--26--

1.5K 55 1
                                    

Hack Woods.” sambit ni Melody sabay type sa keyboard ng laptop.

Lumabas sa screen monitor ang facebook ni Hack.

Walang pinagbago. Anime pa din ang DP niya.

Melody sighed.

Pano natin malalaman kung sino siya kung ganiyan ang display profile niya?”


Sabi ko na nga ba. Ganiyan din ang sasabihin niya.

Napahawak ako sa noo at pinagmasdan ang screen monitor.

“Hindi ko din alam. Try kaya nating i-message siya.”

Tumayo si Melody at pina-upo ako sa upuan. Umupo ako at ni-log out ang account niya. Nag log-in ako at agad na nag-message kay Hack.

Hack, you need to help me, i know you know something. PLEASE, tell me who killed the mermaids.

Send.

Kelangan ba talagang english i-type mo?” dinig kong tanong ni Grae pero hindi ko siya pinansin. Naghihintay akong magreply si Hack.

Syempre! Sa pangalan palang ng tao‚ english speaking na!” si Melody.

Nalipat ang atensyon ko sa kanila. Inaasar niya si Grae.

LG lang ang peg mo Grae?”

Sinamaan siya ng tingin ni Grae.

Bakit? Malay ko ba sa Hack na yan.” inis na sabi niya sabay ismid. Napangisi na lamang ako at ibinalik na ang tingin sa computer.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang lumitaw na ang green small circle sa tabi ng pangalan niya.

“Online na siya!”

Lumapit na sa’kin si Melody at Grae Tahimik naming hinintay ang reply niya.

1 second.

2 second.

Seen.

..........

Hindi naman siya nagrereply!

Bakit ganun? Samantalang nung nasa school ako ambilis niya lang magreply! Tapos ngayon? Na-seenmode ako?

Leche.

Parang wala namang balak magreply yan, sigurado ka bang siya yan?!” dinig kong reklamo ni Grae.

Naaninag ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkurot sa kaniya ni Melody sa siko.

Leche. Napapahiya na ako.

B-baka naman nag-iba na ng account Jewel?” Melody.

Hindi ko siya nilingon. Naka-lock lang ang mga mata ko sa screen. “Hindi pwedeng mangyari ’yon! Online naman siya ’di ba? Tignan mo! May pa-seen seen pa nga siya!” natahimik sila ni Grae.

Naiinis na ako! 

Bakit ini-ignore na niya ako?! Porket ba tapos na niyang ibigay yung wish ko‚ hindi na niya ako papansinin?

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon