Part 2❤

93.3K 1.8K 25
                                    

"Reese, Pagod ka na ba? Hehe kayang kaya natin 'to! Fighting!"

Napangiti ako kay Lady ann, Ang bestfriend ko. Sya na lang palagi ang nag chi-cheer up sakin sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob.

Waitress ako sa mamahaling restaurant dito sa aming lugar.

kaylangan kong ayusin ang pagtatrabaho ko dito dahil kaylangan na kaylangan ko ng pera para makaipon agad ako. Lalo na ngayon, wala na kong mahanap na ibang trabahong sasakto sa oras ko.

"Reese pede bang ikaw na lang ang kumuha ng order ng babaeng yun" sabi ng katrabaho ko, agad ko naman syang sinunod,

Halos lahat kami busy sa pag serve ng orders, Rush hour kasi ngayon. Maraming tao ang labas pasok lalo na kapag tanghalian.

Nang makalapit ako sa magandang babae ay napatitig ako sa kanya.

Sa unang tingin ko pa lng dito ay isa itong sopistikadang mayamang babae. Siguro ay nasa edad 40+ na sya. matapang at masungit ang aura nito, kaya siguro sakin pinasa ang dapat gagawin ng katrabaho ko..

"Excuse me mam,can i take your order please." Sambit ko at ngumiti sa kanya.

Ini-angat nya naman ang mukha nyang may halong pagkadismaya.

"Hay nako!! Ang kukupad nyo namang kumilos! kanina pa ako nag aantay at nagtatawag ng waiter dito ay wala manlang pumapansin sakin!" Mataray na sabi ng babae at tinaasan ako ng kilay.

Napayuko naman ako ng bahagya at kinagat ang ibabang labi ko, maya maya naman ay tumingin ulit ako sa kanya.

"I'm sorry about that mam, p-pwede ko na bang kuhanin ang order nyo? "

Ayoko ng sagutin ang panenermon nya sakin dahil pagod narin ako ngayong araw na ito.

"Oww! Sorry! I change my mind! AYOKO NA KUMAIN DITO BAKA PAG ANTAYIN NYO NANAMAN AKO NG MATAGAL! "

Taranta akong tumingin sa paligid, May mangilan ngilan pa ngang nakatingin sa gawi naming dalawa.

Panigurado ay ako ang malalagot dito!
Ang OA naman kasi nito maka react agad e.

Napapa-pikit ako sa bawat salita ng Costumer namin, Nahihiya narin ako sa paligid ko.

Lumabas naman agad ang manager ng restaurant at kinausap ng masinsinan ang costumer na kaharap ko.

Sya si manager Dylan kaedaran ko lang sya at matagal ng binabalak manligaw sakin pero hindi ako pumapayag.

Bigla naman tumingin ang babae sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan.

Nakakatakot ang itsura nya. Para bang sisipain nya ko palabas dito.

"Wag ka ng mag alala naayos ko na ang problema sa isang costumer natin." Mabait at malumanay na sabi sakin ni manager Dylan.

Sya na lang palagi ang tumutulong sakin kapag may mga maaarteng costumer na nagagalit sakin, sobrang laki na nga ng utang na loob ko sa kanya.

Para sa akin ay maituturing ko talaga syang kaibigan.

Laking pasalamat ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako nawawala sa trabahong ito. Alam nya kasing mahalaga sakin 'to.

Paano kaya kapag nawalan ako ng trabaho? Pupulutin kaya kami sa kangkungan?

"Maraming salamat talaga manager Dylan, ang bait mo talaga. The best ka!." Nginitian ko sya.

"Sabi ko naman sayong Dylan na lang diba? saka kala ko ba magkaibigan na tayo?."
Nakangiting sabi nya sakin habang ang dalawang kamay nya ay nakasuksok sa magkabila nyang bulsa.

Gwapo at mabait naman si Dylan pero bakit hindi ko manlang sya nagugustuhan katulad ng mga ibang babae na nagkakandarapa sa kanya?

"Hi Dylan pogi kamusta? " sulpot naman ng kaibigan kong si lady ann, tumingin muna sya sakin at sumenyas ng 'sorry' na agad ko namang tinanguhan,

Si lady ann ay ang matalik kong kaibigan simula ng mapunta ako kilala mama, Naging classmate ko sya ng high school at naging magkaibigan kaming dalawa.

pareho din kaming hindi nakapag college. Halos sabay kaming nangangarap ni Lady Ann.

Sa lahat ng bagay si Lady Ann ang pinaka maasahan ko, kaya thankful ako dahil isa sya naging kaibigan ko.

"Ahm. Dylan, Sige po mag ta-trabaho na ulit ako, pasensya na talaga sa abala."

Nginitian nya lang ako at kinindatan ako, pabiro ko naman syang inirapan.

"Aww! Wag kang ganyan, sige ka baka ma-inlove ako nyan? Ppftt."

"Talaga? Edi araw araw kitang kikindatan para ma-inlove ka sakin.."

Napatawa ako sa sinabi nya, pabiro talaga to kahit kaylan, napatingin naman ako kay lady ann na tahimik sa gilid namin.

"Hoy! Anyare sayo? Bakit tahimik ka?" Tanong ko sa kanya. Umiling iling lang naman sya bilang sagot.

Nagkatingin kami ni Dylan at sabay na nagkibit balikat sa isat isa.

☆☆☆☆☆

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon