--23--

1.5K 59 1
                                    


“Hindi pa din talaga ako makapaniwala. Totoo pala ang sirena” ani Grae sa kapatid.

Nagkausap na sila tungkol kay Half at Jewel. Inamin na ni Melody sa kaniya ang totoo since natuklasan niya na ang lahat.

Ipinaliwanag sa kaniya ni Melody ang lahat ng dapat ipaliwanag para hindi na siya magalit pa.

Na-uunawaan niya na kung bakit inililihim ng mag ama ang tungkol dito.

Napabuntong hininga si Melody. Nakaupo sila sa kaniyang kama.

“Sorry Melody kung mali ang iniisip ko.”

Ngumiti si Melody at tinapik tapik siya sa balikat. “Okay na yun! Tapos na yun. Basta atin-atin lang ang sikretong ’to.”

Napangisi si Grae sa tinuran niya.

“Oo naman! Syempre.”

Naranasan mo na bangawalan ng makakasama? Sa gitna ng daan hindi alam ang pupuntahan~

Napatingin si Melody sa cellphone niya at nakitang tumatawag ang kaybigang sirena. Napangiti siya at tinignan si Grae.

“Tumatawag si Jewel. Sagutin ko lang ha?”

Tumango si Grae kaya tinalikuran na siya ni Melody at sinagot na ang tawag.

“Hello?” Bati ni Melody sa kausap.

Nadinig niyang may umiiyak sa kabilang linya.

“Oh bakit ka umiiyak?”

Nagunot ang noo ni Grae ng mahagilap ng tainga niya ang sinabi ng kapatid kaya napatingin siya kay Melody na kasalukuyang nakakunot ang noo.

Ng magsalita ang kausap sa phone ay nakita niyang biglang namutla si Melody at napaluhod sa sahig.

N

apatayo siya at inalalayan si Melody.

“Anong nangyari Melody?”

Hindi siya pinansin ng kapatid. Nakatuon lang siya sa kausap.

“Hindi totoo yan! Sabihin mong nagbibiro ka lang!” humagulgol siya ng iyak.

Masama na ang kutob ni Grae kaya lumapit siya sa phone ni Melody para marinig ang sinasabi ng nasa kabilang linya


“Totoo ang sinasabi ko Melody. W-wala na si Half. Patay na siya ng madatnan ko siya dito sa Celebes Sea.”

Nanigas siya sa narinig at napatingin sa kapatid na kasalukuyang umiiyak.

Napayakap sa kaniya si Melody saka humagulgol. Napaluha na din siya.

Nang matigil na sila sa pag-iyak‚ minabuti nilang pumunta sa bahay ni Quarter.

Si Grae na ang nagsabi ng masamang balita dahil umiyak nanaman si Melody at kagaya nila ay umiyak din ang kanilang ama at sila'y nagyakapan.

The Last MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon