Alasdos palang ng hapon ng mapagpasyahan kong umalis sa kompanya para dalawin naman si Papa sa ospital, matagal narin akong hindi nakakapunta doon.
Habang naglalakad ako patungo sa hallway papuntang kwarto ni Papa ay nasalubong ko ang private nurse nya, sa pagkaka alam ko Dino ang pangalan nito
"Hi! Reese right?" Nakangiting tanong nya pagkalingon nya sakin, tumango naman ako bilang sagot
"Mabuti naman at naisipan mong dumalaw sa papa mo, antagal na kasi kitang hindi nakikita! " masayang sagot nya sakin, nginitian ko naman sya at humarap ng maayos sa kanya
"Salamat sa pag aalaga mo kay papa ha, lalo na kapag wala dyan sila mama "
Tumuloy lang ako ng lakad habang kausap ko parin sya,sa totoo lang hindi sya boring kasama.
"Teka! Diba may pupuntahan ka pa?" Tanong ko bigla, napansin ko kasing sumasabay na sya sakin papunta sa direksyon ko
Napahawak naman sya sa batok nya
"Ah-ahm, wala naman talaga akong pupuntahan eh, medyo nakaka tense kasi kasama yung mama mo sa loob, kaya lumabas muna ako"
Napatango na lang ulit ako, sabagay kahit ako, ayoko rin magtagal don sa loob kapag nandon din si mama,
Dumeretso na lang kami sa kwarto kung nasaan si papa.
-----
Pagdating namin ni Dino sa loob ay syang pag alis naman ni Mama, ewan ko ba kung anong meron sa kanya. siguro ay galit parin sya sakin
Ngayon naman dalawa na lang kami sa loob, well maliban kay papa, Nag kwentuhan na lang kaming dalawa ng mga walang kwentang bagay, baka nga sa sobrang inagay namin ay baka magising ng wala sa oras si papa.
"A-a-ah ka-musta naman kayong dalawa ng asawa mo?" Tanong nya na ikina tahimik ko
"Ayos naman kaming dalawa " maikling sagot ko, mukha namang hindi sya naniwala dahil may halong lungkot ang boses ko
"Hay. mabuti naman. 'tsaka siguro nakukulitan ka na sakin no? pasensya na talaga hehehe. siguro namiss ko lang magkaroon ng kausap, alam mo kasi yung mama mo parang may lahing tigre, minsan nga naiisip ko, paano kaya kung maihi ako sa sobrang takot ko? ppffttt."
bahagya din akong napatawa.
"Edi magbihis ka na lang. ppfftt." sagot ko.
Tumingin ako sa labas ng bintana dahil napansing kong nagdidilim na, Kailangan ko ng umuwi, sigurado akong kanina pa nandoon si Cane
Nagpaalam na ako kay Dino at lumabas na ng kwarto, habang tinatahak ko ang pasilyo palabas ng ospital ay may nakasalubong akong nagmamadaling lalake, tatabi sana ako para hindi kami magkabanggaan, ngunit huli na ng makaiwas ako sa kanya.
"Aaarrraayyy, nabali ata ang balakang ko" daing ko dahil tumalsik ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakabanggaan naming dalawa
Humawak naman ako sa bewang ko at pilit na tumatayo. Hindi manlang ba ako tutulungan ng lalaking toh!
Tumingin ako sa kanya ng nakangiwi ang bibig, habang ang itsura naman ay priceless....waiittt---- ito yung lalaking nasa restaurant na laging nakangiti sakin
Mukha mamang namang natauhan sya at dalidali nya akong tinulungang makatayo
"I-im sorry, hindi ko sinasadya. Promise" sambit nya, napansin kong mugto ang mata nya.
"Bakit ka umiiyak dyan?" Tanong ko pa, iniangat nya naman ang mukha nya at nagpunas ulit ng luha, saka ngumiti ng pilit.
"I-its because of my b-baby" humihikbing sabi nya.
"May anak kana? Wow! Hindi halata sayo ah!" Sambit ko, parang kasing edad ko lang kasi sya kung titingnan, matangkad at medyo maputi, pero mas pogi parin si Cane sa kanya.
