[Third person's POV]
kanina pa pinapa alis ni Cane ang mga kaibigan nya ngunit ayaw talaga nitong magpatinag.
Kinukulit sya ni Patrick kung anong pang-gagayuma ba nag ginawa ni Reese sa katauhan nya't bigla bigla nalang nagbago ang ugali nya.
Una sumasabay na itong makitawa sa mga waley na joke ng mga kaibigan nya, na dati naman ay wala syang pakialam sa mga pinagsasabi nila,
Pangalawa naman ay ang paghaba ng pasensya nya sa mga luko luko nyang kaibigan,
Si Lazaro o Mark Lazaro ay ang malupit sa kababaihan, isang kindat nya lang ay makukuha nya na ang gusto nya, kaya't ganon na lang kung magalit si Cane dahil tinititigan nito si Reese, nangangamba syang baka mas unang mahulog ang loob ni Reese kay lazaro kaysa sakanya.
Habang si Patrick naman ay ang mas matinik sa mga babae, tinuringan syang Certified babaero of the town dahil grabe ito kung mangolekta ng mga babae araw araw.
Kung tutuusin ay pareho lang sila ng ugali ni Lazaro medyo naiiba lang si Cane dahil mas seryoso ito sa buhay dala narin siguro ng traumang naranasan nya nung ten years old palamang sya, traumang nagpabago ng takbo ng buhay nya.
"Ano bayan Dude ayaw mo talagang mag share ano? sabihin mo na kasi kung nahuhulog na ba ang loob mo kay Reese? "sabi ni Lazaro. tiningnan lang naman sya ni Cane.
"Lazaro! Kailangan pa bang tanungin ang obvious na?" Pambuska pa ni Patrick.
Tumawa naman ulit ang dalawa,
"By the way mauna na kami Mr. Ceo huh! Malalaman din namin ang sagot sa tanong namin saiyo pagdating ng araw hahaha!"pang aasar ni lazaro at umalis na silang dalawa.
Napalalim naman ang pag iisip ni Cane.
Iniisip nya kung nakita na ba ni Nick ang matagal na nawawala nitong kapatid? Ano na nga bang balita?
Matagal tagal narin simula ng mangulila ito ngunit gumawa sya ng paraan para mapalapit sya dito. Sinisisi kasi ni Cane ang kanyang sarili dahil sa nangyari noon na ikinasawi ng papa nya at mga magulang ni Nick.
Bigla namang pumasok sa office nya si Reese kaya kinalimutan nya muna ang mga pinag iisip nya.
"Ano bayan dapat pumasok na lang ako! wala naman akong gagawin dito tss." Reklamo ni Reese, hindi kasi sya sanay na walang ginagawa.
"Kaya mo siguro gustong gusto pumasok ay para makita Yung ungas na Dylan na iyon." sagot ni Cane kay Reese,
Napasimangot naman si Reese at umupo sa harapang upuan nya.
"Ano namang meron Kay Dylan huh? Nagseselos ka no? "Pang aasar ni Reese na ikina-simangot naman si Cane.
"Tsk. Bakit naman ako magseselos don ha? Wala ngang panama yun sakin!" deffensive na sagot ni Cane.
"Ok sabi mo eh! Alam mo ba Matagal ko ng Crush yun si Dylan." seryosong sabi ni Reese pero ang totoo ay inaasar nya lang si Cane dahil gusto nyang malaman kung anong magiging reaksyon nito.
Bigla namang nag iba ang timpla ng mukha ni Cane, bago paman sya makatayo ay may kumatok sa pintuan.
"Sir Cane inaantay na po kayo sa Conference Room" sambit ng sekretarya nya.
"Ok susunod na ako" mahinahong sagot nya sa sekretarya nya saka ito lumabas.
"Dito ka lang ha, antayin mo ako, babalik din ako bago mag lunch" baling ni Cane kay Reese.
"Sige"
Tumingin naman sa orasan si Reese at napagtantong dalawang oras nya pang aantayin si Cane galing sa meeting.
