Part 41❤

66.8K 1.1K 78
                                    

[REESE POV]

"kayo na ba ulit?" tanong ni Mathew.

Kumunot naman ang noo ko saka umiling-iling.

"Eh bakit sya naandito?" Tanong nya at kibit balikat lang ang tanging sagot ko.

"Reese? Wala kabang alam na isagot kung hindi Umiling at magkibit balikat lang?" Gigil na tanong nya

"Kahapon, nanghingi kami ni Zina ng tulong kay Patrick para sunduin kami sa gilid ng kalsada, hindi ko naman alam na kasama pala sya eh, saka ewan ko ba kung bakit pa sya nandito. Wag kang mag alala hindi ako Magpapadala sa mga kabaitan nya." paliwanang ko sa kanya.

"Ano masaya ka na ba sa sagot ko!!" Sambit ko saka sya inirapan.

Humugot naman sya ng malalim na hininga saka ulit tumingin sakin

" Yeah! At Kapag sinuyo ka nya ulit ay hayaan mo muna syang mahirapan, dahil kulang pa iyon sa lahat ng sakit na naidulot nya sayo" mariing sambit nya .

"At Sana wag kang bibigay agad, dahil kung mahal ka nya ay handa syang maghintay kahit gaano katagal.."

Ang drama ni Mathew!!  Akala ko kasi puro kalokohan lang alam nya

napatingin ako sa nakatagilid kong sofa.. kawawa sya kay Cane ng sipain ito.

"Iniisip mo na naman sya" napabaling naman agad ako kay Mathew ng magsalita sya

"Tapos pangiti ngiti ka pa!" Dugtong nya ulit habang ako ay napahawak sa bibig at napagtantong nakangiti nga ako.

Agad naman akong nagtikom ng bibig saka yumuko, bakit ba kasi sa tuwing iniisip ko si Cane ay hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako?

Kahit talaga sa simpleng pagdadabog ni Cane ay nagiging masaya ako, dahil ba alam kong nag seselos sya?

Pero hindi pa ito ang panahon para patawarin sya dahil lang sa ipinapakita nya, mahirap kasi para sakin na kalimutan agad ang mga sakit na nangyari samin.

Akala ko magkakatotoo ang sinabi nya sakin noon na ' I promise, no one will hurt you again!" e halos pinalitan nya na ang pwesto ni Mama Lidia at Papa Anton.

Mas okay na sana yung binu-bugbog nila ako kaysa sa unti unting dinudurog ang puso ko..

"Hey! Reese! What's Happening to you?" Nagbalik sa realidad ang  isip kong niyugyog ako ni Mathew

Ay! Tama na nga ang kakaisip ko kay Cane!! Palagi na lang kasing nag iiba ang takbo ng isip ko. Minsan naawa ako sa kanya, minsan naman ay nagagalit ako, Aiisstt!!. Ang gulo ko talaga!!!

*****

[ZINA's POV]

"Aarrgghh!! Bwisit ka talaga!" Sigaw ko kay Patrick saka sya pinagtulakan palayo sakin, shit talaga toh! Palagi na lang akong hina-highblood sa kanya!!

" ang sakit! Tama na! Aww! " Daing nya ng sabunutan ko sya.

Buti kung didikit lang sakin, kaso laging may kasamang hipo ang walangya na toh!!

Habang sinasabunutan ko sya ay napagawi ang mata ko kay Cane na pababa ng hagdan

ppfft..Nakakatawa ang itsura ng mukha nya. Magkasalubong ang kilay nya habang bumubulong bulong

Tss. Sinabihan ko na kasing wag munang umakyat sa taas dahil naandon si Mathew, ang sweet pa naman ng dalawang yon. Pero ang totoo ay magkaibigan lang ang turingan nilang dalawa.

Itinigil ko na ang pagsabunot kay Patrick saka umupo sa sofa, habang si Patrick ay hinihilot ang ulo.

Padabog namang umupo si Cane sa harapang upuan namin at saka humugot ng malalim na hininga

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon