PLACIDEX CANE JENKINSON"I'm getting older, I want you to get married as soon as possible!" Sambit ni Grandma dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Sh*t here we go again! God! She really want me to get married! Hindi ba pwedeng girlfriend muna bago asawa?
"But Grandma i'm just only twenty five! And you want me to get married at a young age?"
God! I can't believe this!
Sinulyapan ko si Mommy na prenteng nakaupo sa couch, Nagkibit balikat lang sya sakin at itinuon na ang paningin sa papeles na hawak nya.
"Young age ba kamo? Eh sa edad mong yan hindi ka pa nagkakaron ng girlfriend. kaya natatakot ako na baka tumanda kang walang asawa."
Tss. i had a girlfriend two years ago but she chose her carreer over me. Damn it!
Pero hindi nila alam ang tungkol don dahil alam kong ipapakasal lang nila ako agad.
Nagpaikot ikot pa si Grandma sa harap ko, tanging boring na expression lang ibinigay ko sa kanya.
"Anak Pumayag ka na..Okay lang naman sakin kung mag asawa ka na agad, basta yung Pasok sa taste ko." Tinaasan ko naman ng kilay si Mommy, Akala ko ba ayaw nyang matali agad ako?
"so kayong dalawa ang may pakana nito? Gusto nyo kong magpakasal na? Eh kanino naman ? " Sambit ko at napailing sa kawalan.
"Edi maghahanap, Yung deserving para sa isang katulad mo, yung hindi gold digger!! usong uso pa naman yon ngayon. 'Tsaka dapat mabait syempre.." Sabi ni Grandma at nginitian ako,
I faced mom again, noon alam kong ayaw nyang magpakasal agad ako lalo na sa di ko kilala, bakit parang ngayon ay bumabaliktad na sya?
Tsk.
"Im sorry Son. Pero ang lola mo ang masusunod and that's final," Ani nya at tumayo saka sila lumabas ng office ko.
I sat on my swivels chair at ipinagpatuloy na lang ang pagtatrabaho ko. Kailangan bang ako pa ang maghahanap sa mapapang asawa ko?
The hell! I dont care who she is!
****
DEAN REESE VALENTINE
Paalis na ako ng bahay para pumasok sa trabaho ko ng masalubong ko ang step father and Step mother ko.
kauuwi lang nila ngayong umaga dahil sa pakikipag inuman kagabi sa barkada nila.
Yeah sila ang tumayo kong mga magulang simula ng maaksidente ang mga tunay kong magulang kasama narin ang 10 years old kong kuya noon.
A car accident na bumawi sa buhay ng mga mahal kong kuya, mama at papa.
Nasa school ako non at hinihintay silang sunduin ako dahil mamamasyal kami that time pero wala na pala akong uuwiang pamilya.
I was 7 years old that time na maaksidente sila at lubos akong naulila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Sa murang edad ay naranasan ko na ang ganong pangyayari sa buhay.
Ilang buwan ang nakalipas hanggang sa nakilala ko sila Mama lidia at papa anton Diaz.
sabi nila, sila na daw ang bahala sakin dahil matalik na kaibigan sila ng mga magulang ko.
Pero sino ba naman ako para Magtanong pa sa kanila kung totoo ba ang sinasabi nila? Masyado pa akong bata para tanungin ang kung ano anong bagay.
Sumama na lang ako dahil walang damadalaw na kamag anak sakin sa ampunan.
Hindi man sila kasing yaman namin katulad ng buhay ko noon ay ayos narin ito sa akin basta may tinuturing akong pamilya.
Pero bakit ang pamilyang sobra kong minamahal ngayon ay walang paki-alam sakin ngayon? Kahit mamatay ata ako ay hindi sila mag-aalala sakin.
Gamit ko padin ang apelyido kong VALENTINE dahil ayaw ni papa anton na gamitin ko ang apelyido nilang DIAZ. Hindi naman daw nila ako kadugo.
Simula ng malugi ang negosyo nila at naubos lahat ng ipon ay naging iba na ang pakikitungo nila sakin, ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo nila. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
"Hoy babae bakit kaba nakatulala? nasaan na ang sinahod mo! Akin na!"
Nagbalik ako sa realidad ng magsalita si papa anton, napatingin ako sa palad nyang nakalahad sa harap ko.
Patay! hindi pa ako nasahod. Hindi pa naman sabado eh.
" Ah, p-papa wala pa po eh. Sa sabado pa ho, martes pa lang ngayon. kung tutuusin kabibigay ko lang ng pera sa inyo, wala na nga kong naitatabi para sa tuition fee ni Marcus para makapag patuloy sy---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hambalusin ako sa ulo ni mama.
Napapakit ako dahil sa sakit na naramdaman ko.
Maluha luha naman akong tumingin sa kanya, sh*t! Sobrang sakit ng ginawa nya!
"ANO NGAYON NAGANGATWIRAN KA NA HAA? BASTOS KA! " sigaw ni mama sa akin.
Nagulat ako ng bigla nilang hinablot ang bag ko at kinalkal ang lahat ng laman no'n.
"M-mama wag po! akin pong pera yan. 'Tsaka para po sa pag aaral ni marcus yan!."
Tuloy tuloy lang ang pag mamakaawa ko, para bang wala silang pina-pakinggan sa sinasabi ko.
Tuloy tuloy lang sila sa pagkalkal sa bag ko.
Si Marcus ay eighteen years old na at ako naman ay twenty two, marami akong pangarap para sa kanya dahil hanggang high school lang ang natapos ko.
Gusto ko mang tapusin ang pag aaral ko pero hindi pwede. Kapag nag aral ako sino na lang ang maghahanap buhay para sa pamilya ko? Wala! Ako lang. Ako lang ang ina-asahan nila.
Lahat ng pera ko ay kinuha nila, nandon pa naman lahat ng ipon ko dahil ayokong iwan sa bahay, alam kong mahahanap at mahahanap nila iyon. Katulad ngayon. 'To na nga ba ang sinasabi ko.
Ngayon back to zero ako, ano ng gagawin ko?
Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko habang nakaluhod sa labas ng bahay, buti na lang at wala pang masyadong tao dahil sisikat palang ang araw..
Ang malas ng umaga ko. Hinoldap ako ng tinuturing kong mga magulang.
Pinulot ko isa isa ang mga nagkalat kong gamit at inilagay sa bag.
Marahan kong pinunasan ng likod ng palad ko ang mga luha ko at saka tumayo para pumasok sa trabaho.
Halos magkanda kuba kuba ako sa pagtatrabaho para sa kanila dahil wala naman silang mga trabaho, ako lang ang inaasahan nila. Pero bakit parin nila ako gina-ganito?
Kapag wala naman akong maibigay ay kung ano anong klaseng bugbog ang ibinibigay nila sakin. Kahit anong sakit kaya kong tiisin, bakit? Dahil mahal ko sila! Sila ang pamilya ko.
Kayang kaya kong magpaka tanga para sa mga taong mahal ko. Lahat ng pangga-g*go ay kaya kong tiisin.
Wala akong laban sa kanila. Ang ginagawa ko na lang ay tiisin at lunukin ang mga masasakit na salitang galing mismo sa bibig nila.
Kinapa ko ang bulsa ko dahil na alala kong nag lagay ako ng fifty pesos don.
"ok na to para sa pamasahe ko" sabi ko sa sarili ko at at humugot ng malalim na hininga.
Maghahanap na lang ako ng dagdag na trabaho para makaipon ulit ako. Kahit na gawin kong araw ang gabi ay gagawin ko. Kakayanin ko!.
Bakit ba kasi kaylangan pagdaanan ko ang ganito?
Wala naman akong natatandaang Maling nagawa ko. buong buhay ko ay ibinuhos ko sa pamilya ko.
Pero sana dumating ang araw na makita ko ang ngiti nila sakin, yung walang halong ka-plastikan..
❤❤❤
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...