Part 49❤

52.9K 1K 115
                                    

After five Days

[[ REESE POV ]]

"Jiro Anak, Wag mong huhubarin ang Hat and shades mo ha? Basta kapag nakita mo si Daddy Cane Easy ka lang ha?" Tumango tango naman si Jiro at nauna saking lumabas ng kwarto, Mukha talagang excited syang makita si Cane

ilang araw kami nag antay kay Cane sa Resto pero ni anino nya ay di namin nakita, kahit si Paeng ay ganon din pero may mga tauhan naman silang naiwan sa Resto para mangalaga noon, Baka sobrang busy lang talaga.

Kaya ngayon ay mag aantay ulit kami kahit gaano katagal, Nakaya nga naming mag antay ng four years, ngayon pa kayang ilang araw lang?

"Ma'am Reese wait lang huhu, bakit po ba nagmamadali kayong dalawa ni Jiro? Hindi naman aalis ang Resto!" Nginitian ko lang si Yaya Amarie at sinenyasan na bilisan ang pag lalakad, agad naman syang sumunod at hinabol si Jiro

Araw araw ganito ang sistema namin papuntang Resto, Sa totoo lang ay napaka aga pa ngayon, 6:30 palang pero kung makapag madali kaming makarating sa Resto ay akala mo masasaraduhan kami

"Reese!" Napalingon ako sa likuran ng marinig ko si Lazaro, nako patay! Nakalimutan namin sya...

Agad ko syang nginitian at nilapitan sya

"Good Morning! Tara na kakain na tayo" sambit ko sa kanya at hinila sya sa kamay, napansin ko namang ngumiti sya at tumingin sa kamay naming dalawa kaya't agad kong tinanggal yon at hinampas sya ng mahina sa balikat.

"Wag mo akong isama sa mga bebot mo." Sambit ko pero tinawanan nya lang ako,

tsk! Seryoso kaya ako, baliw na ata si Lazaro? Palagi na lang kasi kakaiba ang ngiti nya sa akin.

-----

Magtatanghali na pero hindi parin namin makita si Cane, papasok ba sya ngayon? Kanina pa kami palinga linga ni Jiro sa paligid pero wala talagang Cane na nagpapakita.

Nakaupo kaming dalawa ni Jiro dito sa balsa malapit sa Resto, Ayos na ayos ang pwesto namin para makita namin kung paparating na ba sya, kahit si Paeng rin kasi ay hindi ko pa nakikita ngayong araw

bakit ba kaylangan magkasama lagi ang dalawang yon kahit sa pag absent sa trabaho

"Mommy! Look! Ayun si Daddy! Yessss!" Napatingin naman ako kung saan banda nakaturo si Jiro, maya maya naman ay napangiti ako ng wagas ng makita ko sya, ilang segundo ang lumipas ay napansin kong may hawak hawak syang isang bata sa kanang kamay nya, habang si Paeng ay nasa tabi nila

Hindi ko lang masyadong maaninag ang mukha ng bata pero siguradong kaedad lang yon ni Jiro,
Ayon siguro ang batang sinasabi ni Paeng na Anak anakan ni Eren

"Mommy lets go! Puntahan natin si Daddy please~" Sambit ni Jiro, nginitian ko sya at hinawakan sa kamay, yumuko ako para maging mag ka level kaming dalawa

"Jiro Anak, ppfftt! Diba sabi kong wag tayong mag papahalata? Easy-han lang natin ha? Kalma ka muna, balang araw ay makakasama na natin ulit ang daddy Cane mo." Sambit ko sa kanya, Tumayo kaming dalawa para bumaba sa balsa, kinarga ko si Jiro para hindi sya mabasa

Saktong pagbaba ko kay Jiro sa buhanginan ay sya namang pagbangga ng isang batang lalaki sa hita ko.

Bumagsak sa buhanginan ang batang bumangga sakin, hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatagailid sya at natatakpan ng bangs ang mukha nya

Agad ko syang tinulungang tumayo at pinagpagan ang damit nya

"Bata okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ko, pero sya ay nakayuko parin at bising busy sa pag papag-pagpag ng damit nya

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon