dedicated to Lady_Emerald0395
“A Giant Black Fish.”
~•~
“Ako lang naman ang pang-apat na asawa ni Tar.”
nagkaroon ng sandaling katahimikan.
Lahat sila ay nakangangang nakatingin sa akin.
Syempre hindi naman ’yon totoo! Pero wala na akong iba pang maisip na palusot kung sino ako.
Alangan namang sabihin kong isa akong dayo sa lugar na’to‚ magtataka sila niyan kung bakit ang isang dayong katulad ko ay tumutulong sa Ohara Tribe.
Alangan naman sabihin kong isa akong sirena na may malaking puso na handang tumulong sa mga naaapi. Baka pagtawanan pa nila ako.
So i came up with this idea. I am Tar’s wife. In this way, they won’t think something's fishy right?
Teka, bakit ba ako ume-english?
( ° Π °")
“Asawa ka ni kuya Tar ate Jewel?” hindi makapaniwalang tanong ni Chuchu. napatingin kaming lahat sa kaniya.
Agad na tinakpan ni Chichi ang bibig niya.
Pakshet! Dapat hindi siya nagsalita!
Pinandilatan ko siya ng mga mata.
"Oo Chuchu! Kaya nga bumalik ako diba? Kasi na-realize kong mahal ko pa pala ang pinuno niyo at hindi na namin kailangan pang maglihim sa inyo na kami ay nagmamahalan ’di ba Tar?”
Gusto kong bawiin ang mga pinagsasasabi ko pero nasabi ko na. D:
Natameme ang lahat. Sinira naman ni Tar ang katahimikan.
“O-oo! Oo! Tama ka jan mahal! Hindi na natin kelangan maglihim. Sigurado naman akong matatanggap ka naman ng iba ko pang asawa.”
Buti gets niya yung sitwasyon kaya sinasakyan niya ako kaso bigla siyang sinuntok ni Bambi sa ulo. Nanlaki ang mga mata ko.
“Demonyo ka! Babaero ka talaga!”
Parang totoo yun ah! Hindi siguro gets ni bambi yung acting namin! akala niya totoo. Kahit sina Yin at Lin ay umuusok na ang ilong sa inis.
Hinimas-himas ni Tar ang kaniyang ulo dahil sa suntok na natamo.
“Hahaha!”
Napatingin kaming lahat sa matandang lalake. Nage-echo sa paligid ang tawa niya.
“Hindi ko akalaing makakahanap ka pa pala ng pang apat na asawa. Hahaha! Napakaganda pa! Hahaha! Iba na talaga ang appeal mo Thomas Arthur!”
nakitawa din ang dalawa niyang kasama pati na rin ang mga armadong lalake.
Thomas Arthur pala ang tunay niyang pangalan? Ambantot.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasiaDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...