Part 33❤

48.8K 925 29
                                    

[REESE POV]

"Ate! Kamusta ka na? Grabe lalo kang gumanda ah!" Sambit ni Marcus, niyakap ko sya ng sobrang higpit,

sobrang Miss na miss ko sya dahil noong nakaraang linggo pa kami huling nagkita,

"Ayos na ayos lang ako Marcus, ikaw kamusta kana? Si Mama?" Tanong ko

Pumasok kami sa loob ng bahay,(ang bahay ni Nila Mama Lidia) naisipan ko kasing umalis muna sa bahay dahil sumosobra na sa kamalditahan si Tiffany! Halos isang linggo na syang nakatira don,

Wala nga atang balak Umalis yon doon eh!
Pero ang ikinababahala ko ay si Cane, para kasing napapalapit na sya sa Tiffany na yon!!

Sa totoo lang ay mas madalas na silang dalawa mag kasama kaysa sakin, kaya umalis muna ako doon, bwisit kasi.

"Ate? Anyare sayo? Parang mananapak ka na nyan eh!" Napatingin ako kay Marcus ng magsalita sya,

Tumingin naman ako sa kamay ko na kanina pa pala naka kuyom,

Pumasok na kami sa loob ng bahay, umupo ako sa maliit naming sofa, Grabe antagal na nito ah?

Ano kaya kung patirahin ko na lang si Marcus sa bahay namin ni Kuya Nick? saka makakasama nya naman doon si Zina,

Ilang araw ng namamalagi si Zina doon, at sobrang tuwang tuwa sya.

Pumunta naman si Marcus sa kusina para ihanda ang mga dinala kong pagkain.

----

ilang oras lang ang itinagal ko sa bahay at nag paalam na din ako kay Marcus, habang nilalakad ko ang mahaba at madilim na daan papuntang sakayan ng jeep ay may narinig akong isang impit na sigaw,

Madilim dilim narin kasi ng mapagpasyahan kong umuwi, Nakakatakot mag lakad mag isa, tanging sinag lang ng buwan ang gabay ko.

Napahinto na ako ng marinig ko na naman ang sigaw ng isang babae sa di kalayuan, pero ay agad din itong tumigil.

Umatras ako at unti unting pinakinggan ang ingay, para kasing may umiiyak? Mas lumapit pa ako ng kaunti sa isang abandonadong bahay,

Sigurado akong doon nanggaling ang ingay, pagkarating ko ay sumilip ako sa isang sirang bintana, at sa isang sulok ng bahay napansin ko ang isang babaeng pilit na hinuhubaran ng dalawang lalaki! pilit namang nagpupumiglas ang babae,

Shocks! Ano ba ito! Baka mamaya mamatay ang babaeng yan at maging witness pa ako sa buong pangyayari,

Naku nako madilim pa naman at hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae,

"Hheeellpp mee plleeaassee!!" Hirap na sigaw nya! Naawa naman ako sa babae dahil base sa boses nya ay hirap na hirap na sya,

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para humanap ng bwedeng ihampas sa mga rapist na iyon,

Wala naman akong ibang mahanapan ng tulong dahil masyadong liblib ng lugar na ito,

Nahagip ng mata ko ang isang kinakalawang na bakal na tubo, medyo mahaba rin naman 'to agad kong kinuha yon at dahan dahang pumasok sa loob ng abandonadong bahay,

Ano ba ang pumasok sa kokote ko at kaylangan kong gawin toh!

Habang busy pa sa paghipo sa babae ang dalawang lalaki ay hinampas ko na agad ng tubo sa batok ang isa na medyo mataba,

Gotcha! Kaso baka hindi tablahan yon, ang kapal kasi ng batok eh,

Napaluhod naman sa sakit ang pinalo ko! Habang ang isang lalaki naman na payat ay lumingon sa gawi ko,

"Wow! Tag isa na tayo pare!" Sambit nito, at dumila pa. eewww! ambaho ng hininga! Amoy na amoy ko kahit malayo pa lng sya,

Bago pa man sya makalapit sakin ay hinampas ko ng tubo sa noo, yung sobrang lakas na hampas para damang dama nya,

Habang nakahiga pa silang dalawa sa lupa ay agad kong dinluhan ang babae, lupaypay na ito at maraming pasa sa mukha, punit narin ang soot nyang mamahaling dress,

