[REESE POV]
"HOY! Zina, wala ka bang balak sagutin ang phone mo? Ang ingay ingay nyan! Nakakairita na!" Singhal ko sa kanya.
Nakaupo kami ni Zina sa sofa habang nanonood ng T.V tutal linggo naman kaya tambay kami ngayon sa bahay
"Ikaw Reese! Bawas-bawasan mo nga ang Pagkamainitin ng ulo mo, sige ka mamaya pumangit yang anak mo bahala k----woaw! Easy sabi eh" Napatayo sya sa kinauupuan nya ng batuhin ko sya Laruan ni Baby Mateo.
Tss. Nakaiwan na naman ng laruan si Mathew.
Grabe naman kasi sya kung makabili ng sangkatutak na laruan kala mo magagamit lahat iyon ng anak nya, samantalang mag wa-walong buwan pa lang yon.
Sa lumipas na ilang araw ay palaging nagpupunta dito sa Mathew sa bahay kasama ang baby nya na sobrang cute, hayy! Nakakagigil talaga ang babing yon..
Mas gusto nya nga daw dito kaysa ang pumasok sa trabaho, ewan ko ba don.
"Hoy Babaeng Moody! Bakit nakangiti ka naman ngayon ha? Nabuntis ka lang nabaliw ka na!" Napalingon naman ako kay Zina ng mang asar nanaman sya
Tinarayan ko naman agad sya at kinuha ang cellphone nyang nakalapag sa babasaging lamesa, bakit kasi ayaw na lang patayin ang phone para walang istorbo!
Hindi napansin ni Zina na kinuha ko iyon dahil busy sya sa panood ng T.V, tiningnan ko muna ang Caller,
Si Patrick lang pala, sinagot ko ang tawag saka itinapat sa tenga ko pero hindi ako nagsalita,
"Hoy abnormal na Zina! Nakailang tawag na ako bakit hindi mo sinasagot? Baka nakakalimutan mo marami kang kasalanan sakin, kapag nalaman ko talaga kung nasaan ka ngayon ipapasunog ko yang bahay na tinirahan mo, tinamaan ka talaga ng lintek.." tuloy tuloy na sabi nya sa kabilang linya,
Napataas naman ang kilay ko dahil sa pinagsasabi nya, ano ba talagang meron sa dalawang toh?
"Ano bang problema mo Patrick! Talo mo pa ang babaeng may dalaw kung makaputak ka! Aba! At Hindi ako papayag na sunugin mo ang bahay namin!! " galit na sambit ko sa kanya,
Napatingin naman sa gawi ko si Zina at aagawin sana ang cellphone nya sakin kaya agad akong tumayo at sinenyasan syang wag maingay,
ilang segundo naman ang lumipas ay parang naging tahimik sa kabilang linya, ok ano nang meron?
"A-a-ahm, Reese? I-ikaw pala yan, hahaha Nasaan ka ba ngayon? Grabe , Hinahanap ka na ni------"napakunot ang noo ko ng biglang namatay ang tawag sa kabilang linya,
tss. Bahala na..
Agad ko ng ibinalik kay Zina ang phone nya at tinanggalan ito ng battery saka Inilapag sa sofa,
Hay. Nagugutom nanaman ako,
"Zina! Samahan mo ulit ako sa labas, bibili lang ako ng pagkain," sambit ko sa kanya, maya maya naman ay sumimangot sya,
"Tsk. Reese! Grabe ka naman, kakakain mo lang kakain ka naman? aaaiissttt sana lang hindi ka maging butanding nyan, sige ka," sagot nya sakin, lumapit naman ako sa kanya at hinila sya sa kamay saka pumunta sa garahe,
Nyahaha! Wala na syang magagawa dahil nahila ko na sya,
Kinuha ni Zina ang Motor nya na palagi naming ginagamit sa tuwing lalabas kami ,
Sabi nya ngayon nya lang daw nagamit iyon dahil mas marami na syang pera ngayon pampa gaas, wala naman kasi syang ibang pinag kakagastusan dito sa bahay..
***
[ZINA's POV]
Pusang gala naman to si Reese oh! Kung hindi ko lang to kaibigan baka nakotongan ko na to ng wala sa oras, tsk! kung makalamon kasi kala mo may alagang sawa sa tyan.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomansaPLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...