Part 10❤

77.9K 1.7K 25
                                    

[[ REESE POV ]]

"Ingat ka don ha, saka mag text ka din sa kin palagi ate, " Ani sakin ni Marcus, Niyakap nya ako  at hinalikan sa noo, mas matangkad kasi sya sakin ng kaunti.

Papunta kami ngayon ni Cane sa sinasabi nyang magiging bahay daw naming dalawa.

Tumingin naman ako kay mama, kanina ko pa napapansin na kapag wala si Cane sa tabi namin ay lagi nya akong tinatarayan o kaya ay sinisinghalan, Pag kasama namin si Cane ay parang sinasaniban ng sampung santo sa kabaitan.

Ngayon alam ko na talaga kung bakit payag si mama sa bagay na ito,

Habang buhay na ata syang magiging mukhang pera?

Pero ano naman kayang magiging reaksyon ni papa kapag nalaman nya ang tungkol sa pagpapakasal ko?.

Lahat sila ay walang ka alam alam na kakakilala palang namin ni Cane at nagpakasal na kami kaagad.

****

Isang oras lang ang naging byahe namin bago kami pumasok sa isang napakagandang village, nakahilera ang mga naglalakihan at nag gagandahang mga bahay,

Nang makarating kami Sa bandang dulo ng village ay saka lang huminto sa pagmamaneho si Cane. tiningnan ko muna ang bahay pero may nakaharang na malaki at mataas na gate at kahit isang butas ay wala kang makikita,

Bumaba nasi Cane at umikot sya saka ako pinagbuksan ng kotse.

Kung kanina ay gandang ganda ako sa mga bahay na nakikita ko, dito naman sa bahay ni Cane ay halos tumulo ang laway ko, parang mas malaki ata ito sa mga nakita ko.

sa tingin ko ay palasyo ng maitatawag ang bahay na ito.

sa kabilang banda naman ay may napakalaking swimming pool na katabi ng garden pero kakaunti lang ang mga halaman.

Pwede ko kayang taniman ito ng mga bulaklak? Dahil gusto kong gawing makulay ang garden na iyon,

"Tara na Reese." pukaw sakin ni Cane,

Dala dala nya naman lahat ng mga gamit ko saka pumasok sa loob. Ilang segundo pa ay sumunod nadin ako.

"Nagustuhan mo ba? Ito na ang magiging bahay natin." sabi nya sakin at ngumiti.

"Mayaman ka pala talaga, akala ko Drug dealer ka hahaha! " pang aasar ko sa kanya.

"Ano ba talaga ang trabaho mo?"tanong ko sa kanya,

"Tomorrow you'll find out, isasama kita don." sabi nya at umakyat na kami ng napakataas na hagdanan,

Ano ba ito may pa-ganon pang nalalaman.

Pumasok kami sa isang malawak na kwarto, pambabae naman ang motif nito at may malaking kama sa bandang dulo, may dalawang pinto naman akong nakita kaya pinuntahan ko iyon at binuksan.

Closet ba ito? Parang napakalaki naman ata?

Sigurado naman ako na ang kabilang pinto ay ang CR nitong kwarto,

"So sa tingin ko nagustuhan mo lahat ng ito, kanina ka pa kasi naka nganga."sabi nya na may halong pang aasar,

Inirapan ko naman sya, bwisit to! napansin nya pala yon.

"Ah kapag may kaylangan ka nasa kabila lang ang kwarto ko ha?"

Tumango ako sa kanya bago sya lumabas ng kwarto.

mabuti naman at hindi nya naisipang pag isahin kami ng kwarto? nako masasapak ko talaga sya pag nagkataon!

****

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon