JEWEL“Hahaha!" Naalerto kami ni Almira ng may biglang tumawa sa paligid. Kuhang-kuha niya yung tawa ng mga villain sa isang teleserye.
Tumingin ako sa kanan at tumingin naman sa kaliwa pero wala namang ibang tao dito kundi kami lang ni Almira. Who the hell is that?
Mula sa madilim na sulok ng katubigan which is 20 steps away from us, lumabas ang isang lalaki na nakasuot ng black hoodie jacket. Napapalibutan ng pulang aura ang kaniyang katawan at nasa loob siya ng isang napakalaking magic bubble na siyang nagsisilbing oxygen niya para makahinga dito sa tubig.
Napa-atras ako ng makita ang itsura niya. Hindi ko inaasahang makikita ko dito ang taong nasa likod ng pagiging sirena ko.
Si Hooded man. Bakit nandito siya? And he is....so different today.
Kasing pula ng mga mata ng isang vampire ang kaniyang mata at ang ngiti niya ay maihahalintulad sa ngiti ng isang nakakatakot na demonyo. Kung hindi ko siya kilala, iisipin ko talagang demonyo siya na nalahian ng bampira.
Anong nangyari sa'yo Hooded man? Bakit bigla ka nalang nag-iba? Hindi ako makapagsalita. His scary presence is making my whole body weak.
“Tignan mo nga naman. Ang unang sirena at ang huling sirena ay magkasama. Nahuli ko kayo ng walang kahirap-hirap. Ngayon mapapasaakin na ang tagumpay!" Sabi niya sabay tawa katulad ng mga kontrabida sa TV.
Alam kong si Almira ang tinutukoy niyang unang sirena pero hindi ko maintindihan kung bakit tinawag niya akong huling sirena. Tsaka bakit naisip niyang mapapasakaniya na ang tagumpay? Mukha ba kaming trophy?
Nagulat ako ng biglang kinabig ni Almira ang braso ko palapit sa kaniya at tinitigan si Hooded man ng masama. Nangingimig ang kamay niya at ang lamig nito pero hindi mo mahahalata sa mukha niya na natatakot siya. She's probably hiding it. Oo nga pala, nasa kaniya ang spellbook at malamang 'yun ang habol ni Hooded man sa kaniya. Now it finally make sense.
He set a trap for us so that he can get Almira back and take the spell book pero bakit pati ako gusto niyang hulihin? Wala naman akong bagay na kinuha sa kaniya.
Sa wakas huminto na siya sa pagtawa at bumalik na ang nakakasindak na mukha niya. Naglakad siya papunta sa amin habang ang mga mala pambira niyang mata ay nakatuon kay Almira.
"Kumusta na mahal kong nilikha? Handa ka na bang magsilbi muli saakin? Bumalik ka na sa'kin at ibalik mo na din ang spell book na kinuha mo. Hindi naman kita sasaktan." Hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. He sounded like a saddist boyfriend to Almira. Pati ang mga tingin niya ay tila may pinapahiwatig. So creepy.
Hindi kumibo ang kasama ko. Napalunok lang siya at umatras habang mahigpit na nakakapit pa rin sa braso ko. She's trembling in fear. Sino nga namang hindi matatakot sa presence ni Loki? Kulang nga ang salitang nakakatakot para ilarawan siya. He's more than that.
Bawat hakbang niya palapit saamin ay siya ring pag-atras namin palayo sa kaniya.
"Tigilan mo na ako Loki. Wala saakin ang spellbook. Wala na akong silbi sa'yo. Palayain mo na ako.” pakikiusap ni Almira habang patuloy pa rin kaming umaatras.
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...