[[ REESE POV ]]
'4 Years Later'
" Hi ma'am Good morning!"
"Ma'am parang mas gumaganda kayo ah?"
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga kanya kanyang bati ng mga empleyado ko, Ang aga aga kasi binobola nila ako
Apat na taon ang lumipas at heto na ako ngayon, Ako na ang bagong C.E.O ng 'Diamond sea' Corp.
Four years ago Tuluyang inilipat ni Mama Adara sakin ang pagpapatakbo ng kompanya, at sya naman ang nangalaga sa naiwan ni Cane, habang nasa pwesto ako ay itinuloy ko parin ang pag aaral tungkol sa pag papatakbo ng isang kompanya, hindi kasing pwedeng patanga tanga ako dahil maraming gustong magpabagsak sa pwesto ko
Tinahak ko na ang office ko at dire-diretsong umupo sa swivels chair ko, tiningnan ko muna ang picture naming dalawa ni Cane sa ibabaw ng table at saka ngumiting mag isa
Nasanay na rin akong wala sya sa tabi ko, Pero hindi maalis ng kahit na sino ang pag ka-miss ko sa asawa ko.
"Mommmyyy!!" Napatingin ako sa pintuan ng biglang bumukas ito at umali-ngawngaw ang boses ni Jiro
Tumayo ako at sinalubong sya, kumapit naman sya sa hita ko at tumingala sakin
"Hmp. Mommy, Daddy lazaro and Daddy Nick are so irritating! " Sambit nya at nag pout pa, sigurado akong pinagalitan na lnaman sya ng dalawang yon,
Daddy ang nakasanayang itawag sa kanila ni Jiro, Silang dalawa kasi ang tumayong ama ng anak ko, pero pinakilala ko sa kanya ang totoong daddy nya ( sa picture nga lang ), walang pwedeng pumalit na kahit na sino sa pwesto ni cane sa puso ko at bilang ama ng mga anak ko.
Napagawi naman tingin ko kay Lazaro at Kuya Nick na kadarating lang, Sinimangutan ko sila at nag crossed arms sa harap nila.
Si Lazaro at Kuya Nick ang tumulong sakin sa pag aalaga kay Jiro bukod kila mama at Zina, pero hindi laging nasa tabi namin si Jiro dahil may kanya kanya kaming trabaho, kaya may Yaya syang laging kasama..
"Ahm Ma'am? Excuse me please?" Lumakad naman ako agad ng makita kong nakatayo sa pintuan ang secretary ko.
" ma'am let me remind you about your business meeting tomorrow in Cebu, 6:00 Am po ang flight nyo." napatampal naman ako sa noo. geez! Oo nga pala, Bukas na 'yon!
Mabuti na lang talaga at pina-alala sakin, wala pa nga akong nae-empake ni isang damit eh, Isang linggo pa naman ang itatagal ko doon..
"Yeah, thanks! Muntik ko ng makalimutan" sambit ko, nag bow naman sya sakin at tuluyan ng umalis..
"Mommy Can i go with you please~" paglalambing Jiro habang naka pout pa, sa totoo lang ay sakin at kay Mama Adara lang sya ganyan ka sweet, pag dating naman sa iba ay puro away na lang gusto nya
"Hay! May magagawa pa ba ako? At kayo namang dalawa wag nyo sabihing sasama din kayo?" Tanong ko habang naka pamewang, Sa tuwing may mga gano'ng bagay kasi akong kailangan puntahan ay sumasama ang dalawang yan
Umiling naman si Kuya " Busy ako, hindi talaga ako makakasama" sambit nya, ngumiti naman ako sa kanya, Buti naman, Dagdag lang kasi sa sakit ng ulo ang kuya ko, pasaway parin akala mo kaedaran lang ni Jiro
Bumaling ako kay Lazaro at tinaasan sya ng kilay
" Sa.sa.ma.ako. whether you like it or not! Alam kong magiging busy ka at hindi mo mababantayan ang anak mo kaya wala kang magagawa, And 'bout his Yaya? Where she is now? Wala diba? So i am sure na pababayaan nya na naman ang anak mo!" napahawak naman ako sa noo ko dahil sa sinabi nya, hay! Right! Bakit ngayon ko lang nalamang nawala na naman ang yaya nya, baka nakakita na naman ng gwapo
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...