Unti unti namang nakaramdam itong ng antok kaya humiga muna sya sa Couch at nakatulog na ng tuluyan.
***
Sa kabilang banda naman kung saan nag tatrabaho si Reese ay kanina pa nag aantay si Dylan kung dadating ba sya o hindi, wala naman kasi itong sinasabi kung aabsent ba si Reese.
Wala ng alam na balita si Dylan kung ano na bang nangyari kay Reese simula ng mahimatay ito at makatulog ng dalawang araw, OA man kung pakinggan, hindi naman kasi sya maka dalaw sa ospital dahil busy sya sa pagpapatakbo ng restaurant nya nitong mga nakaraang araw, mayroon kasi syang pinapatayong bagong branch nito sa Cebu.
Habang abalang abala si Dylan ay sya namang pagtitig ni Lady ann.
Kanina nya pa ito sinusundan ng tingin pero parang hindi ito mapakali.
Matagal ng may gusto si Lady ann kay Dylan ngunit hindi naman sya napapansin nito dahil si Reese ang gusto nya.
Kahit kaylan ay hindi sya nakaramdam ng pagseselos kay Reese dahil matalik nya itong kaibigan, at tsaka sigurado naman syang walang nararamdaman si Reese para kay Dylan,
Napabuntong hininga na lang si Lady ann at ipinagpatuloy na ang trabaho,
Haaayyy! Hanggang One sided love lang ba talaga ako? Sambit ni Lady ann sa kanyang isip at bumuntong hinginga ulit sa panglawang pagkakataon.
*****
Sa Conference Room naman kung nasaan ni Cane na nakikipag meeting ay taimtim na nakikinig sa taong nasa harapan nya.
Kanina nya pa gustong matapos ng meeting na ito ngunit hindi naman pwedeng idismiss nya ito dahil halos kauumpisa palamang.
Makalipas ang dalawang oras ay sa wakas natapos nadin ang pagkahaba habang meeting, agad syang tumayo sa upuan at dali daling tinahak ang office nya.
Pagkapasok nya ay nadatnan nya si Reese na mahimbing na natutulog sa couch.
Inayos nya ang mga hibla ng buhok ni Reese at inipit sa tenga nito para hindi sabog sabog sa mukha, ilang saglit pa ay lumapit ito sa mukha ng asawa.
Para bang pilit kinakabisado ang lahat ng anggulo ng mukha nito.
Tinawagan nya ang sekretarya nya at nagpadeliver ng lunch nilang dalawa ni Reese. Unti unti namang nagising si Reese at nahuli nyang nakatitig sa kanya si Cane.
Agad din naman itong umiwas at bumalik sa swivels chair nya. Napabuntong hininga na lamang ang lakaki at muling tumingin sa asawa.
Hindi nagtagal ay dumating na ang pagkaing pina order nya.
"Hey Reese tara na, kumain ka na para mabawasan ang pag kaboring mo" anito.
Tumayo na si Reese mula sa couch at umupo sa kaharap na upuan nito.
"Pwede bang pumasok na lang ako sa trabaho ko?" Tanong ni Reese habang kumakain sila.
Napa isip naman saglit si Cane pero kinalaunan ay pumayag nadin sya.
"Tsk. Wag kang lumapit dun sa ungas na dylan na 'yon ha!" Singhal nito.
Kumunot naman agad ang noo ni Reese.
"Tsk. Ihahatid na lang kita" dugtong pa ni Cane,
"Wag na Cane, baka nakaka istorbo na ako kaya ko namang pumasok mag isa."
Mukhang hindi naman kumbinsido Si Cane dahil baka maligaw si Reese lalo na't unang beses nya dito.
"Mauna na ako ha? Saka magtatanong na lang ako pag nawala ako sa building nato" ani ni Reese at lumabas na ng tuluyan.
Hahabol pa sana si Cane ngunit may tumawag sa Cellphone nya na agad nya namang ikinabahala.
🌼🌼
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...