JEWEL
Aray...ang sakit ng ulo ko.
Nasaan ako? Anong lugar ’to?
Nagising nalang ako na nakahiga sa isang malaking malambot na halamang dagat na ang disenyo ay kama. Ang creative naman ng gumawa nito.
Ang ganda ng paligid. Para akong nasa palasyo ni Ariel sa palabas na The little Mermaid.
Pero bakit ako nandito?
Tsaka nasan na si Hack? Ang pagkakatanda ko‚ dinakip kami ng tatlong sireno tapos nawalan na ako ng malay. Saan nila kami dinala? Anong kailangan nila sa’min?
“Gising ka na pala Jewel.” lumingon ako sa nagsalita sa tapat ng pintuan.
Isang batang sirena.
Ang cute niya. Silver ang kulay ng mahaba niyang nakatirintas na buhok at kulay sky blue ang mga mata. Pulang-pula ang labi niya at ang ganda ng outfit niya. Makintab ang suot niyang golden bra tapos ang dami niyang suot na golden bracelet.
Naka gold earings pa siya at ang ganda ng pagka-blue ng buntot niya.
Ngumiti ako sa kaniya.
“Sino ka? Anong pangalan mo bata?”
Nawala yung maganda niyang aura at mabilis siyang lumangoy papunta sa’kin.“Lapastangan kang sirena ka! ’Wag mo akong tawaging bata!”
“Aray!” napahawak ako sa ulo ko ng bigla niya itong hampasin ng kamay niya. Putakteng bata ’to. Ano bang problema niya kung tawagin ko siyang bata? Bata naman talaga siya eh.
Ang sama ng tingin niya sa’kin. Napaatras ako ng ulo.
“Bakit ayaw mong tinatawag na bata? Saka respeto naman‚ mas nakakatanda ako sa’yo pero namalo ka sa ulo.”
Pinanlakihan niya ako ng mga mata at namewang. “Kasi hindi naman talaga ako bata! Kwarenta anyos na ako kaya ako ang respetuhin mo!”
Halos lumabas ang eyeballs ko sa sinabi niya. “HA? KWARENTA KA NA?!” seryoso siya??
Kumalma na siya. “Oo. Kwarenta na ako. Isang walang kwentang mahika ang dahilan kung bakit ako bumalik sa pagkabata.”
“Magic?”
“Oo magic.” tumalikod siya at kinuyom ang isang kamay habang humihikbi. “Kagagawan ito ng isang pasaway na sirena. Lecheng sirena ’yun! Hindi ko siya mapapatawad!”
“Bakit sino ba ang sirenang ’yon?” humarap ulit siya sa’kin at bigla akong nilapitan ng masinsinan kaya napaatras ako ng ulo.
“Siya ang sunod mong misyon! Hanapin mo siya Jewel dahil siya ang makakatulong sa’yo para mapabagsak natin si Loki!”
What?
Puno ng determinasyon ang mga mata ng sirenang ito. Hindi ko maintindihan.. Sino ang sirenang sinasabi niya tsaka..
“T-teka nga! Bakit ba kilalala mo ako?”
“Dahil katulad ni Loki‚ isa din akong sorcerer at ang mga sorcerer ay may kakayahang makilala ang buong pagkatao ng isang tao.” napanganga ako sa sinabi niya. Sorcerer din siya?
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...