[[ REESE POV ]]
"Reese pwede bang pakibigay nitong folder kay Sir Dylan? Parang Bad mood na naman ata. 'Kakatakot, salamat."
Tumango tango ako sa katrabaho ko, Agad ko namang kinuha ang folder na hawak nya.
Simula kahapon pagkatapos namin kumain ni Sir (hindi ko manlang natanong ang pangalan nya) ay bigla na lang akong hindi pinansin ni Dylan at badmood din sya palagi,
Ewan ko ba kung ano ang problema nya?
Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto at pumasok sa loob,
"Eto na po yung kailangan nyo. " inilapag ko sa mesa nya ang folder at humakbang paatras ,
Nagtaas naman sya ng tingin sa akin na blangko ang expression ng mukha bago ibinalik ulit ang tingin sa ginagawa nya.
"Bakit ikaw ang nagdala nyan dito? Hindi naman ikaw ang inutusan ko." Cold na sabi nya,
Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya base sa tono ng pananalita nya.
"Eh kasi Dy---" "Enough, just leave, saka kung makikipag Date ka please wag dito!"
Napayuko ako ng singhalan nya ko, ano bang problema nito?
Pero parang hindi ko nagustuhan ang sinabi nyang nakikipag date ako at dito pa sa restaurant nya.
"Excuse me lang ha! Pero nag kakamali ka
Nang akala! Hindi ako nakikipag date! gusto nya lang akong kasabay kumain, mabait lang talaga yung tao sakin." Sagot ko sa kanya."Oh kita mo na hindi mo nga ata alam ang pangalan non tapos--" " Oo na " putol ko sa sasabihin nya,
"Oo na , sabihin na nating nakikipag date ako sa kanya pero wala ka ng pakialam don, Diba kilala mo naman ako? Kahit kailan hindi ko inuna ang pakikipag date kaysa pakainin ang pamilya ko, Alam mo naman ang sitwasyon ko diba?" Matapang na sabi ko sa kanya at inirapan sya,
Aarrgghh! Akala ko pa naman nai-intindihan nya ang sitwasyon ko!
umiwas naman sya ng tingin at napansin ko pa ang paglunok nya,
Napagpasyahan kong lumabas na ng office nya dahil Feeling ko ay nahihilo ako,
Siguro dahil lang to sa stress sa trabaho at stress din sa bahay,
Narinig ko namang tinawag nya ako ng mahina bago masara ang pintuan. Bahala ka dyan!
pumunta ako sa table sa bandang sulok ng restaurant para kuhanin ang order ng isang lalaki na nakatingin sa cellphone nya habang naka ngiti,
Wait? ito si Sir yung kasama kong kumain?
Hinakbang ko paatras ang paa ko at tumalikod sabay lakad palayo.
"Hey Reese where are you going ? "Lumingon naman agad ako sa kanya.
Tsk. 'Kala ko hindi nya ko napansin.
"Ahm wala, kukunin ko lang yung menu ." Tumango naman sya at ngumiti,
Nakalimutan ko naman talaga na wala akong dalang menu,
Pagka-balik ko sa kanya ay agad kong ibinigay ang menu at nag umpisa nanaman syang umorder ng marami.
"Sir! Take out po ba yang iba dyan? " tanong ko sa kanya,Umiling naman sya " No you'll join me ."
"No din sir! " kumunot naman ang noo nya at tumitig sakin.
" Ah sir-" "just call me Cane" putol nya din sa sasabihin ko, okay, may magagawa pa ba ako?
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...