Part 31❤

50.8K 921 47
                                    

Pag uwi ko sa bahay Si Cane agad ang nabungaran ko, nakatayo sya sa labas ng gate

Dali dali naman syang pumunta sa kinatatayuan ko ng makita nya ako,

"Where have you been?" Tanong nya.

"Dyan lang! Kumain, kamusta na yung babae sa loob?" Tanong ko, yumuko naman sya at bumuntong hininga

"She's Tiffany, Ok lang sya ngayon" sagot nya, tss. Paanong hindi sya magiging ok? Eh ang sarap nya buhay nya pati asawa ko inagaw nya na!

"Ahm. Cane? Dito na ba talaga sya titira?" Bumuntong hininga ulit sya at tumingin sakin na parang naguguluhan,

"No. i mean I-i dont know! sinabi kong hindi sya pwede dito pero matigas ang ulo nya, hindi sya umaalis. maintindihan mo sana, dinadala nya ang anak ko, ipapalaglag nya ang bata kapag hindi ko sinunod ang gusto nya," sambit nya na ikinasikip ng dibdib ko, ibig sabihin matagal pang mag i-stay ang babaeng yon dito?

Wala ba syang sariling bahay at gusto nya pa dito!

Shit ano bang gagawin ko? Akala ko noon si Tanya lang ang po-problemahin ko pati pala ang Tiffany na ito?

"Naniwala ka naman sa kanya? Na anak mo nga iyong dinadala nya? God! Ni hindi mo nga ata kilala iyon! sigurado akong may hindi tama sa ginagawa ng babaeng iyon! kaylangan bang dito sya tumira?" lintanya ko sa kanya

napasimangot sya.

"Pwede bang hayaan mo muna ako? Naguguluhan pa nga rin ako hanggang ngayon, tapos dadagdag ka pa!" Singhal nya sakin,

hindi ko alam na kaya nya palang sabihin saakin ang bagay na iyon,

Ano bang nangyayari? Ginayuma ba sya ng babaeng iyon?

Parang kahapon lang sobrang saya pa namin tapos ngayon? Dahil lang sa babaeng yon masisira ang pagsasama naming dalawa?

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya hinayaan ko na lang itong kumalat sa mukha ko,

Mukha namang natauhan sya sa sinabi nya at agad na yumakap,

"Oh God! I'm sorry,  nabigla lang ako, i'm so sorry, please dont cry" pag aalo nya sakin,

Pinunasan nya naman ang luha ko gamit ang kamay nya, inayos nya rin ang mga buhok kong nagkalat sa mukha ko at inipit ito sa likod ng tenga ko,

Bakit ba lalong mas naging iyakin ako ngayon ? Hindi naman ako ganto kaimosyonal noon.

Bumitaw na sya at inaya ako ako papasok sa loob

Nabungaran ko si Tiffany na nakaupo sa sofa habang nakataas ang mga paa sa babasaging lamesa.

Tss. Feeling reyna ang babaeng toh!ang kapal ng mukha.

Nagpaalam si Cane na aakyat muna sya sa kwarto kaya ngayon dalawa na lang kami ni Tiffany Dito,

"Bitch! Ano pang ginagawa mo dito? Akala ko naglayas ka na tsk." Nag mamalditang sabi nya.

Tumayo sya sa sofa at lumakad ng kaunti sa harap ko,

Nagpantig nanaman ang tenga ko dahil sa mga lumalabas sa bibig nya, shit nanggi-gigil talaga ako!!!

"Ikaw ang kapal ng mukha mo! Pag kaharap mo na si Cane nag babait baitan ka!" Sighal ko sa kanya.

Magsasalita pa sana ulit sya ng pigilan ko "Saang lupalop ka ba nanggaling? Ha?! ano bigla ka nalang susulpot at manggugulo saming dalawa!" Singhal ko.

Halata naman sa mukha nyang gustong gusto nya na akong sampalin o sabunutan, lumalaki na rin ang butas ng ilong nya dahil sa pagpipigil ng galit,

"Oh? Bakit hindi mo ko gantihan ngayon? Dahil nasa taas lang si Cane? Tss, Ingat ka! Baka sa sobrang pag pipigil mo ng galit paglabas ng anak mo iba na ang itsura nyan" sambit ko sa kanya, ipinadyak nya naman ang paa nya na parang nag dadabog,

Hayy! Kung hindi lang ito buntis ay iuumpog ko ang ulo nito sa pader! Aarrgghh. Badtrip talaga ang babaeng toh!

napansin kong nagawi ang mata nya sa itaas ng hagdan, lumingon ako sa itaas at nakita kong pababa na si cane habang nakatingin saming dalawa.

"So! Nagkaayos na ba kayong dalawa? Sana naman wag nyong pasakitin ang ulo ko!" Sambit ni Cane saming dalawa.

Bigla namang kumapit si Tiffany sa braso ni Cane at isinandal pa ang ulo sa balikat nito, mula sa galit na mukha nito kanina ngayon naman ay parang anghel na ang itsura nya,

Tss. Plastic Abnormal tong babaeng toh!
Hello? Anong ganap ko dito? Ako kaya ang asawa at hindi ang malanding to!

Inialis naman ni Cane si Tiffany mula sa pagkakayapos sa kanya, mukha atang may lakad sya dahil nakapang alis na damit ito,

"Wife! May pupuntahan lang ako saglit, babalik din ako" sambit nya,

Tumango ako sa kanya, lumapit sya sakin at hinalikan ako sa labi habang kaharap si Tiffany pero saglit lang iyon at nag paalam narin.

"Tsk, Hindi kayo magiging masaya! Sisiguraduhin kong ako na ang mahahalin nya!, Kaya ikaw magbalut-balot ka na!." Napatingin ako kay Tiffany ng bigla syang magsalita ,

Sabi ko na nga ba at may binabalak itong hindi maganda eh,

Tinaasan ko sya ng kilay " Tss, Talaga lang ha? Kahit akitin mo pa ang asawa ko hindi mo parin mapapalitan ang sayang naibigay ko sa kanya, Hanggang pangarap ka na lang Tanga!." Singhal ko pabalik sa kanya.

Sa sobrang galit nya ay hinila nya ang buhok ko at sinipa pa ang tuhod ko,

"Shit! baliw ka! ang sakit ah!" Sabi ko habang hawak ko ang tuhod ko.

"Tama lang yan sayo! Gago kang babae ka, masyadong matabil ang dila mo!" sigaw nya,

Nang makabawi ako sa pag kakasabunot nya ay agad ko syang itinulak, tumama ang braso nya sa kanto ng lamesa,

Sh*t mabuti na lang at hindi iyon nabasag, Kung nagkataon sana ay ako ang malalagot dahil paniguradong gagawa ito ng alibi kay Cane.

"Baliw kang babae ka! Sana lang hindi ka makunan sa mga pinaggagawa mo!" Sambit ko,

Tumayo naman sya mula sa pagkakasalampak sa sahig habang hinihimas ng isang kamay nya ang braso nyang tumama sa lamesa,

"AAAARRGGHHH! Bwisit ka!" Dabog nya at umakyat sa hagdanan saka pumasok sa isang guestroom,

Umakyat na lang rin ako sa kwarto namin ni Cane at humiga sa kama.

"Hayy! Namiss ko kaagad ang kamang to." Sambit ko sa sarili,

Bigla ko namang naalala si Mama Adara, Hindi pala ako pumunta sa kompanya ngayon,

kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Mama

Matapos ang tatlong ring ay sinagot nya rin agad ito,

"Hello Ma, Sorry po hindi ako nakapunta dyan ngayon, " humugot ako ng malalim na hininga,

"Ano ka ba hija, ok lang no, Ayos ka lang ba? May problema ka ba? Tell me." May pag aalalang sambit nya,

pati ata sya nahalata ang boses ko na may halong lungkot,

"Yes MA! Ok lang po ako, walang problema, wag na po kayong mag alala" umiling iling pa ako kahit hindi nya nakikita

"Sige Ma! Iba-baba ko na po ! Baka kasi naiisitorbo ko na kayo hehe."

"Alright hija, but let me tell you! Kahit kailan hindi ka naging istorbo sakin, And sabihin mo lang sakin kung may problema kayo ni Cane hah?" pagkatapos ng usapan namin ni Mama ay pinatay ko na ang tawag, baka kasi mamaya ay masabi ko pa na may alaga kaming daga dito sa bahay.

🌸🌸

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon