Part 48❤

54.4K 1K 78
                                    

[[ REESE POV ]]

Kakatapos lang ng business meeting ko about sa gagawin sa resort na 'to, Sa tingin ko pwede ko 'yong gawing dahilan para mas magtagal pa kami dito

Bumalik ako sa restaurant kung nasaan si Cane, inaantay ko syang lumabas mula sa office nya

Nakapwesto ako sa bandang sulok ng Restaurant para kitang kita ko kung sinu-sino ang labas pasok sa office na 'yon.

"Miss? TAMA! Sabi ko na nga ba at ikaw yan eh!"

Napatingin ako sa taong kadarating lang, sa pagkaka-alala ko ay Paeng ang pangalan nya

Nginitian ko sya at sinenyasan na umupo sa harap ko

"Sorry pala kanina ha?" Sambit ko, hindi ko na kasi naabot ang kamay nya kanina ng magpakilala sya

"Ah Okay lang yon, hinahanap kana kasi ng Asawa mo, alam mo? Akala ko talaga dalaga ka pa, hindi kasi halata sayong may anak ka na" Ani nya, ngintian ko lang sya.

Akala nya ay asawa ko talaga ang sinabi ni Jiro kanina, Hindi nya alam na daddy lang talaga ang tawag ni jiro kay Lazaro

"Sayang hindi ko nakita ang anak mo kanina, paniguradong maganda rin ang lahi non"

Napangiti naman ako sa sa sinabi nya, sayang nga at hindi nya 'to nakita, Dahil panigurado kung magkataon mang masulyapan nya ang anak ko, aakalain nyang batang Version 'to ni Cane or Eren, lalo na't wala syang alam tungkol sa kalagayan namin

"Ah sino ba ang inaantay mo? Bakit parang hindi ka pa na order?" Umiling iling ako sa kanya bilang sagot, maya maya naman ay mas nilapit ko sa kanya ang mukha ko para magtanong

"Paano mo nakilala si Ca- ahm i mean si E-Eren?" Tanong ko sa kanya, bigla naman syang ngumiti ng wagas at umayos ng pagkakaupo

"Oy~ bakit type mo sya? Hay! Sayang, kung wala ka lang asawa ay bagay na bagay kayong dalawa," sambit nya

"Tange! Sya talaga ang asawa ko, wala ng iba" ayan sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero mas pinili kong itikom ang bibig ko

"4 Years ago, Nalaman naming May Traumatic amnesia si Eren" sambit nya na ikinasikip na naman ng dibdib ko, Feeling ko anytime ay babagsak na ako, Pero sa kabila non ay pinagpatuloy ko parin ang pakikinig sa kanya

"Ang sabi ng Doctor, A Traumaric Amnesia is a memory Loss mula sa malakas na pagkakapalo sa ulo, Pero hindi namin alam kung ano bang nangyari sa kanya dahil wala nga syang maalala, tanging si Eren lang ang makakasagot kung ano ba talagang nangyari sa kanya"

nakatingin lang ako sa labas ng glass wall at pilit na pinipigilan ang luha ko

Ibig sabihin ay hindi lang sasakyan nya ang pinaghahampas noon, kung hindi sya rin?

Bakit? Bakit kailangang mangyari sa kanya ang bagay na 'yon? Bakit kailangan sya pa?!

Wala naman akong alam na taong kagalit nya, Unless may gusto talagang pumatay sa kanya or May taong gustong maghiganti sakin..

"But! Sinabi rin ng Doctor na Babalik rin ang mga alala nya, Saka hindi pwedeng pilitin syang alalahanin ang bagay na nakalimutan nya na" Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya 'yon

"Ha? B-Bakit?" Tanong ko sa kanya na may halong pag aalala, bumuntong hininga muna sya bago sumagot

"Dahil Biglang sumasakit ang ulo nya, Kung ikaw ang makakakita no'n siguradong mas pipilian mo na lang umiyak katulad ng ginagawa ko sa tuwing hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya......Kaya noong oras na Ma-promote si Eren
Bilang Manager 3 years ago ay hindi sya nag aksaya ng oras para magpagamot sa doctor at dahil doon ay unti unting umaayos at nawawala ang mga nararamdan nya"

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon