“Jewel!” sinalubong ako saglit ng yakap ni Melody bago tumingin kay Hino na ngayon ay nakabalot sa kumot ang katawan habang karga-karga ni Kazuki.
Dito kami dinala ng spellbook sa sala niya.
“Hi! I’m Melody. Welcome to my house!” masiglang bati niya sa kanila at pati na din kay Almira na panay ang tingin sa paligid.
“I’m Kazuki and this is my sister Hino. Thank you for letting us in.” sagot naman ni Kazuki.
“Sus! Wala ’yun. Tara sa taas para makapagpahinga na si Hino sa bathtub. Malamti na siya oh.” tumango si Kazuki at tinangay na sila ni Melody paakyat ng spiral stairs.
Nakahinga ako ng maluwag saka na-upo sa sofa. Buti nalang may kaybigan akong matulungin at malalapitan.
“Hoy last mermaid! Ang sabi ko dagat! Hindi bahay! Bakit dito mo siya dinala?!” bulyaw ni Almira sa’kin. Kaya pala nakasimangot siya.
“Relax! Malapit ’to sa dagat! Tsaka safe naman siya dito dahil sanay mag-alaga ng sirena yung kaybigan ko.” sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
“Sanay? Bakit may iba pa bang sirena dito?”
“Oo yung kambal niya pero wala na siya. Kasama siya sa mga namatay sa Celebes Sea.”
“Ay ganun ba..”
“Ganun na nga.”
Nanahimik na siya.
“Jewel..” Umangat ang tingin ko kay Melody na ngayon ay sabik na bumababa ng hagdan.
Hinarap niya ako ng may ngiting sobrang lawak. Kulang nalang eh gumiggles na siya sa sobrang tuwa.
Alam ko kung bakit siya tuwang-tuwa. May sirena sa bahay niya.
“Hoy Melody ha? Baka naman gawin mo siyang si Half. Iba si Hino sa kaniya.”
“Hahaha! I know right! Masaya lang talaga ako dahil may makakasama na ako dito sa bahay. Kakasawa din kasi ang mukha ni Grae.” she pouted.
Speaking of..
“Nasaan nga pala si Grae?” tinuro niya ng nguso niya ang labas. “Nasa bar. Nagpapaka-busy. Hindi ko pa nasabi sa kaniya na nandito ka.”
Mas mabuti nga. Mang-aasar lang ’yun.
“Siya na ba ang sinasabi mong first mermaid?” sinipat ko si Almira na ngayon ay namumungkal ng kaldero sa may lababo.
Lecheng first mermaid ’yan! Feel na feel at home! Ako ang nahihiya sa ginagawa niya.
“Oo siya nga! Pasensiyahan mo na siya. Walang modo talaga ’yan!”
“Narinig kita.” napatuwid ako ng balikat. Narinig niya pala.
Napangiti nalang si Melody. “Kaloka-like mo siya! Hindi kaya magkapatid kayo?”
Napaatras ako ng ulo. “Kami? Magkapatid? Psh! No way! Mas matanda pa sa’kin ’yan ng twenty-years! Baka nga lola ko ’yan!”
BINABASA MO ANG
The Last Mermaid
FantasyDid it ever crossed your mind if mermaids are real or not? Have you thought of becoming one of them? What if someone send you a mermaid spell containing steps on how to do it, Do you have the guts to try it? Or you'll just simply ignore it? This...