Wait? Mamahaling dress? Bakit naman ito mapupunta sa ganitong lugar? Inayos ko ang buhok na nagkalat sa mukha nya

Laking gulat ko ng mapagtanto ko kung sino ito, sa tulong narin ng sinag ng buwan mula sa labas, at pansin ko ring puro pasa ang katawan at mukha nya na para bang pinahirapan muna,

"T-T-Tanya?" Kandautal na sambit ko, iminulat nya naman ang mata nya at gulat din ang rumehistro sa mukha nya,

"P-please h-help Me" paos na sambit nya, tinulungan ko syang makatayo at saka tinahak ang pinto palabas,

"AAAHHH!" Tili ko ng may humila sa paa ko kaya nasubsob ang mukha ko sa sahig,

Sinipa ko sa mukha ang mataba at napahawak sya doon kaya nabitawan nya ako

Habang ang mapayat naman na tatayo palang ay hinampas ko ulit ng tubo sa noo,

"T*NG*NA KAYO! MGA BABOY!!"Singhal ko sa kanilang dalawa, Bago paman sila makatayo ay inapakan ko ang dalawang kamay ng mataba at si Tanya naman sa Payatot,

Maya maya naman ay tumayo ang payatot at aambahan sana ng suntok si Tanya pero ay buong pwersa nya itong sinipa sa  alaga ng lalake kaya halos maglumpasay na ito ngayo,

"Oww! Nice one Tanya!" Sambit ko dahil sa ginawa nya kahit ika-ika na syang lumakad,

Agad agad ko syang tinulungang lumakad, umakbay sya sakin at sapo ko naman ang bewang nya saka namin tinahak ang madilim na eskinita papuntang sakayan ng jeep,

"W-wait I-i have my Car" sambit nya pero umiling lang ako,

"NO! Hindi ka na nga makalakad tapos mag dadrive ka pa?" Sambit ko at tumawag ng taxi Imbis na sumakay kami sa Jeep.

"Baka gusto mong iwanan kita dito at pati aso gahasain ka!."pabirong sambit ko, napansin ko namang ngumiti sya, Wow! First time Pre!

Kaso baka plastic ang ngiting iyon, Tss.

"Saan ba kita dadalhin? Huyy!" Pang gigising ko sa kanya dahil nakatulog na sya,

Geezz kay Zina ko na lang sya dadalhin, Hindi naman nito kaylangan mag paospital eh, masyadong malayo ang mga sugat nya sa bituka,

Nagpahatid ako kay manong driver hanggang sa bahay namin Ni Kuya Nick, Bahala na kung sobrang gabihin na ako ng uwi,

Tinawag ko ang gwardya at pinabuhat si Tanya papunta sa guest room,

"Hoy Best, Bakit dala mo yung anak ni Satanas dito?" Tanong Ni Zina,

"Tss, tinulungan ko lang naman sya eh, hayaan na natin, saka Ampon lang yan! Yung totoong anak nasa bahay diba? Sigurado akong tuwang tuwa yon ngayon dahil Solo nya si Cane" sambit ko.

Umakyat kami sa kwarto at sinilip ko lang si Tanya na ngayon ay tulog na tulog, marahil ay sobrang napagod ito.

Ano ba naman kasi ang ginagawa nya sa lugar na iyon? Tss.

kay Zina ko na lang sya pinabihisan  kaylangan ko na kasing umuwi, saka nag aantay si kuyang Taxi Driver sa labas.

"Best! Ikaw ng bahala sa kanya ah? Bantayan mo yan." Sambit ko kay Zina,

"Tsk. Hayaan mo na yan dyan! Hindi naman mamatay yan, hello? Masamang damo yan diba?!"Gigil na sabi nya

Bumuntong hininga nalang ako at lumabas na ng bahay,

-------

Pagdating ko sa gate palang ay pinag buksan ako ng MIB ni Tiffany

Noong unang madatnan yan ni Cane ay Nagalit sya pero ng mabanggit naman ni Tiffany ang purpose ng mga iyan ay pumayag din sya kinalaunan, oh diba! Close na close na talaga sila!!

Naabutan ko si Cane na nakaupo sa mahabang sofa banda sa sala,

Mukhang malalim ang inisip nya kaya't hindi nya parin ako napapansin.

Sa wakas nag angat na sya ng Tingin,

"Saan ka na naman galing?"galit na tanong nya.

🌸🌸

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon