Part 3❤

94K 1.7K 29
                                    

Pagkagaling ko sa trabaho ay umuwi na agad ako sa bahay, gawain kong paghandaan ng mamakakain sila mama at papa, pati narin si Marcus.

Ang swerte ko at nagkaroon ako ng mabait at masipag na kapatid kahit na hindi man kami magkadugo.

Napapansin kong si marcus ay palaging pagod na pagod pagkauwi galing school.

ewan ko ba kung ano ang iba pang pinagkaka-abalahan nya sa buhay bukod sa pag aaral.

tinanong ko naman sya tungkol sa bagay na iyon at sinabi nyang busy lang sya sa school dahil maraming activities ang ginagawa nila.

Nagluto na lang ako ng pagkain para sa hapunan namin, nilinis ko na rin ang bahay dahil sa mga nagkalat na bote ng alak at balat ng chichirya.

Bakit bawat  uwi ko sa bahay ay kaylangang ganito lagi ang madadatnan ko?

Kung tutuusin ay iniwan ko kanina na malinis ang bahay bago ako pumasok sa trabaho, Para naman kahit konti ay mabawasan ang gawain ko,

Pero heto, imbis na makapag pahinga ako galing sa trabaho ay kaylangan ko pang gawin 'to, Kaylan ba natahimik ang katawan ko? Halos Minu-minuto ay may ginagawa ako.

Pero ngayon wala na naman dito sa bahay sila mama, paniguradong nasa sugalan iyon nagpapakasasa sa perang kinuha nila sakin. 

Ayon sana ang gagamitin ko para sa tuition ni Marcus, kaso talo ko pa ang na holdap nito. Walang wala talaga ako.

*****

[[ MARCUS POV ]]

"Kuya paki linis naman yung table na yun oh!" Mahinang sambit sakin ng babaeng costumer, sabay turo sa dulong bahagi ng fastfood chain na pinagtatrabahuhan ko.

"Ok ma'am."

Namula naman ang babae sa pagngiting ginawa ko, Napatawa ako at agad na sinunod ang inutos nya.

Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sakin? sa gwapo kong to halos lahat ng kababaihan sa school na pinapasukan ko ay Idol daw ako.

Mayabang ba 'ko? Hindi no! Pogi lang talaga ako kaya ganto ako, pero ayon lang ang maipag-mamalaki ko bukod sa ate ko.

Halos lahat kaming Crew dito sa pinagta-trabahuhan namin ay busy dahil maraming costumers na dumadating,

Simula fourth year high school pa lamang ako ay nag pa-part time job na ako para makatulong kay ate.

Pero hindi alam ni ate na nagtatrabaho ako para makatulong sa kanya dahil wala namang trabaho ang mga lasinggero naming mga magulang.

-------

Pagkatapos ko sa duty ko ay agad na din akong nagbihis ng uniform namin sa school.

tinago ko  ang uniform ko na pang trabaho sa pinaka ilalim ng bag ko dahil baka makita ni ate. paniguradong lagot ako kapag nalaman nya ang ginagawa ko.

--------

Pag pasok ko palang sa pintuan ng bahay namin ay sila mama agad ang nabungaran ko na pinapagalitan na naman si ate.

Hay! Palagi na lang ganito ang nadadatnan ko!

Aambahan sana ng suntok ni papa si ate kaya't agad akong lumapit ako sa kanila.

"MA! ANO NANAMAN BANG GINAGAWA NYO? HINDI BA KAYO NAAWA KAY ATE NA HALOS GUMAPANG NA SA HIRAP MATUSTUSAN LANG TAYO? LALO NA SA INYONG DALAWA NA WALANG GINAWA KUNDI MAG FEELING DALAGAT BINATA-----"

hindi ko na natapos ang pane-nermon ko kila mama dahil sinampal ako ni papa.

Kita nyo na! pati ako na sarili nyang anak ay sinasaktan nya, napaka walang kwenta!

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon