Part 4❤

88.6K 2K 29
                                    

[[Third Person's POV]]

"FUCK! I SAID YOU ARE FIRED!"

Umali-ngawngaw sa buong floor ang boses ng C.E.O na si Mr. Placidex Cane kaya't lahat ng empleyado ay napunta ang atensyon sa kanila.

" S-sir wag nyo po akong tanggalin please , I-i really need my job right now sir. I'm so sorry for what I've done . " sagot ng isang empleyado at humagulgol sa harapan ni Cane,

Umirap naman sa kawalan si Cane at tinabig ang kamay ng empleyadong nakahawak sa kanya.

"I don't need your apology Bitch! My decision is final.." walang pusong sabi ni Cane.

Hindi na nagulat ang mga tao sa ganong eksena dahil araw araw na lang iyon nangyayari.

Tumalikod na sa lahat si Cane dahil lalabas ito upang mag lunch.

Halos manlumo naman ang babaeng empleyado sa pangyayari.

Ano nga ba Talaga ang dahilan kung bakit nawalan sya ng trabaho? Well Naabutan lang naman sya ni Cane na nakikipag Chismisan sa oras ng kanilang trabaho.

Nataon pang Badtrip si Cane kaya't sya ang napagbuntungan ng galit nito.

****

Pagkarating ni Cane sa parking lot ng restaurant ay agad nyang ipinarada ang kanyang sasakyan. Bumaba na sya at saka ibinulsa ang susi ng kotse nya.

"Ano ba miss! wag ka nang pumalag pa! ang arte arte mo naman! Nakalimutan mo na bang binenta ka na sakin ng mga magulang mo?"

Kusa namang napalingon si Cane sa pinanggalingan ng boses.

Napansin ni Cane ang lalaking puro tattoo sa katawan, idagdag mo pa ang sandamakmak nitong hikaw sa tenga at ilong. Pilit nitong ginagulo ang isang babaeng naka uniform na pang waitress.

"A-ano bang ginagawa mo dito? at bakit mo alam kung saan ako nagtatrabaho? Saka wag ka mag alala babalik ko ang pera mo!"

Halos itulak na ng babae ang lalaking pilit syang ginugulo, kulang na nga lang ay sapakin nya 'to.

Halos manlaki ang mata ng dalaga nang hapitin nito ang bewang nya.

Agad namang pumiglas ang dalaga at nilayuan ang lalaking akala mo lasing sa kanto.

Tumalikod na ulit si Cane dahil wala naman syang pake alam sa nangyayari. Sino ba naman 'yon para pag aksayahan nya ng panahon?

Ilang segundo pa lumipas, nakarinig sya ng yabag ng mga paa papunta sa kinaroroonan nya, lumagpas naman sa kinaroroonan nya ang babae at nasa unahan nya na ito.

Laking gulat ni Cane ng Hablutin ito ng lakaki, Mahigpit 'tong nakahawak sa mukha ng babae, isang segundo pa ang lumipas ay Sinampal ito sa mukha.

Napabaling naman sa kanya ang mukha ng babae dahil sa lakas ng pagkaka-sampal dito, pero ang paningin nito ay nasa baba.

Unti unting tumingin kay Cane ang luhaang babae, Parang naging slowmotion ang palagid ni Cane, Kumabog rin ng mabilis ang kanyang dibdib.

Hindi nya maipaliwanag ang kanyang naramdaman, bakit ganon? Anong ibig sabihin non?

Ilang saglit pa ang lumipas ay nakaramdam ng galit si Cane, Napahawak sya sintido nya at saglit na napapikit.

Well kahit masungit at masama ang ugali nya ay hindi pa naman nya nagawang manakit ng babae, lalo na't walang laban ito.

Hindi namalayan ni Cane na nakalapit na sya sa lalake, buong pwersa nyang sinuntok sa panga ang lalaki.

Napasubsob naman ang mukha nito sa lupa. gulat naman namang tumingin sa kanya ang babae.

Bago pa man makatayo ang kanyang sinuntok ay hinila na nya ang babae, pumasok na sila sa restaurant dahil alam nyang doon yon nag ta-trabaho.

"S-sir. Salamat po." Sambit ng babae at yumuko ng bahagya sa kanya.

Nakatitig lang naman sa kanya si Cane, Nakaramdam sya ng kakaibang feeling para sa dalaga. Ano bang ibig sabihin non? Hindi naman kasi uso 'to sa bokabularyo nya.

"What's your name Lady? " tanong ni Cane dito.

"Ahm. Reese po sir.. maraming salamat talaga sa ginawa nyo."

Ngumiti naman sa kanya si Reese pero ang mga mata nito ay malungkot.

Nakaramdam naman ng panlalambot ng puso si Cane dito, para bang naging interisado sya dito bigla. Bakit kaya?

"Anong kasalanan mo sa lalaking yon? " tanong ulit nya.

Parang ayaw namang sumagot ni Reese kayat na gets agad 'to ni Cane, Tumango tango na lang sya at humanap ng mauupuan.

"Ahm sir pwede bang ako na lang kumuha ng order nyo? " tanong bigla ni Reese.

"Sure thing!" sabay tango nya dito,

Naramdaman naman ni Cane na nawala ang pagkabadtrip nya, anong nangyari? Nakahanap na ba sya ng gamot sa pagka hot headed nya?

Ibinigay na ni Reese ang menu kay Cane saka kinuha ang order nito.

laking gulat naman ni Reese na madaming inorder na pagkain si Cane kahit mag isa lang naman itong kakain.

"Ahm sir Malakas pala kayong kumain." nahihiyang sabi ni Reese,

"No. Sabayan mo akong kumain. Umupo kana." Gulat namang tumingin sakanya si Reese, bakas pa ang pagka-taranta nito,

"Sir wag na po,  saka oras po ng trabaho ko, nakakahiya naman po salamat na lang. " nahihiya paring sabi ni Reese at bahagyang yumuko,

"Tss. I dont care! Ipapatanggal kita dito kapag hindi mo ko sinabayang kumain."

Nakaramdam naman ng takot si Reese dahil seryoso ang pagkakasabi nito sa kanya.

Wala ng nagawa si Reese dahil nakatingin sa kanya si Cane, tahimik syang umupo sa harap nito. pinakuha na lang ni Cane ang order sa ibang waiter.

Pinatawag naman ni Cane ang manager ng Restaurant para ipagpaalam si Reese, kahit na ilang minuto lang ang gugu-gulin nila ay kaylangan nya parin itong ipagpaalam.

tumingin sa kanya ang manager na si Dylan at bumakas ang Selos sa mukha nito.

Napansin naman iyon ni Cane kaya't agad nya pinaalis ito.

Nagkakamot namang umalis si Dylan at tinahak ang office nito, saglit na tumitig muna si Dylan sa dalawa bago tuluyang isara ang pintuan ng office nya.

****

Naunang matapos ng pagkain si Cane kayat tinitigan nya muna si Reese habang kumakain,

Napansin nya namang naiilang ito at hindi makakain ng maayos. Maski kasi pagnguya ni Reese ay pinapanood nya.

Bigla namang napangiti si Cane dahil naisip nyang Affected si reese sa kanya.

Pero possible ba? Possible bang maging mas malapit pa silang dalawa?

Nang matapos ng kumain si Reese ay nagpaalam na rin si Cane para makapagpatuloy na ang trabaho si Reese.

Kanina nya pa kasi napapansin si Dylan na pasilip silip sa kanilang dalawa.

"Sir Salamat po ulit.  Promise po babawi ako sa inyo." pahabol na sabi nito saka ngumiti ng walang pag aalinlangan sa kanya.

Sa pangalawang pagkakataon naman ay napangiti ng parang tanga si Cane, Nang mahalata nyang naka ngiti sya agad nyang itinikom ang kanyang bibig.

Siguro nga ay tinamaan sya sa maamong mukha ng Dalaga.

Good mood namang dumaan sa lobby papuntang elevator si Cane. Minsan nga ay pangiti ngiti pa sya.

Nang mapansin iyon ng mga empleyado ay agad na nagtaka ang iba.

ang ilan naman ay biglang kinilig dahil first time nilang makitang good mood at nakangiti ang boss nila. ibang iba sa itsura nito bago nilisan ang kompanya.

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon