Part 20❤

63.1K 1.2K 21
                                    

[[REESE POV]]

kanina ko pa inaantay si Cane pero hindi parin sya nadating. Nine o'clock pm na wala pa rin sya, hindi naman kasi ganong oras ang uwi nya dati, Minsan kasi alas singko palang ng hapon ay nandito na sya

Pumanhik na ako sa kwarto dahil nakakaramdam na ako ng antok. Bago ko pa man maipikit ang mata ko ay syang pagpasok ni Cane.

Umiwas ako ng tingin.

Unti unti naman syang lumapit sakin at humiga sa tabi ko.

"Im sorry about kanina---" pinutol ko ang sasabihin nya "Sino sya?" Matapang na tanong ko.

Bumuntong hininga muna sya bago sumagot

"She's Tanya---" "Ah yung Ex mo?" Putol ko ulit sa sasabihin nya

Umiwas naman sya ng tingin

"Kayo na ba ulit? Narealize mo bang mahal mo parin sya?"

"Im sorry, sabi nya may Cancer sya, ayaw nyang magpagamot kapag hindi ako ang kasama nya,  wag ka sanang magalit kapag umaalis akong hindi nagpapaalam sayo. " paliwanag nya,

"paanong hindi ako magagalit? ako ang asawa mo, ako sana ang kasama mo at hindi ang ibang babae, ang hirap naman ng gusto mong mangyari."

Unti unti nanamang tumulo ang luha ko,

"So ano Ako dito? Anong bang dapat kong gawin para wag lang matuloy yang gagawin mo?"

Pinunasan nya naman ang luha ko pero umiwas ako.

"Eh bakit may kiss pa kayong nalalaman?"

Bumuntong hininga naman sya at tinanggal ang kurbata nya

Tumayo na sya at lumabas ng kwarto, ano nanaman bang ginawa ko? simpleng tanong ko lang ayaw nya pang sagutin?

Bakit kaylangan nyang pag tuunan ng pansin ang babaeng yon?

Tss. Naalala ko, ako nga lang pala ang magmamahal dito, kahit kaylan hindi nya ko sinabihan mahal nya rin ako, so anong laban ko?

Malamang first love nya yon.

------

Nagising ako ng wala nanaman si Cane sa tabi ko, siguro kaylangan ko ng masanay.

pupuntahan ko na lang sya ngayon sa Companya, sigurado akong naandon sya.

Habang nag aantay ako ng Jeep ay may napansin akong pamilyar na babae,

Nakita nya rin ako at bigla syang kumaway sakin, saka tumakbo papalapit sa gawi ko.

"HI FRIEND~~ Remember me?" Masiglang tanong nya.

Ngumiti na lang rin ako sa kanya bilang sagot.

Bawat araw na pumupunta ako sa Companya ay sya ang lagi kong kasama. makakalimutan ko ba sya?

"Sabay na tayo ha!" sigaw nya at kumapit sa braso ko.

Close narin kami ni Zina dahil mabait naman sya at masayang kasama, Minsan nga lang may pagka palingkera. Sakit sa tenga promise.

sa wakas ay may huminto na ding Jeep at sumakay na kaming dalawa.

Pag dating namin sa Companya ay may mga bumabati sakin, nginingitian ko na lang sila.

Umiba na ng daan si Zina at ako naman ay sumakay ng elevator.

Malalim ang ginawa kong paghinga bago hawakan ang door knob ng office ni Cane, ilang saglit pa ay may nagbukas na nito.

Tinarayan nya naman ako at bahagyang tinulak ako.

Tss. Nakakapang gigil ang babaeng 'to!

"Bitch! Ikaw pala ang asawa ni Dex" sabi nya at sinipat ako mula ulo hanggang paa..

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon