“Captured”
~•~
JEWEL
Habang umaandar ang yate ay masayang nag aawitan kami sa loob.
Ang kambal ay sumasayaw habang ako naman ay kumakanta ng ‘Into You by Ariana Grande’.
Hindi ko naman memorize yung song pero since sikat siya ay alam ko naman kung paano kantahin yun.
Yun nga lang minsan tama ang lyrics at minsan chamba chamba lang. Yun kasi ang request ng dalawang bugwit. Eh ayaw naman nila ng rap songs ko kasi hindi raw sila mahilig sa rap.
Sexy dance raw ang talent nila. Pinagbigyan ko naman para may karamay ako sa pagtanggal ng antok.
Antok na antok na kasi ako. Wala pa akong tulog! mabuti pa sila hindi inaantok kasi sa umaga raw sila sanay matulog dahil sa gabi ay sila ang kadalasang naaatasan mag bantay ng kuta.
Sabi ko nga ang OA ng patakaran nila dahil wala namang sasalakay sa kanila ng ganitong oras ng gabi kaya bakit kelangang may nagbabantay?
Saka isa pa‚ sino naman ang sasalakay sa kanila na sila lang naman ang nandito sa islang ito?
Natatawa nga ako kasi mayroon silang pinuno. (Tar)
Tapos may dalawang taga paypay. (Yin at Lin)
May taga masid. (Hans)
May nangangayop. (Bambi at Bamboo)
May taga bukas ng pinto. (Gan at Fall)
At may tagabantay pag gabi(chuchu at chichi)
Kung iisipin mo ay para lamang silang naglalaro ng tribo-tribo kuno.
Ang apat nga sa kanila ay sa tingin ko ka idad ko lamang. (Tar, Yin, Lin, at Bambi)
Ang anim ay mga bata pa. (Hans, Bamboo, Gan, Fall, Chuchu, at Chichi).
Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit kinailangan pa nilang bumuo ng ganitong gruo.
Pwede naman silang mamuhay ng simple lamang ngunit bakit kailangan pa nilang gawing komplikado ang buhay?
Dapat ay nag aaral pa sana sila ngayon para may maganda silang future pero imbis na mag aral ng mordernong pamumuhay ay parang ibinabalik pa nila ang stone age. -.-
Nung nabanggit ko ito sa dalawang bugwit ay nagalit sila sa akin. Nagsasabi lang ako ng totoo.
Inuuto lang sila ng kanilang pinuno kuno kasi ang totoong pinuno ay dadalhin sila sa tamang landas.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...