[THIRD PERSON'S POV]
Napabalikwas si Cane sa pagkakahiga ng maramdaman ang di pamilyar na yapos sa kanya.
Nakaramdam naman sya ng grabeng pananakit ng ulo, inikot nya ang kanyang mata sa buong kwarto saka dali daling tumayo.Dali dali nya ring isinuot ang lahat ng damit nya, nagawi naman ang tingin nya sa babaeng katabi nya kani kanina lang.
Unti unting nagmulat ng mata ang babae at tumingin sa kanya ng nakangiti.
"Hi Babe, you're so Hot last night, sobrang nag enjoy talaga ako! ayy!" Bungad nito sa kanya na agad na ikinanuot ng noo nya.
"What the hell are you saying bitch? Wala akong matandaang may nangyari satin" galit na sagot ni Cane.
"Really? Eh ikaw nga ang nagdala sakin dito! Tsk. Lasing na lasing ka kasi kaya wala kang matandaan, by the way i am Tiffany"
Napaisip naman sya sa sinabi ng babae, oo nga at wala syang matandaan mula kagabi, pero hindi nya gagawin ang ganong bagay sa ibang babae.
Napairap sya saka tuluyang lumabas sa kwarto at hindi na pinakinggan ang huling sinabi nito.
sa sobrang pagkairita ng babae ay agad nyang dinampot ang kanyang cellphone
"Hey Jeremy! I need you...NOW!" bungad nya sa kausap at pinatay na agad ang tawag kahit hindi pa ito nakakasagot.
Wala sa sariling napangisi sya dahil sa mga kanyang naisip at agad na tumayo saka pinulot ang mga nagkalat nyang damit sa sahig..
[REESE POV]
Agad kong napadilat ng mata ng maramdaman kong lumundo ang kama, napaharap ako kay Cane na ngayon ay naka dapa sa tabi ko.
"Im sorry about last night, magkakasama kasi kami nila Nick" sambit nya pagka harap nya sakin,
kaya pala.
"Ganon ba, ok lang, basta sa susunod sana magpaalam ka naman. " mariing sambit ko sa kanya, ngumiti na lang sya sakin bilang sagot.
"Bakit ganyan ang damit mo? Baliktad." Tanong ko sa kanya ng magawi ang mata ko sa suot nyang polo shirt
Iniiwas nya naman ang paningin nya at tumayo.
"A-ah its nothing, Hindi ko lang nasuot ng maayos dahil sa kakamadali ko," sagot nya pa at hinubad ang pang itaas nyang damit, saka pumasok sa banyo.
bakit ba sya nagmamadali?
Tsk..'ano bang ginawa nya kagabi at kaylangang hubarin ang damit nya?'
Wag ko lang talaga malaman na may tinatago sya sakin, baka mamaya may babae pala sya, at sana naman hindi si Tanya iyon. o kahit sino pa.
------
Habang busing busy ako sa pakikinig sa mga itinuturo sakin ni Mama Adara ay ang sya namang pagtunog ng Cellphone ko
Binuksan ko ang cellphone ko at agad na tinignan ang message box.
Naitakip ko ang isang kamay ko sa aking bibig dahil sa sinend na picture sakin,
Si Cane na may katabing babae, nakayakap sa kanya ang babae at tanging kumot lang ang saplot nila.
Unti unting tumulo ang luha ko at agad na naibagsak ang cellphone ko dahilan para mapatingin sa gawi ko si Mama
"Oh God! Why are you Crying?" May pag aalalang tanong nya
Nagawi naman ang mata nya sa cellphone kong bumagsak sa sahig saka ito pinulot. Napatutop sya sa kanyang bibig.
Halos parehong pareho kami ng Reaksyon ni mama
"Ma! Sigurado ako kagabi lang yan nangyari, magdamag syang hindi umuwi kagabi." Sambit ko habang tuloy tuloy bumabagsak ang luha ko
Gulong gulo ako sa mga naiisip ko ngayong oras na ito, si mama naman ay napailing na lang at kinuha ang phone nya saka nag dial.
Agad ko syang pinigilan dahil sigurado akong si Cane ang tatawagan nya
"Ma! Wag nyo po syang tatawagan, gusto ko ako mismo ang makaalam ng mga pinaggagawa nya a-at kung nilo-loko nya ba talaga ako." mariing sambit ko.
Simula ngayon, Hindi ko na hahayaang mawala sa pangingin ko si Cane, kung hindi ko man kayaning mapagsabay ang ginagawa ko dito sa kompanya at ang pagsunod sa kanya ay pababantayan ko sya sa iba.
Pinunasan ko agad ang luha ko at bumaling kay Mama
"Ma, Ayoko pong may ibang makaalam ng tungkol dito." Agad naman syang tumango bilang sagot at saka ulit umupo sa pwesto nya kanina.
Naikuyom ko naman ang kamao ko na nakapatong sa lamesa, Hindi ako makakapayag na masira kaming dalawa ni Cane lalong lalo na at maayos na ang lagay namin ngayon.
"Reese are you Ok?" Napatingin ako kay mama ng magtanong sya, umiling lang ako bilang sagot sa kanya, Totoo namang hindi ako ok e.
kung makita mo ang litrato ng asawa mo na may kasamang ibang babae sa kama, anong gagawin mo? Magiging ok ba sa lagay na iyon? nakakabaliw.
Napabuntong hininga naman si Mama at pilit na pinasigla ang ekspresyon ng kanyang mukha.
***
[MAMA A'S POV]
Geeezz! i can't imagine na kayang gawin ni Cane ang ganoong bagay, ayoko sanang maniwala sa litratong iyon.
Mas maniniwala pa ako kung video iyon, God! What am i gonna do? Lalo na at nakikita ko ngayon mismo na parang hindi makapag concentrate si Reese sa ginagawa nya.
Kanina pa kasi naka kuyom ang kamao nya, parang gusto nya ng manapak ngayon.
Well hindi na ako magtataka kung biglang lumabas ang pagka matapang na ugali ni Reese, kung saakin mangyari yan ay ipapatumba ko na agad ang babae nya.. Well lagot sakin ang babaeng 'yon. Papatayin ko sya.
Napansin kong panay ang buntong hininga niya, hinawakan ko ang nakakuyom nyang kamay kaya napatingin sya sakin
Bigla nanaman tumulo ang luha nya, tumingala sya sa kisame para pigilan iyon.
sobrang sakit para sa kanya ang makita ang ganong bagay, kahit ako ay naging problemado din.. pero, alam kong wala pa samin ang nakaka alam ng buong kwento, hindi magtatagal ay malalaman rin namin ang lahat.
🌸🌸
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...