[MATTHEW's POV]
"REESE! REESE! Wake up, what the hell?"pang yuyu-yugyog ko sa kanya dahil pagkatapos nyang yumakap ay nawalan sya ng malay,
Sobrang putla rin ng itsura nya at gulo gulo ang buhok, napansin ko rin na may kalmot sya sa kanang pisngi pero hindi naman masyadong malaki,
Grabeng kaba naman ang inabot ko dahil sa nangyari sa kanya,
kanina nung tumawag sya ay nag alala agad ako ng marinig ko syang umiiyak,
Habang nakatayo parin ako at nakakapit ako sa kanya ay napansin ko ang pulang mantsa sa Puting palda nya pagkayuko ko,
Shit! Ngayon pa ba sya nagkaroon ng period? tapos hindi nya manlang napansin?
Binuhat ko sya at pumunta sa kotse ko para dalhin sya sa hospital, baka kasi mamaya iba pala ang ibig sabihin ng dugong yon,
Iniupo ko sya sa tabi ko at ng masiguro kong maayos ang pwesto nya ay umikot na ako sumakay saka pinaandar ang sasakyan.
-------
nagising ako ng maramdaman kong gumalaw ang kamay ni Reese na hawak ko,
Unti unti nyang iminulat ang mata nya at tumingin sa gawi ko, nginitian ko naman sya dahil sa wakas ay nagising na sya.
Halos mataas na ang sikat ng araw ng tumingin ako sa bintana,
"Are you ok? Anong nararamdaman mo?" Tanong ko ngunit pumikit lang ulit sya.
Bumuntong hininga muna ako bago magsalita,
" REESE! pwede bang wag ka munang magpadala sa mga nangyayari sa kapaligiran mo? Saka iwas iwasan mo daw ang kakaiyak " napadilat ulit sya at tumingin sakin ng nakakunot ang noo,
"iwasan mo ang lahat ng makakapag pa-stress sa iyo, makakasama daw iyon sa baby mo" nakangiting sambit ko,
Mabuti na lang daw at nadala ko agad sya sa hospital,
Ayon ang sabi sakin ni Doc, napag kamalan nya pa nga na ako ang asawa nya eh,a pero ang sarap sa pakiramdam na masabihan ng ganong bagay.
Sayang ang Ina ng anak ko, kahit hindi kami kasal ay intinuring ko syang tunay kong asawa,
Badtrip ang babaeng yon at bigla na lang kaming nilayasan,
Galit na galit ako sa kanya!!
Nako! Sa oras na bumalik yon ay sisiguraduhin kong magdadusa sya,
Ngumiti naman sya at tumulo ulit ang luha, hayy ang kulit talaga nito, sinabi ng wag umiyak ng umiyak eh!!
"Reese, lumayo ka muna sa mga taong mahilig manakit ng damdamin mo, dahil sa susunod na may mangyaring masama ulit sayo mawawala ang baby mo!, maselan daw ang pagbubuntis mo," Sabi ko sa kanya ng may halong lungkot
"I-ilang a-araw na daw akong buntis?" Hirap na tanong nya,
"Anong ilang araw? You're 8 weeks pregnant, hanep ka talaga! hindi mo manlang namalayan na buntis ka na pala?" Sabi ko habang nakangiti, ngumiti naman sya ng pilit At hinawakan ang tyan nya
"K-kaya pala iba lagi ang nararamdaman ko pero hindi ko lang pinapansin, akala ko kasi dahil lang sa pagod, tsaka wala akong alam tungkol sa mga signs ng pagbubuntis," bumuntong hininga nalang ako sa sinabi nya.
"Tsk. Kapag okay ka na ikwento mo sakin ang nangyari ah? Gusto mo bang ipatumba ko na ang lahat ng na-nanakit sayo?" Pabirong sabi ko bahgya naman syang ngumiti
"Puro ka talaga kalokohan, Ang natatandaan ko lang na puno't dulo nito ay yung picture na nakita ni Cane" agad naman akong nacurious sa sinabi nya,
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...