Part 37❤

54.9K 1K 71
                                    

[REESE POV]

"WAAAHHH! Best! Bakit ganyan ang mata mo? Anyare?" Tanong ni Zina pagkabukas nya ng gate ng bahay,

Sigurado akong napansin nya na sobrang namumula ang mata ko, bumuntong hininga naman ako at bumaling kay Mathew,

"Mat. Salamat ha, pasok ka muna?" Tanong ko at tumango naman sya saka kami pumasok sa loob,

"Oy ikaw ah? Sino yan? Lagot ka kay Boss, may inuuwi kang iba!" Bulong nya sakin habang lumalakad kami papasok, Tss. Wala akong pake!!

Tinaasan ko sya ng kilay at inirapan sya, Oh God!
Hindi nya pa kasi alam ang nangyare kaya hanggang ngayon ay biased pa rin sya kay Cane,

Tss, mag iiba rin ang isip nyan pag nalaman nya ang lahat,

Pinaupo ko muna sa mahabang sofa si Mathew na busing busy sa paggala ng kanyang mata sa buong bahay, maya maya naman ay tumayo sya at tiningnan ang lahat ng mga pictures namin nila kuya noong bata pa kami na nakasabit sa mga pader,

Pumunta muna kami ni Zina sa kusina para ikuha ko muna si Mathew ng makakain, pambawi ko manlang sa kanya dahil masyado ko na syang naabala,

"Nga pala nasaan na si Tanya? Okay na ba sya?" Tanong ko kay Zina,

Umismid naman sya at pumamewang sa harapan ko saka umirap sa kawalan,

"Nasa kwarto, walanghiya yong babaeng yon antabil ng dila, kung hindi lang yon sugatan ngayon ay sasabunutan na ko iyon!!" Galit na sambit nya at kumuha ng tubig sa Ref.

"Saka hindi pa ako nakapasok ng trabaho dahil sa kanya, magbabayad pa ako sayo ng gastusin sa kuryente at tubig dito sa bahay nakakahiya naman sayo no?"

Napailing nalang ako at ngumiti sa kanya, sabay tinapik sya sa balikat, " Ano ka ba! Wag mo nang alalahanin yon no, Si kuya na daw ang bahala don,"Sambit ko habang naghihiwa ng Cake na galing sa ref.

"Nga pala samahan mo akong mamili bukas, wala na tayong stock ng pagkain"aniko,  kumunot naman ang noo nya,

"Tayo? Bakit? Dito ka na rin ba titira?" tumango na lang ako

Isasama ko na lang rin si Lady ann bukas para makapag bonding kami at makilala nya si Zina,

Tutal binigyan ako ni Kuya ng Malaking Cash  at Credit card bago sya umalis pabalik Ng America,
Ayoko sanang tanggapin iyon dahil hindi naman ako magastos, pero namilit sya na tanggapin ko.

Isapa magagamit yon para samin ni Baby!

Bumalik na kami Ni Zina sa sala dahil masyado na kaming natagalan sa pagda-daldalan ,

"Mathew! Kain ka muna"

"Salamat! Nag abala ka pa talaga, Wag kang masyado mag pagod ha?" tumango lang ako

Napansin ko naman si Zina na may pagka curious ang mukha, ppfftt. naka-nganga pa,

Habang nag uusap kami ni Matthew tungkol sa bahay, nagtanong sya ng nagtanong  kung kanino daw ba ito, sinagot ko naman lahat ng gusto nyang malaman

Napatingin naman ulit  ako kay Zina sa gilid na nakikinig lang pero nakasimangot,

"Hmp. Aakyat muna ako sa kwarto ha? Para naman makapag solo kayong dalawa! Tss. Grabe OP talaga ako sa inyo! " paalam ni Zina at tumayo na saka padabog na umakyat,

Nagtawanan naman kaming dalawa ni Mathew dahil sa inasal nya.

" Reese? Ok ka lang ba ?" Tanong niya, kumunot naman ang noo ko at tumingin ng diretso sa kanya,

"Huh? Oo okay lang ako no, bakit naman hindi." sagot ko, bumuntong hininga naman sya hinawakan ang isang kamay ko,

"Tsk. Liar! Kahit sumasabay kang makitawa sakin halatang halata na sobrang lungkot ng mga mata mo," napayuko naman ako dahil sa sinabi nya

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon