[THIRD PERSON'S POV]
Good Mood na naglalakad si Cane sa lobby ng Companya nya. Hindi tuloy maiwasan ng mga empleyado nya ang makisabay sa ngiti nya.
Akala nya kasi magagalit sa kanya si Reese pagkatapos nilang malaman ang ibinulgar ng kanyang mommy.
Pag punta nya sa tapat ng elevator ay nagtaka sya kung bakit ayaw pa pumasok ng empleyado niya. Nauna na syang sumakay pero nakatunganga parin sila sa labas ng elevator
"Hey Guys, Bakit ayaw nyo pang sumakay?" bahagya namang nagulat ang mga empleyado dahil bago sa kanila ang sinabi ng boss nila.
Malumanay lang ito at walang halong init ng ulo
"E-eh k-asi Sir dati kasi ayaw nyo ng may kasabay sa elevator diba?" Tanong ng isang babae habang nauutal.
Ngumiti naman si Cane sa kanilang lahat, kaya naman labis ang tuwa nilang lahat.
Umatras sa pinakadulo si Cane at sinensyasan silang pumasok na.
Bago pa sumara ang pinto ay may isang lalaking empleyado ang humabol sa pagsakay, parang mushroom ang buhok nito, marami itong bitbit na kahon na halos matakpan na ang paningin nya.
Hindi nya namalayan si Cane na nakayuko sa gilid, nabangga ng kahon ang buhok ni Cane dahilan para magulo ang buhok nito.
"Shemay, Yari ka kay boss." bulong ng katabi nitong babae.
"Mushroom head." dumagundong ang katahimikan sa elevator dahil sa malalim na tinig ni Cane.
unti unting humarap ang lakaki sa kanyang boss. "Yes boss, I will file my resignation letter, Don't worry you will not see my face anymore. I'm so sorry."
bumunghalit ng tawa si Cane, nakisabay ng tumawa ang lahat.
"Mashroom head." sambit ni Cane.
"Ye-yes boss. Are you done laughing? do you need water or some air? are you okay?" napatigil sa pagtawa si Cane.
"do you wanna die?" tanong ni Cane.
"Kung okay lang sa inyo boss." sagot nito.
"stupid." sagot ni Cane.
ilang saglit pa ay lumabas na ang praning na mashroom head.
"help him." sambit nya at nagsilabasan naman ang lahat sa elevator saka nag agawan sa mga kahong bitbit ng lalaki.
nagkibit balikat si Cane ng mapagtantong walang natirang empleyado tabi nya,
"Am i really that scary?" tanong nya sa sarili nya.
Bumukas ang elevator at dali dali syang lumabas. Pagpasok nya naman sa office ay naabutan nya si Tanya na nakaupo sa swivels Chair nya.
"What are you doing here?" Boring na tanong ni Cane.
"Bakit bawal na ba ako dito? Saka diba sabi mo ikaw ang mag aalaga sakin?" Tanong ni Tanya na may paarte effect pa.
Tumayo naman si Tanya at lumapit kay Cane.
"Simula ngayon wag na wag ka ng lalapit sakin, baka ikaw pa ang maging dahilan kung bakit kami magkakahiwalay ng asawa ko" mahina pero may diing salita ni cane
Lumukot naman ang mukha ni Tanya
"Per----" " No buts, just informed me if malapit ka ng mamatay." putol ni Cane sa sasabihin nito.
"For Now. ahm No, Forever pala, Umalis ka na, At wag ka ng magpakita." sambit ni Cane at umupo na sa swivels Chair nya.
Nang'gagalaiti naman sa galit si Tanya at padabog na umalis sa office ni Cane, mabigat ang hakbang na ginawa nito.
****
Sa kabilang banda naman kung nasaan nagtatrabaho si Reese ay masaya silang nag uusap ng kaibigan nyang si Lady ann.
Nagkaayos na kasi silang dalawa, nagtampo lang naman si Lady ann dahil hindi manlang nabanggit sa kanya ni Reese na nag asawa na pala sya
Habang busing busy si Reese sa pag kuha ng order ng mga costumer ay ang syang pagdating ng Kuya nya kasama ang mommy ni cane pati isang lalaking medyo may katandaan na.
Agad naman syang lumapit sa kuya nya ng mapansin nya ito, Pero hindi nya pinapansin ang Mommy ni Cane Dahil galit na gilit parin sya dito.
"Reese pwede ba tayong mag usap?" Tanong ng mommy ni Cane.
Hindi naman sya umimik kaya hinila sya ng kuya nya para umupo sila sa isang bakanteng lamesa.
"Reese ang sabi ni Tita Adara, ibabalik nya na daw sa atin ang kompanyang kinuha nya" umpisa ni Nick, bakas ang tuwa sa kanyang mga mata.
Tumango naman si Reese bilang sagot.
"Kuya hindi ka na ba galit sa kanya?"bulong nya sa kuya nya.
"Ah hindi na? Ewan ko? Ah basta." Hindi siguradong sagot nya
Ipinaliwanag na ng abugado ang lahat ng impormasyon tungkol sa Companya nila at saka nag pirmahan, tahimik naman sa tabi nila ang Mommy ni Cane.
"Eh sino naman magpapatakbo non? Diba may sarili ka ng Companya? Baka mahirapan ka kuya" tanong ni Reese.
Ngumiti naman ang kuya nya.
"Anong ako? Syempre ikaw ng bahala doon, wag kang mag aalala matutunan mong lahat iyon" sagot Ni Nick.
Napanganga naman si Reese
"A-ano? Ayoko kuya hindi ko ata kaya, baka malugi pa yon ng dahil sakin no!" sagot niya.
Humawak naman ang mommy ni Cane sa kamy ni Reese, pero inalis nito ang kamay nya, gusto namang maiyak ng Mommy ni Cane dahil sa Cold na pakikitungo ni Reese sa kanya.
"Reese anak, Alam kong kaya mo yon, Don't worry akong bahala sayo, sumama ka sakin lagi para maturuan kita kung paano mag patakbo ng negosyo"
Napabuntong hininga naman si Reese, Ayaw nya munang isipin na Galit sya sa Mama adara nya.
Unti unti namang tumango si Reese kaya labis ang tuwa nilang lahat
"Sige po papayag na ako" Masayang masaya namang yumakap si Mama Adara sa kanya
"Pero pwede po bang wag nyo munang sabihin kahit kanino ang tungkol dito? Lalo na po kay Cane." kumunot noo naman ang lahat sa tanong nya.
"Gusto ko po kasing mapatunayang kaya kong magpatakbo ng isang kompanya bago nila malaman ang lahat." Dugtong nya pa.
***
[TANYA's POV]Aarrgghhhh!!! Bwisit na Cane yan! hindi ko akalaing sasabihan nya ko ng ganon!
"T*ang*ina talaga! hindi ako papayag na magkatuluyan hanggang huli ang dalawang yon" kausap ko sa sarili ko pag dating ko ng Condo ko
Hinubad ko muna ang heels ko bago humiga sa kama ko.
Ilang minuto ang lumipas ng marinig kong tumunog ang doorbell ko.
"Oh! Bakit badtrip ka nanaman dyan ha?" Tanong ng kaibigan kong si Tiffany at umupo sa kama ko.
Tinarayan ko na lang at tumingin sa ibang direksyon.
"Tiff. Mukhang palpak naman yung Plan A natin, mas mabuti pa isama na natin yung Plan B *smirk*, sigurado akong magkakagulo silang dalawa"sambit ko kay Tiffany.
"At ikaw lang ang makakagawa non, hindi pwedeng ako dahil baka hindi um-effect, saka baka hindi pa sila maniwala." Baling ko ulit sa kanya.
Napalaki naman ang mata nya at tumingin sakin.
"F*ck, bakit ako? Ikaw na lang, tutal ikaw naman nakaisip ng kagagahan na yan" tutol ni Tiffany.
Aaarrggghh kung hindi ko lang ito kaibigan sinabunutan ko na ito!
"Basta ikaw ang gagawa non, saka hindi ka naman nila kilala!" sambit ko at inumpisahan na namin planuhin ang mga gagagawin naming dalawa..
****
🌼🌼
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...