[[ REESE POV ]]
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng sobrang gutom at uhaw, isama mo pa ang matinding pagkirot ng ulo ko,
Geezz! ano bang nangyari sakin?
Nang maging malinaw ang paningin ko ay inilibot ko ang mga mata ko kung nasaan ba ako, at hindi naman ako tanga para hindi malamang na sa ospital ako,
Unti unti kong inalala ang mga nangyari sakin kung bakit nga ba ako nandito,
Napabuntong hininga ako ng maging malinaw sakin ang lahat.
Bigla ko rin namang naalala na bago ako mahimatay ay narinig kong kinakausap ako ni Cane, Siguro sya ang nagdala sakin dito.
Tumingin naman ako sa bintana, siguro nasa alas nuebe pa lang ng umaga base narin sa sikat ng araw,
Ibig sabihin ay ngayon lang ako nagising simula ng mahimatay ako kagabi?
Pero bakit sobrang gutom na gutom ako?
Bumukas naman ang pintuan at iniluwa noon si Cane na may dala dalang supot ng pagkain, hindi ko pa nga mabasa kung ano yung nakasulat sa supot dahil japanese ata ito.
Nang mapansin naman nyang na gising na ako ay dali dali syang lumapit sakin.
"Ok ka na ba? Anong nara ramdaman mo ? Kumain ka muna siguradong gutom na gutom ka na." magkakasunod na sabi nya sa akin,
Bakas naman sa mukha nya ang pag aalala, dahil ba sakin yon? O sa iba pang dahilan?
Baka iniisip nitong hindi ko sya mababayaran kapag nawala ako!
Syempre naman hindi pwedeng mangyaring mawala ako, marami pa akong tungkulin sa buhay, ppfftt.
Bigla kong naalala ang alok nya sakin ,
Kung tutuusin sobrang laki ng naitulong nya sa pamilya ko kaya't sa tingin ko ay papayag ako sa kagustuhan nya para kahit papano ay makabawi ako sa kanya."Reese, ano bang nararamdaman mo? Hindi mo ba ako maalala? Saglit lang tatawagin ko lang si Doc-----" tarantang sabi nya, Paalis na sana sya ng hilain ko sya sa kamay.
Ppptttt..
Kamuntikan na akong matawa dahil sa itsura nya, mukha kasing praning.
"Cane! Ok na ako, wag kang praning dyan hahaha!!" sabi ko sa kanya sabay tawa,
Parang umaliwalas naman ang itsura nya ng tumawa ako,
Ngumiti din naman sya sakin pabalik, ang sarap sa feeling, sana lang hindi magbago ang ugali nya.
"Kumain ka na muna para makainom ka ng gamot ." Ani nya at kinuha ang lamesa at idinikit sa tabi ng kama,
Natakam naman ako sa itsura ng pagkain, at mukha pa itong mamahalin.
"Ikaw din kumain ka na, tara sabay tayo."
Tinulungan nya kong umupo sa gilid ng kama, Kumuha naman sya ng upuan at pumwesto sa tabi ng lamesa at inumpisahang kumain.
Ako naman ay hindi magkanda ugaga sa pag subo at halos mabulunan na ako, kinuha ko ang tubig sa tabi at nilagok lahat iyon..
Tumingin naman ako kay Cane na nakangiti lang habang nakatingin sa akin,
"Ahm Cane salamat pala kagabi ha? buti na lang at nakita mo ako. " Kumunot naman agad ang noo nya,
"Kagabi? Akala mo ba kagabi yon? Ibang klase dalawang araw ka kayang tulog." sa ngayon ako naman ang nagulat sa sinabi nya,
Nakanganga naman akong nakatingin sa kanya,
Ano daw? Dalawang araw? Kaya pala kung makakain ako ay parang wala ng bukas! talo ko pa ang baboy na bibitayin na bukas!
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...