Part 17❤

64.2K 1.2K 15
                                    

[[ REESE POV ]]

Pagkatapos naming manggaling sa hospital ay umuwi narin kami agad. Nilinis lang naman ang sugat ko mabuti nga't hindi ito tinahi kahit na medyo malaki ito..

Ginamot na rin ang mga bangas ni Cane, Panay naman ang 'sorry' nya dahil sa ginawa nya

Well wala naman akong magagawa at pinatawad ko na rin sya,

"Hey Wife! Tomorrow pupunta tayo kila mommy, gusto ka daw nilang makita." Sambit ni Cane habang pinupunasan ang buhok ko

Katatapos ko lang kasing maligo at nag request sya kung pwede daw bang sya na lang ang mag patuyo ng buhok ko. Nakaupo ako sa gilid ng kama habang sya ay nasa likod ko naman naka pwesto

" Lets go to sleep, maaga tayo kila mommy." humalik sya sa labi ko, Mukhang ayaw nya namang bumitiw kaya piningot ko sya.

"Aarraayy!" Daing nya, tumayo naman ako at nag crossed arms sa harapan nya

"Akala ko ba maaga tayo bukas? " tanong ko at humiga na sa kama.

Narinig ko naman syang tumawa kaya inirapan ko sya saka nagtalukbong. Humiga na rin sya sa tabi ko at pumasok sa kumot na nakatalukbong sakin

"Galit ka ba?" napairap ako sa pagtawa nya

"Oo galit ako dahil binugbog mo yung CRUSH ko!" sagot ko, natahimik naman sya
Kaya tahimik akong tumawa para hindi nya marinig.

Pppffttt..alam ko ang pang asar sa kanya.

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi parin sya kumikibo.

Ano na namang topak meron ito?

"Huy Cane tulog ka na ba?" Tanong ko pa saka sya sinilip.

"uy asawa ko. Tulog ka na agad?"

****

[THIRD PERSON'S POV]

"Huy Cane tulog ka na ba ?"

"uy asawa ko. Tulog ka na agad?" sambit ni Reese.

Nagtulog tulugan naman si Cane. Ilang minuto ang lumipas ay Sinilip sya ni Reese at nakita nyang tulog na 'to,

Naka talukbong parin silang dalawa sa kama, tumagilid naman ng higa si Reese paharap kay cane

"Alam mo Cane hindi ko naman talaga Crush si Dylan eh, ikaw naman wag ka kasing maniniwala agad sa sinasabi ko, baka mamaya ay hindi pala iyon totoo." bahagyang napatawa si Reese.

"At saka kung Crush ko man si Dylan, Wag kang mag alala Ikaw naman ang mahal ko " dugtong pa nito at kinilig ng sobra sa kanyang sinabi.

Sa kabilang banda naman ay hindi nya alam na kanina pa nakikinig si Cane.

Pigil na pigil naman ang ngiti nito sa sinabi ng asawa. Kahit kailan ay hindi nya naramdaman ang ganitong saya sa Ex Girlfriend nya.

Dumapa naman si Cane at inangat ng bahagya ang katawan habang nakasuporta ang braso nya. saka kinausap si Reese pero tulog na ito.

Nakangiti lang sya habang nakatitig sa kanyang asawa saka sinambit ang salitang.

"I LOVE YOU TOO" saka hinalikan sa labi si Reese. umayos na sya ng higa sa yumakap sa asawa.

Iniisip nya ang nangyaring tagpo kanina sa pagitan nila ni Dylan.

Kahit isang beses ay hindi nya sinisi si Reese tungkol sa halik na iyon dahil kitang kita nya ang buong pangyayari.

Sadyang naunahan lang talaga sya ng init ng ulo,

Kinalaunan ay nakatulog narin sya ng mahimbing ng may ngiti parin sa labi.

*****

[REESE POV]

"Hi Apo! Kamusta kayo?" Tanong samin ni Grandma pagkaupo namin sa sofa.

"Oh! were doing great Grandma, mabait at maalaga kaya ang asawa ko. " sambit ni Cane sa kanyang grandma. Kumindat pa ito.

Ako naman dito ay halos namumula na habang si Grandma naman ay tumatawa. Shemay!

" Ang laki talaga ng ipinag bago mo Apo! Ang layo mo sa dati mong pagkatao! " dugtong pa ni Grandma.

"By the way, where's Mom?"tanong ni Cane
Oo nga ano? Kanina pa sya wala dito.

"Ah nasa kwarto nya pa iyon sigurado" baling ni Grandma, tumayo naman sya at nag banat ng katawan. Parang nag e-exercise yata sya?

"O sya, dyan muna kayo at tatawagin ko lang sya."

Tumayo ako at pinigilan si Grandma, napatingin naman sya sakin.

"Pwede po bang ako na lang ang tumawag sa kanya? Kasi po antaas pa ng aakyatin nyo e." sabi ko at tumingin sa mataas na hagdanan.

Ngumiti naman si Grandma at humawak sa kamay ko.

"Napaka bait mo talaga, ang swerte ng apo ko sayo." nahihiya naman akong tumingin sa kanya.

"Ah sige na puntahan mo na " dagdag pa ni Grandma saka Sinabi sakin ang direksyon papuntang kwarto ng mommy ni Cane.

****
Agad akong kumatok sa kwarto nya. Agad naman itong nagbukas.

"Ah Ikaw pala anak. pasok ka! pasensyana ang tagal kong bumaba."

Ngumiti na lang ako sa kanya saka pumasok sa kwarto nya.

"Pasensya na at pinag antay ko kayo ha?" Sabi nya pa at buksan ang pintuan ng Veranda sa kwarto nya.

"Ikay lang po."

Sinenyasan nya naman akong lumapit at pumunta kami sa veranda.

Mula dito ay tanaw mo ang ibang mga kabahayan, pati narin ang tanawin sa kalapit na lugar, grabe kasi napakataas naman ng bahay nila or palasyo ata kung matatawag ito.

Tumingin ako sa kanya ng mas lumapit pa sya sakin.

"Nabalitaan ko nga pala yung mga ginagawa ng mga magulang mo sayo, sinabi lang rin yun sakin ni Cane." umpisa nya

Yumuko naman ako at saka bumaling sa kanya, nakakahiya naman at nalaman pa nila ang ganong tagpo ng buhay ko.

"Ah pwede ko po ba kayong tawaging mama?" tanong ko pa dahil hindi ko talaga alam kung anong itatawag ko sa kanya.

Ngumiti naman sya at tumango.

"Oo naman, matagal ko ng inaantay na tawagin mo akong mama Adara or mommy " sabi nya pa, sa totoo lang ansarap nya kausap kahit nung una ay hindi naging maganda ang pagtatagpo namin.

"Mama Adara na lang po ang itatawag ko, parang hindi po kasi ako sanay kapag mommy eh, masyado pong pang mayaman." napatawa naman sya.

"Alam mo ba yang si Cane, dumaan yan sa trauma at phobia noong kabataan nya,napagdaanan nya yun dahil sa nangyaring aksidente samin. Halos hindi ko alam ang gagawin sa kanya noon." Kwento pa ni Mama,

Satingin ko ito yung binabangit nung mga kaibigan nya?

Taimtim lang naman akong nakikinig sa kwento nya

"Hindi pa sa iyo naba-banggit ni Cane?" Tanong ni Mama, umiling naman ako bilang sagot at ipinagpatuloy nya na ang kwento nya.

****

🌼🌼

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon