[[ REESE POV ]]
"Mauna na ako ha? Saka magtatanong na lang ako pag nawala ako sa building na ito" sambit ko kay Cane at dire-diretso na akong lumabas.
Tinahak ko nanaman ang napakahabang pasilyo at huminto ako sa tapat ng elevator. Pagpasok ko ay may nakasabay akong babaeng empleyado at nararamdaman ko namang nakatitig sya sakin kaya lumingon ako sa kanya.
"Ah miss bakit?" Tanong ko, bigla naman syang ngumiti sakin.
Ang weird naman ng babeng to?
"Ah gusto ko lang kasing magtanong sayo, kaso wag na lang pala hahaha" sambit nya sakin at biglang tumawa.
Tss. may sapak ata ang babaeng to? anlakas ng trip eh.
Maya maya ay tumahimik din sya, napansin nya atang hindi ako maka relate sa ginagawa nya, lumapit naman sya ng bahagya sakin saka bumulong sa tenga ko.
Buang din to eh kami lang naman dalawa ang nandito tss.
"Bagong janitress ka ba dito?" Tanong nya pa kaya kumunot ang noo ko.
"Ha? Hindi ah, b-bakit ba?"tanong ko rin sa kanya,
"Hahaha wala lang, Nakalimutan ko kasi yung tanong ko dapat sayo hahaha"
Tingnan mo tawa ng tawa! baliw lang?
Hindi ko na lang sya pinansin at tumalikod ulit sakanya. Argh! antagal naman bumaba nito sa ground floor.
Magagalit kaya si Dylan kung papasok akong walang suot na uniform?
*TING*
Bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako at dumeretso ng lakad, may mangingilan namang empleyado ang tumitingin saakin, siguro natandaan nila ako dahil kasama ko si Cane kanina.
"Hoy pwede bang antayin mo ako?" Kalabit sakin ng babae kanina, ano bang kailangan nito?
"Bakit mo ba ako sinusundan?"mahinahong tanong ko sa kanya.
Bigla naman syang ngumiti ng malaki.
"Alam mo unang kita ko palang sayo kanina nung pagala gala ka gusto na kitang lapitan, kaso umalis kana eh." dugtong nya pa saka ulit ngumiti
"Ah bakit naman, anong meron? "tanong ko pa.
"Hahaha uhm gusto lang sana kita maging kaibigan, saka pasensya na kanina ha? Hehe kasi kaka apply ko lang kanina dito"sabi nya pa at nag peace sign. Nginitian ko na lang rin sya at hinawakan ko sya sa balikat.
"Goodluck sana matanggap ka. " ani ko sa kanya at lumakad na ulit.
Humawak naman ulit sya sakin
"Wait lang kasi! ang hilig mo namang mag walk out eh. By the way Im Zina, Nice to meet you." Nakipag kamay naman sya sakin.
"Reese" maikling sabi ko sa kanya at nginitian din sya, mukha naman kasi syang mabait.
"So una na ko ha ?"paalam ko sa kanya at kinawayan sya.
---------
Pag dating ko sa Restaurant ay sinalubong ako ni Dylan.
"Bakit ngayon ka lang? Hindi ka manlang nag paalam." bungad nya sakin.
"Ah sorry kasi may pinuntahan lang ako di bale mag o-overtime na lang ako. "
Bumuntong hininga naman sya at saka tumango.
"Ah ok lang ba kung wala akong suot na uniform? Hindi kasi ako nakapagdala eh" paalam ko sa kanya, agad agad din naman syang tumango at ginulo ang buhok ko.
" tss. Ginagawa mo naman akong aso nyan eh!" Ani ko at inayos ang buhok ko. Natawa naman sya.
"O sya mag uumpisa na ko. Masyado na akong late!"
****
[Cane's POV]hahabulin ko na sana si Reese ng biglang nag ring sa cellphone ko, walang name ang caller pero kilala ko ang may ari ng number na'to.
Pagkasagot ko ng tawag ay lumabas ako saglit ng office para tingnan kung nandon pa ba si Reese.