"Ahm Yeah, ako lang ang nag aalaga sa kanya simula ng umalis ang girlfriend ko at iniwan kami ng walang paalam, may sakit ang baby ko ngayon, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kaya napaiyak na lang ako, ang baklang tingnan diba?" Mahabang sabi nya at may halong lungkot
bakit ba kasi kailangan laging may kadraman ang bawat buhay ng tao.
Napabuntong hininga nalang ako at tinapik ang balikat nya para icomfort sya
"Wag kang mag alala, ang girlfriend mo, babalik din sya pag dating ng araw" sabi ko, humawak naman ulit ako sa bewang ko dahil parang kumirot iyon.
"Ilang taon na ang anak mo?" Tanong ko para hindi nya mahalatang may ininda ako rito
Ngumiti naman sya saka sumagot
"Actually he's only five months old" napa-nganga naman ako sa sinabi nya.
GOD! anong klaseng nanay ang iwanan ang anak nya samantalang ilang buwan palang ito?
"A pwede ko ba syang makita? Please~ " tanong ko dahil---- ano nga ba? wala lang gusto ko lang maman makita ang anak nya, sigurado akong gwapo din iyon katulad nitong ama nya
ngumiti naman sya " Are you sure? Baka maabala ka pa" tanong nya na ikinailing ko naman.
Lumakad na kaming dalawa at sumakay ng elevator, paglabas namin ay tinahak nanaman namin ang napakahabang pasilyo at pumasok sa isang kwarto
Pagpasok palang namin ay pinagsuot kami ng kung ano ano sa katawan,
Aliw na aliw naman ako sa mga baby na nakikita ko ngayon mismo na nasa loob ng mga incubator, ang sarap sigurong magkaron ng sariling baby
'bakit kasi hindi parin kami nakakabuo ni Cane' napangiti nalang ako sa mga naiisip ko
Huminto kami sa isang incubator na may nakasulat na 'king Matteo Smith' wow! Ang ganda naman ng name, sobrang cute pa ng baby at sa totoo lang gustong gusto ko syang kurutin ngayon mismo, parang nanggi-gigil ako pero pinapigilan ko lang ang sarili ko
Halos hindi ko na nga napansin si ano--- hindi ko pa pala natatanong ang pangalan nya
Tumingin naman ako sa kanya at nag 'Ahem'
"Ah ano nga pala ang pangalan mo mister smiley?" Ngumiti naman sya sa tanong ko, dahil nung nasa restaurant sya ay palagi syang nakangiti.
"Matthew, mabuti naman at natatandaan mo ako pppfftt, grabe ang pagpapa cute ko non sayo pero inisnob mo lang ako"napahampas naman ako sa balikat nya dahil sa sinabi nya
"Tsk. Nakuha mo pang magpa-cute saken eh may anak ka na pala...sabagay wala ka namang asawa" pabirong sabi ko
"Malay mo maka tsamba ako at mahanapan ko ng bagong mommy ang anak ko" sambit nya na lalong ikinatawa ko
"Nako dapat kilalanin mo muna yung taong gusto mong maging nanay ng anak mo ha! Ayokong magkaroon ng kabit." Sambit ko na ikinatahimik nya, bipolar din ang isang to!
"Ibig sabihin may boyfriend kana?" Kinotongan ko naman sya sa tanong nya
"Wala, asawa meron!" pigil na pigil ang tawa ko dahil biglang lumaylay ang balikat nya
"Ewan ko sayo, uuwi na ko, kitakits na lang ulit hah?" Paalam ko sa kanya.. Nakangiti naman syang tumango sakin saka ako inihatid palabas
Mukha namang balak nya pakong ihatid hanggang ground floor kaya agad ko syang pinigilan "oh! San ka pa pupunta? Bumalik ka na, bantayan mo yung anak mo!" Singhal ko sa kanya, mukha namang ayaw nya pang bumalik kaya pinagtulakan ko na sya, feeling ko makakasundo ko ang lalalaking to, laughtrip syang kasama.
kinuha ko naman ang cellphone ko mula sa bag ko at tiningnan ang oras, napagawi naman ang tingin ko sa mga message's at calls ni Cane, hindi ko na lang binasa lahat.
Bakit ang bilis naman ng oras. Parang kaylan lang, sobrang saya na naming dalawa, pero ngayon kaylangan kong magpanggap na hindi ako nasasaktan.
🌼🌼
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
عاطفيةPLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...