"Kamusta ka na? Parang mas naging blooming ka ngayon ah?" Tanong ni Dylan, ngintian ko naman sya bilang sagotNandito kaming dalawa sa office nya dahil dinalaw ko silang dalawa ni lady ann, pero nasa labas pa sya at kumukuha ng ngangatain daw namin.
"Ahaha kayo ba ni lady Ann? Ano ng meron sa inyo? Kayo na ba? Uuyy! "Sunod sunod na tanong ko rin sa kanya, sumimangot naman sya.
"Walang kami! Ayokong maging unfair sa kanya, Sinunod ko lang talaga ang sinabi mong alagaan at bantayan ko sya para sayo."
Agad naman kumunot ang noo ko
" Ano? Eh bakit ang sweet nyo? Ano yon palabas lang lahat? Bakit? "
Bumuntong hininga naman sya at umiling iling
" Wala lang ang mga sweet moments na iyon, Dahil hanggang ngayon ikaw parin ang gusto ko. alam mo yan Reese. Hindi madaling baguhin yon. At isa pa, magkaibigan lang ang turingan naming dalawa."
Napanganga ako.
Ilang segundo lang ang lumipas ay may narinig kaming humikbi sa bandang likuran kaya agad kaming napatingin.
"Lady Ann wait! " Agad ko syang hinabol
Bakit kasi nagsalita pa ng ganon si Dylan!!
"Huy! Wait kang naman oh! Wag kang magalit sakin!" Sambit ko hanggang makarating kami sa likod ng restaurant saka lumabas.
"Lady Ann! Buntis ako Wag mo akong pahirapan please~" bigla naman syang napahinto at saka lumingon sakin
"Hay! Ayon lang pala ang panakot ko sayo para tumigil kaka takbo!" ngumiti ako ng wagas sa kanya
Bigla na lang syang tumawa at yumakap sakin. kamuntikan pa nga kaming matumba.
"Congrats! Magkakaron na ako ng pamangkin" excited na sabi nya, binatukan ko naman sya dahil sa kapraningan nya kanina
"Aray ko! grabe ka naman friend" sambit nya at nag pout pa..
"Baliw ka kasi, ambilis magiba ng isip mo! hay! Pag usapan nyo ni Dylan yan kundi pag u-umpugin ko kayong dalawa." sambit ko sa kanya at hinila sya sa kamay
Hindi pa man kami nakaka ilang hakbang ay nasalubong namin si Dylan na nakapamulsa
Tumingin muna sya sakin at pinandilatan ko sya ng mata kaya bumaling naman sya kay Lady Ann.
"Lets Talk!" Maikling sambit niya at pumasok na ulit sa loob ng restaurant, agad ko namang pinagtulakan si Lady ann at saka ng wave ng kamay sa kanya.
Bumalik na ako kung saan ko iniwan si Cane kanina, Hindi ko na sya pinasama sa loob ng resto dahil saglit kang naman ako don at manganga-musta lang..
Naabutan ko si Cane na nakasandal sa kotse nya habang and dalawang kamay ay nakapasok sa bulsa
Nakangiti naman syang tumingin sakin pero hindi ko sya pinansin at tumingin na lang sa nilalakaran ko. Baka kasi may bato akong maapakan at matalisod pa ako.
"Bakit ba hindi ka napasok? Porket ikaw ang boss, Palagi ka ng absent! " singhal ko sa kanya.
Nako! Nakakapang-init ng dugo tong si Cane, palagi na lang kasing nakabuntot sakin, maski nga sa banyo ay susundan nya ako.
"Kapag ngayon ay hindi ka pumasok sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit sakin kahit kaylan!! Tandaan mo yan Cane!......Wag ka ngang tumawa! Bwiset!." Singhal ko ulit sa kanya
inirapan ko sya ng mapansin kong hindi parin nya itinitikom ang bibig nya
Tss. Akala mo laging may nakakatawa!
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...