Hinantay ko syang magsalita.
"Hi Babe, How are you?"
"Hey are you still there? Dex its me!"
"Buhay ka pa pala?" Tanong ko. Dati rati gustong gusto ko ang pagtawag nya sakin ng Dex. Pero ngayon hindi ko alam ang nararamdaman ko.
"Tanya what do you want huh!? Ubos na ba ang pera mo kaya nagpaparamdam ka na naman?" singhal ko sa kanya.
Tanya is my ex girlfriend, Iniwan nya ko noon pagkatapos nya makuha ang kasikatang hiningi nya sakin, kaya galit na galit ako sa kanya ngayon. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko.
Pinilit nya kong ipasok sya sa Model industry dito lang sa pilipinas, pero ng sumikat sya at may nag alok sa kanya sa ibang bansa ay iniwan nya ko.
F*ck kung kaylan mahal na mahal ko na sya noon, saka nya naman ako iiwan?
"Dex! Babe Im sorry for what i've done! mahal na mahal parin kita " narinig ko ang paghikbi nya.
Hindi na lang sumagot sa mga kadramahan nya, Maayos na ang lagay ko ngayon tapos magpaparamdam sya?
"Babe next month uuwi na ako ulit dyan---"pinatayan ko na sya ng tawag, Wala akong pakealam sa kanya.
All i want is Reese. Only Reese.
Napangiti ako.
----Alas kwatro na ng hapon ng mapag pasyahan kong umalis na sa office para sunduin si Reese sa trabaho.
Pagdating ko sa restaurant ay umupo ako sa bandang dulo, balak ko kasi syang panoorin sa ginagawa nya.
Maya maya naman ay napansin nya ako kaya lumapit sya sakin.
"Ahm Cane, mag o-overtime kasi ako eh, kung gusto mo mauna ka nalang? " bungad nya sakin.
Tumango naman ako sa kanya saka sinabing "Aantayin kita, gusto ko sabay tayong uuwi. " sambit ko sa kanya at nginitian sya.
Hay! Aaminin ko na ko may pagtingin nako kay Reese, Pero feeling ko may puwang parin sa puso ko si Tanya kahit na sinungitan ko sya kanina.
Kinuha naman ni Reese ang order ko at agad ding bumalik saka ipinag patuloy ang trabaho, Napansin ko namang lumabas si Dylan ungas sa office nya at lumapit kay Reese.
Anong binabalak ng kumag na ito?
Nakatayo lang si Dylan sa likod ni Reese na nasa harap ng counter, ewan ko ba kung anong ginagawa nya?
May nakita naman akong batang tumatakbo papalapit sa pwesto nila Reese at Dylan, humarap naman si Reese kay dylan, ilang saglit pa ay biglang tumama ang batang tumatakbo sa likod ni Dylan kaya sumubsob sya kay reese.
Sh*t! sila ang Romantic tapos ang asawa naandito na nonood sa kanila, t*ng*na talaga!
Gulat naman ang rumehistro sa mukha ni Reese dahil halos magkayakap na sila at pinag titinginan nadin ng mga costumer.
Hindi ko na napigilang tumayo at hinila palabas si Reese, hindi ko naman dapat sya sisihin sa nangyari dahil ang bata ang may kagagawan non.
Tss. Bakit kasi nila hinahayaan na may tumakbo takbong bata sa restaurant na iyon!
"Aray ko naman Cane, makahila ka naman." angal ni Reese at tinaggal ang pagkakahawak ng kamay ko.
"Tsk. 'wag ka talaga lumapit sa Dylan na iyon ha! May binabalak yong hindi maganda." Sambit ko, sumimangot naman sya kaya hinila ko ulit sya papunta sa kotse ko.
"Wait lang, hindi pa ko tapos sa trabaho ko ." Atungal nya ulit. Napapadyak ako.
"Wag ka ng makulit , uuwi na tayo! Gusto ko dito ka lang sa tabi ko, gusto ko ako lang ang makikita mo!"
🌼🌼
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...