(Two months later)
[[ REESE POV ]]
"Anak! Sigurado ka bang ayos ka lang? Magpahinga ka kaya muna?" umayos lang ako ng pagkakaupo sa sofa at hindi na sinagot ang mga tanong ni Mama Lidia, hindi ko kasi alam kung kaplastikan parin ang ipinapakita nila ni Papa Anton
Hindi namin inaasahan ang bigla nilang pagbisita, Mahirap ng mag pauto lalo na sa sitwasyon ko ngayon, alam at kabisado ko ang mga galaw nila kaya siguro ay ganyan sila umakto
Ilang buwan na simula ng magising si Papa mula sa Pagka-Comatose, laking pasalamat naming lahat dahil doon, pero pagkatapos maka recover ni papa Anton lagi na silang bumubuntot sakin
Two months exactly simula ng mawala na lang ng parang bula si Cane, Nakakalungkot mang isipin pero ginagawa namin ang lahat para mahanap sya
Kaso nasaan na nga ba talaga sya? Halos lahat na ng tauhan ni Mama ay inutusan nya para lang mahanap si Cane, pero ni isang balita tungkol sa kanya ay wala kaming natanggap
Ang pag po-proposed dapat sakin ni Cane nung araw na hindi sya nakarating. Sinabi sa akin ni Zina at patrick ang lahat ng efforts na ginawa ni Cane, Talagang pinaghandaan nya ang bagay na iyon.
Nakaupo kaming tatlo ni Zina at Mama adara sa sofa, Habang si Papa anton at Mama lidia naman ay nasa katapat lang namin, hindi ko talaga alam kung nag bago na sila o katulad parin ng dati ang alam nilang gawin?
"Ah, Reese Uwi na ako ha? Baka kasi hinahanap na rin ako ni Patrick" sambit ni Zina at ngumiti ng parang tanga,
paanong hindi hahanapin eh kanina pang umaga yan rito
Saka Kinain nya na ata ang sinabi nya noong hinding hindi sya mai-inlove kahit kanino at mas lalo na kay Patrick
Tumingin ako sa relong suot ko, ala sais palang ng gabi pero kung makapagmadali sya, ang lapit lang kaya ng bahay ni Patrick.
"matulog ka na ha? Wag kang magpupuyat kundi kokonyatan kita." Dugtong nya pa at umakto pang kokotongan nga ako
"Tss. Gusto mo lang agad makita si Patrick eh, Sagutin mo na kasi! Sige ka, baka maunahan ka ng iba." Sambit ko ng hindi sya magkanda ugaga sa pag aayos ng gamit nya, inirapan nya lang naman ako ng pabiro at kinalaunan ay tumawa rin
Oh kita mo na! Tsk tsk. Hindi na umiinit ang ulo nya kapag si Patrick ang pinag uusapan.
Sa bahay na ni Patrick nakatira ang magaling kong bestfriend, ewan ko ba kung paano ni Patrick napapayag na magsama sila sa iisang bahay, eh halos patayin na nga sya ni Zina.
Ilang sandali pa ay tuluyan na rin syang umalis.
"Anak, ansaya nyo namang tingnan, sayang at ngayon ko lang nakita ang ngiti mong yan"
napatingin naman ako kay Mama lidia at saka ko tinikom ang bibig ko
Mukha lang akong masaya, pero sa loob ko sobrang malungkot ako ngayon, kahit nga si Mama Adara ay hindi umi-imik.
"Ma, Tama kayo, Sayang nga, at hindi manlang ako nagkaron nag pagkakataong mapasaya kayo tulad ng nagagawa ko sa ibang tao, kahit kailan hindi nyo na appreciate lahat ng ginagawa ko, dahil hindi nyo ko pinansin bilang anak nyo, Maa-alala nyo lang ako kapag wala na kayong pera , Tama ako diba?" Mariing sambit ko.
Ayoko sanang ipasok ang usapang iyon kaso kusa na lang kasing lumabas iyon sa bibig ko, siguro kailangan ko na talagang ilabas ang hinanakit ko sa kanila
napansin ko naman ang bumahid sa mukha nila, lungkot? Pagsisisi? Ewan ko, Hindi ko na kailangang initindihin yon.
Naramdaman ko namang humawak sa kamay ko si Mama Adara kaya't nagawi ang tingin ko sa kanya, para bang sinusubukan nyang patigilin ako sa mga sasabihin ko
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...