Part 18❤

61.7K 1.2K 17
                                    

[[ REESE POV ]]

"Hindi pa sa iyo naba-banggit ni Cane?" Tanong ni Mama, umiling naman ako bilang sagot at ipinagpatuloy nya naman ang kwento nya.

[MAMA ADARA's POV]

"Cane tara na, tumayo ka na dyan" sabi ko sa anak ko,

Sinundo namin si Cane dahil sinabi ng teacher nya na nangaway naman sya ng Classmate nya

Lagi na lang kaming napapatawag sa school dahil sampung taong gulang palang sya ay nambu-bugbog na sya

Alam namin ng asawa ko na kaya nya ginagawa iyon ay para mapansin namin sya dahil halos wala na kaming oras para sa kanya ..

Pumasok na kami sasakyan, sa likod ako pumwesto dahil si Cane ay inunahan ako sa pwesto ko katabi ng daddy nya .

Kanina pa sya nangungulit sa akin na dalhin ko sya sa amusement park pero hindi ako pumayag dahil busy ako sa trabaho.

At dahil hindi ako pumayag ay ang daddy nya naman ang kinukulit nya.

"CANE! wag mong guluhin ang Daddy mo, kita mo ng nag da-drive ang tigas ng ulo mo! " sabi ko dahil baka maaksidente kami lalo na't nasa highway kami ngayon,

Hindi naman nagpatinag si Cane at sinamaan lang ako ng tingin.

Sumilay ang masamang galit sa asul nyang mga mata, Napansin ko namang namumula ang tenga at mukha ni Cane, ganyan sya kapag naiinis or galit na sya.

Nabigla ako ng tanggalin nya ang seatbelt at mas lumapit pa sa daddy nya, halos kulang na lang ay kumandong siya.

Sasawayin ko na sana sya ng bigla nyang inikot ang manibela, kaya ang kotse ay nagpagewang gewang sa gitna ng daan.

Sobra sobra naman ang kaba namin ng asawa ko kaya lumingon sya kay Cane at pinagalitan ito,

Napansin ko naman ang isang sasakyan na mabilis na umaandar papunta sa direksyon namin kaya agad kong tinawag ang asawa ko, agad nya namang inilagan ang sasakyan.

Ngunit pag kailag ng sasakyan namin ay ang sya namang pagsalpok sa isang kotse, Kahit ako ay hindi ko napansin iyon dahil sa bilis ng pangyayari,

Basta namalayan ko na lang ay bumaliktad ang sasakyan na iyon pag salpok sa kotse namin.

----

Nagising na lang ako na nasa ospital na ako.

Pilit kong ina alala ang lahat, ang huli kong natatandaan bago ako mawalan ng malay ay ang pag baliktad ng sasakyang nakabanggaan namin at ang asawa kong yakap si Cane ng mangyari ang aksidente,

Sigurado akong silang dalawa ang napuruhan dahil tumama ang salamin sa kanilang dalawa,

sakto namang dumating si Mama,

"Ma! Nasaan na si Cane ? Ang asawa ko? Ayos lang ba sila? " sunod sunod na tanong ko,

Napansin ko namang may tumulong luha sa mata ni Mama, kaya napaiyak na din ako,

isa akong matapang at malakas na tao, kahit kaylan ay wala akong iniyakan. Pero iba kapag pamilya ko ang pinag-uusapan.

"Mama nasaan na sila? Gusto ko silang makita please .." pag mamakaawa ko, Tuloy tuloy lang namang umiyak si Mama,

Tinangggal ko ang lahat ng karayom na nakatusok sa kamay ko at tumayo.

Ramdam ko naman ang pananakit ng katawan ko, pero hindi ko ininda iyon ang gusto ko lang ay mapuntahan ko sila,

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon