Part 22❤

60.4K 1.3K 16
                                    

[[REESE POV]]

Pag alis namin sa bahay nila Cane ay sumakay na agad kami sa sasakyan ni kuya, kahit sya kanina pa tahimik at hindi alam kung anong ire-react nya

Hinayaan ko na lang kung saan ako gustong dalhin ni kuya. Makalipas ang isang oras ay may pinasukan kaming mapunong daan, hindi ko alam kung anong lugar ba ito.

"Kuya Nasaan ba tayo?" Tanong ko.

Ngumiti naman sya at ibinalik ang tingin sa daan

"Hindi mo ba natatandaan to? "tanong nya kaya kumunot ang noo ko at umiling iling.

Wala naman talaga akong Idea.

"Naisip ko kasing dalhin ka sa kung saan magiging masaya ka" sabi nya at ngumiti

Maya maya naman ay huminto nadin kami sa isang malaking bahay.

Nang makita ko naman ang kabuuan pag baba ko ay napanganga ako.

"Wwaaahh kuya! Bahay natin to diba?" Masayang tanong ko kay kuya.

Umakbay naman sya sakin "Oo, kaso nagtataka ako hindi mo natatandaan ang daan papunta dito" sagot ni kuya.

"Tss. Matagal na panahon na kasi yun e. Kaya siguro 'di ko narin matandaan."

Bahay namin to dati nung buo pa ang pamilya namin, sa tinagal tagal ng panahong nagdaan ay hindi ko na talaga natandaan ang daan tungkol dito,

Pumasok ako sa loob at lalo akong namangha.

Sobrang linis nito at Nandon parin ang mga dati naming gamit.

"Kuya! bakit sabi ni Mama lidia noon ay May ibang nakatira na daw sa bahay natin?" Tanong ko pa, kumunot naman ulit ang noo ni kuya.

" Huh? Wala ah! Matagal na walang tumira sa bahay natin, bumalik lang ako dito nung fifteen years old na ako, at nung nagkatrabaho naman ako, pinaayos ko ang ibang bahagi ng bahay natin dahil masyadong naluma sa tagal ng panahon!.." paliwanag ni kuya.

Dapat pala ay hindi na talaga ako naniniwala kay mama lidia oh kahit pa kanino.

Umakyat kami ni kuya sa kwarto ko.

Kumpara noon ay mas maganda na ito ngayon babaeng babae ang motif ng kwarto ko.

Itinuloy ko lang ang pag lilibot ko dahil lahat ng bagay dito na miss ko.

Naalala ko naman bigla si Cane, madilim narin sa labas.

"kuya dito na ba tayo titira? " tanong ko habang nakangiti.

Tama nga si kuya magiging masaya nga ko sa lugar na ito.

"Syempre naman no? Kaso paano si Cane?" Tanong nya.

"Kuya galit ka rin ba kay Cane?" Umiling naman sya.

"Sa mommy nya galit ako, itinuring ko pa naman syang magulang ko, kaso sya pala ang may dahilan ng lahat kung bakit tayo nagkahiwalay ng matagal na panahon."

Bumuntong hininga naman ako saka humiga sa kama ko.

"eh bakit hindi ka galit kay Cane?" Tanong ko pa. Umupo naman sya sa gilid ko

"Hindi ako galit sa kanya dahil katulad din natin sya, namatayan, at naloko din ng mommy nya, saka tapos na akong magalit sa kanya noon, nakita ko ang pagsisisi nya sa nangyari noong magkasama kami." Sagot ni kuya.

Napaisip naman ako, dapat pala ay hindi ko sya iniwan kanina.

Tama si Kuya, hindi dapat kagalitan si Cane dahil pareho lang kaming niloko. Wala rin syang alam sa nangyayari.

Imbis na magalit ako sa kanya ay magdadamayan na lang kaming dalawa, ganon naman ang mag asawa diba?

"Kuya pwede ba tayong bumalik na muna?" Tanong ko, numiti naman sya at tumayo sa kama.

"Sabi ko na nga ba at hindi mo matitiis si Cane"

"Kuya may pumupunta ba dito para maglinis nitong bahay?" tanong ko pagpasok namin ng kotse.

"Yah! Laging may nagpupunta dyang tagalinis at taga bantay ng bahay natin"

---

Huminto na kami sa tapat ng bahay namin, sumilip muna ako sa bintana ng kotse dahil feeling ko wala pa si Cane dito. Sarado kasi ang lahat ng ilaw sa loob

"Kuya salamat, kita ulit tayo bukas, ingat sa pag drive ha?" Sabi ko bago bumaba ng kotse nya.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at hindi na nag abalang buksan pa ang ilaw.q

Habang paakyat ako ng hagdanan patungong kwarto ay may biglang yumakap sakin mula sa likuran ko.

Alam ko namang si Cane ito.

"Akala ko iniwan mo na talaga ako" sambit nya habang nakayakap parin.

Tinatanggal ko naman ang pagkakayakap nya pero ayaw nyang bumitaw.

"Wife! Promise me you won't leave me " sambit nya, hindi ko alam kung ano bang meron sa boses nya, parang paos.

Tinanggal ko ulit ang kamay nya at sa wakas bumitiw din sya.

"Bakit naman kita iiwan? Unless May ginawa kang kasalanan o kaya ay paalisin mo ako" sambit ko at nginitian sya.

Ngumiti na din sya at saka ako hinalikan..

------

Nagising ako ng may nakadagang mabigat sa bandang tyan at paa ko,

Sinilip ko naman si Cane sa tabi ko na sarap na sarap sa tulog.

Tinanggal ko naman ang kamay nya na nasa tyan ko at saka sinunod ang paa nyang nasa hita ko.

Tumayo ako ng dahan dahan dahil sobrang sakit ng katawan ko,

Sh*t para na akong malulumpo nito eh hindi naman ang unang beses na nangyari to samin ni Cane.

Nang makatayo ako ng tuluyan ay isinama ko ang kumot papuntang banyo.

May isa pa namang kumot na gamit si Cane kaya ok lang na dalhin ko ito.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang Roba na nakasabit dito sa banyo saka ako lumabas. Tiningnan ko ulit si Cane na hanggang ngayon ay natutulog parin.

bumaba nako para makapag luto ng alamusal namin.

Habang nagluluto ako ay naramdaman ko namang yumakap sa likod ko si Cane.

"Oy ano ba! Ang hilig mong mangyakap!" sabi ko sa kanya at umikot paharap.

Napatingin naman ako sa suot nya, naka boxer lang kasi sya at white na sando na mas lalong ikina Hot at kina pogi nya.

Umupo na si Cane sa upuan sa lamesa at pinaghain ko sya. Bawat subo nya naman ng pagkain ay ngumingiti sya.

"Praning na si Cane" napatawa sya.

Inilapit nya ang kutsarang may laman sakin, agad ko namang kinain ang isinandok nya.

"Kaylan ba tayo mag kakaanak? gusto ko na ng baby." Nabilaukan ako sa tanong nya, napaka kaswal kasi ng pagkakasabi nya.

"Ikaw dalian mo na ngang kumain dyan. may pasok pa tayo!" sambit ko sa kanya, ngumisi naman sya sakin.

Tumango naman sya, hindi na sya makapagsalita dahil punong puno ang bibig nya.

"Saka pwede bang wag ka ng lumapit kay Tanya? Kundi hihiwalayan talaga kita!"
May pagkaseryosong dugtong ko, pero joke ko lang yon no.

"Yes, Mahal ko."

****

🌼🌼

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon