--20--

1.6K 58 2
                                    


~•~


Patakbong sumisigaw ang apat na sindikato patungo sa kuta ng Ohara tribe.


Nagtatakang napatingin sa kanila ang kanilang mga kasamahan.

Nang marating na nila ang kuta ay hiningal hingal silang napahandusay sa sahig. Ang kanilang mga mata ay nanlalaki sa sobrang gulat.

Halos dumikit na sa sahig ang kanilang mga dila dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo.

Lumapit si Amir sa dalawang kaybigang sindikato.

“Anong nangyari sa loob?” may kaba at takot sa kaniyang mukha habang tinatanong ang mga kaybigan.

Namumutlang tinignan siya ni Shamandi. “May engkanto sa kweba!” sigaw niya.

Nagsitaasan ang mga balbon ni Amir pagkarinig ng kaniyang sinabi. Maging ang mga armadong lalake na kasama niya ay laking gulat din ng marinig ito.

Nagpalitan naman ng mga tingin ang tribo. Kanya-kanyang lihim na ngiti ang maaaninag sa bawat isa.

“Sinasabi ko na nga ba! Ginambala niyo sila! Hinding hindi nila kayo titigilan kahit saan man kayo magpunta!” sigaw ni Tar.

Nahintakutan ang lahat ng sindikato. Muling ipinatunog ni Bamboo ang mga kagamitan niyang lumilikha ng nakakatakot na alingawngaw.

Pagkarinig na pagkarinig ng lahat ng sindikato nun ay hindi na sila nagdalawang isip na lisanin ang isla.

“Ayoko na dito!” sigaw ni Dr. Kumar na nanguna sa pagtakbo paalis ng kuta.

Sumunod naman ang mga kasamahan niya.

Mahinang hagikhik naman ng tribo ang maririnig sa kanilang kuta.

Kinalagan na ni Bamboo ang kaniyang mga kaybigan.

“Salamat Bamboo.” ani Tar pagkaalis ni Bamboo ng nakapulupot na lubid sa kaniyang mga kamay.

“Wag po ako ang pasalamatan mo. Si Ate Jewel ang tumulong sa’tin.”

Sakto din na dumating na si Jewel.

Napatingin ang lahat sa kaniya.

Unang sinalubong siya ng kambal.

“Ae Jewel ligtas ka!” mangingiyak na niyakap siya ng kambal. Niyakap niya din sila.

“Jewel.”

Napatingala siya kay Tar.

“Salamat.”

Lumapit ang tatlong dalaga kay Tar at sinapo siya sa ulo.

“Aray! Bakit niyo naman ginawa ’yon!” inis na hinimas ni Tar ang kaniyang ulo.

Napabitaw sa pagkakayakap ang kambal sa kaybigang sirena at napatingin sa pinuno.

Nagtatakang tinignan din ni Jewel ang tatlo.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon