paa dahil sa natatamaan ito ng malakas na ulan, yakap yakap niya ang kaniyang bagpack at nanginginig na siya sa lamig.

kelan pa kaya titigil ang ulan, sa isip niya,

sa di kalayuang mataas na lupa ay may natanaw siyang tao na nakatayo doon, ano naman kaya ang ginagawa doon ng taong iyon?, sa isip niya. tinitigan niya ito ng mabuti,

"parang namumukhaan ko siya", sabi niya sa sarili,

iniwan niya ang kanyang bag sa malaking puno at
tumakbo siya papunta ng dalampasigan kahit na umuulan ng malakas, makita lang kung sino ang taong nakatayo sa dakong iyon.

ng makita niya kung sino iyon ay napatakip siya ng bibig gamit ang kanyang mga palad ,

"Si Bamboo iyon! nakatingala siya sa kalangitan, parang wala siya sa kanyang sarili , sa isip niya.

tatawagin niya sana ito kaso bigla itong tumalon mula sa mataas na lupa at bumagsak sa ilalim ng dagat.

nagulat si Jewel sa nakita , agad niyang tinanggal ang suot suot na shorts at ang plain gray long sleeves shirt . itinapon niya ito sa malaking puno kung saan niya iniwan ang kanyang bag at tumakbo papunta sa dagat at mabilis na lumangoy patungo sa binagsakan ng bata.

******

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon