Part 6❤

77K 1.7K 46
                                    


"Ah, Dylan pede bang dun muna kayo?" Turo ko pa sa isang gilid ng pasilyo, mukhang na gets naman ni Dylan ang gusto kong iparating.

Dahil siguradong pagpasok ko ay babanatan ako ni mama kahit wala naman akong kasalanan,

Lalo na't kasama pa namin si Cane na walang idea kung anong nangyayari sa takbo ng buhay ko.

"Oyy tara na! Wag kang susunod sa kanya, Kung ayaw mong masaktan sya!"

Sabi ni Dylan kay Cane na lalong naging Curious ang itsura ng kanyang mukha.

Nagdahan dahan akong pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan si papa.

Nakita ko si Marcus na nakaupo sa tabi ng kama ni papa, Mukha ring hindi nya pa napapansin ang prisensya ko,

Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto, hindi lang pala si papa ang pasyenteng nandito may dalawa pa syang kasama, nahaharangan lang ng kurtina ang bawat isa.

Bumuntong hininga ako. Buti naman at wala dito si mama.

lumapit ako kay marcus at tinapik sya sa balikat, malungkot naman syang tumingin sakin,

"Ate mabuti naman at nandito kana. "

Siguradong kagagaling lang ni Marcus sa pag iyak dahil namamaga pa ang mga mata nya.

"Kamusta na si papa ? Ok na ba sya? " tanong ko sa kanya, pero umiling iling lang sya.

Gusto ko mang umiyak dahil sa kalagayan ni papa ay hindi ko naman magawa dahil tinatatagan ko ang loob ko.

Puro pasa at sugat ang buong katawan ni nya, para bang pinagtulungang bugbugin ito.

"Bakit ganyan ang itsura ni papa? Akala ko ba inatake lang sya? Sino ba taong gumawa nyan sa kanya?" May pag aalalang tanong ko kay marcus,

"Oo ate inatake nga sya, Pagkatapos syang bugbugin ni Tirzo saka ng mga kasamahan nya .. " Kumunot naman ang noo ko,

"Sino naman si Tirzo? Bakit nila yan ginawa kay papa?"

" Si Tirzo yung kinukwento mong lalaking mukhang adik, ang sabi ng mga nakakita sa pangyayari ay sinisingil daw ni Tirzo sila papa at mama." Nakayukong sabi nya saakin,

Sigurado akong ako din ang dahilan kung bakit nya ginawa to kay papa!

"Ate sabi ng doktor ay Comatose daw si papa, kaya kaylangan syang ilipat sa private room para mabantayan sya ng maayos, pero malaking halaga ang kaylangan bago sya mailipat, nako naman! Wala tayong pera."

Napahawak naman ang dalawang kamay ko sa mukha ko,

Saan naman ako kukuha ng pera? Sh*t siguradong malaking gastos to! anong gagawin ko!

Inatake na nga, Na comatose pa? Damn!

"Nasaan si mama? " tanong ko kay marcus.

"Nasa kabilang kurtina lang." turo nya sa katabing pasyente ni papa,

Kumunot naman ulit ang noo ko.

"pag katapos ng nangyari kay papa ay nahimatay si mama, pero ok na sya, Natutulog lang yan wag ka na mag alala."

Ano ba naman tong nangyayari sa buhay ko? puro kamalasan na lang!

"Marcus pwede bang ikaw na muna ang magbantay kila mama at papa hanggang mamaya? Maghahanap lang ako ng ibang trabaho." Tumingin naman agad sya sa akin,

"Ano kaba ate! masyado mo ng pinapagod ang sarili mo baka mamaya ikaw naman ang mala----" pinutol ko ang dapat sasabihin nya,

"Ano ka ba marcus wag mo na akong intindihin kaylangan kong magtrabaho para may pambayad tayo sa ospital, Paalam. Mauna na muna ako. "

Bago pa man ako makalabas ng pintuan ay nakita kong nakatayo si Dylan at Cane sa Daraanan ko.

Kanina pa kaya sila dito? Narinig kaya nila ang pinag uusapan namin?

Hinila nalang ako bigla paalis ni Cane, nagpatinuod lang ako sa kanya, ewan ko ba kung anong gagawin nya.

"Hoy! saan mo dadalhin yan? " rinig kong sigaw ni Dylan bago pa man kami makalayo.

Dinala ako ni Cane sa Garden nitong hospital, hingal naman akong tumingin sa kanya.

"May problema ba? " tanong ko.

"Ako wala pero ikaw meron." Sabi nya habang nakatingin sa akin, Kumunot-noo naman ako sa kanya.

"Matutulungan kita sa lahat, wala ka ng babayaran kahit anong gastusin para sa papa mo basta pumayag ka lang sa gusto ko." Seyosong sabi nya sa akin na ipinagtaka ko.

"Anong ibig mong sabihin? Pwede bang linawin mo ang sinasabi mo? " Curious na tanong ko.

Humawak sya sa dalawang kamay ko at tumitig sa mga mata ko.

"Narinig ko ang lahat ng usapan nyo ng kapatid mo. Kaya kong ibigay ang lahat sayo, Basta pakasalan mo lang ako."

Vernonstyle_17

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon