[[REESE POV]]
"Reese, napapansin mo ba yung lalaki na yun?" Sabi ni lady ann sakin at nginuso ang lalaking sinasabi nya.
Sinundan ko din ng tingin ang lalaking ingi-nunguso nya na naka-pwesto sa gilid nitong restaurant.
"Alam mo kanina ko pa napapansing tingin ng tingin sa iyo yan eh" dugtong nya pa
Kumunot naman ang noo ko at ibinalik ang tingin sa ginagawa ko
"Ano naman kung tumitingin sya? May masama ba don?" Sagot ko sa kanya
Sumimangot naman si lady ann at nag crossed arms sabay tingin ulit sa lalaki
Maputi ang lalaking iyon, gwapo at sa tingin ko ay matangkad kahit nakaupo sya.
Napadako naman ulit ang tingin ko sa lalaki na ngayon ay ngiting ngiti sakin.
Weirdo.
"Ikaw lady ann bumalik ka na nga sa trabaho mo, baka pagalitan tayo ni Dylan" pukaw ko sa kanya dahil nakatunganga lang sya
"Oo na! Saka hindi naman tayo papagalitan non eh" sambit nya at bumalik na ulit sa ginagawa nya
Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo 9:00 am palang pala, mamayang 10:00 Am kasi ay susunduin ako ng driver ni mama Adara para pumunta sa kompanya ng mga magulang ko.
Pero feeling ko naman ay pinagsisihan nya ang lahat ng ginawa nya, lagi na lang kasi syang nang hihingi ng tawad sakin, at sobrang bait nya din sakin palagi.
Nung isang araw na pinag usapan namin nila kuya at mama Adara ang tungkol sa Gagawin kong pagpapatakbo ng companya, pero mangyayari lang iyon kapag napag aralan ko ng maayos ang lahat ng ituturo ni mama Adara sakin
Sa ngayon isasantabi ko muna ang lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil kay Mama Adara at kila mama lidia.
Nakapag paalam na din ako kay Dylan na hindi na ako papasok bilang waitress dito sa restaurant nya para mapagtuunan ko ng pansin ang tungkol sa companya.
Katunayan ay huling oras ko na ditong magtatrabaho.
Isang araw pagkatapos akong sabihan ni Cane na wag na akong magtrabaho ay pumayag agad ako mabuti na rin iyon para hindi ako mahirapan sa mga gagawin ko
Kailangan ko lang talaga umuwi sa bahay ng mas maaga sa uwi nya galing trabaho para hindi nya ko maabutang wala ako sa bahay.
---
Hindi nag tagal ay natanaw ko na ang driver ni Mama adara na papasok dito sa restaurant.
"Mam Tara na po, Inaantay na po kayo ni Mam Adara, " sabi ni Kuyang driver at tinanguhan ko sya.
"Ah wait lang po, magpapa alam muna ako" sambit ko at dumiretso sa office ni Dylan
Kumatok muna ako at bago pumasok
"Ahm Dylan ngayon na nga pala ako aalis" umpisa ko.
"Ah ganon ba" tumayo sya at tumapat sakin " Wag mo kami kalimutang dalawin dito ha" dugtong nya pa at yumakap sakin.
Tinapik ko naman ang likod nya at humiwalay na sa kanya.
"Syempre naman Dadalaw parin ako dito" sabi ko at nginitian sya.
"Saka wag mo kalimutan yung sinabi ko ha! Kapag umiyak ka ulit dahil sa asawa mo. nandito lang ako. " nginitian ko na lang sya.
Bago pa man ako makalabas ng office nya ay sumilip ulit ako ng bahagya sa kanya
"Nga pala, Bantayan mo si Lady ann ha?, kapag nalaman kong napahamak yon lagot ka sakin!" pabirong sambit ko bago lumabas ng tuluyan.
Nagpaalam narin ako kay lady ann at pumunta na kay kuyang Driver na kanina pa nag aantay sa labas.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...