Part 40❤

62.9K 1.1K 87
                                    

[REESE POV]

"Paano naman ako mabubuntis e wala naman akong asawa? tsk. Tanga ka talaga Patrick kahit kaylan." Sambit ni Zina

kasabay ng panginging ko ay ang matinding kaba sa dibdib ko.

"Patrick! Sa daan ang tingin hindi dito ha! lagot ka kapag may nangyari sa pamangkin ko!" Sigaw ni Zina. Napapikit ako.

"Ha?" Takadong tanong ni Patrick.

"Bun-" pinutol ko ang sasabihin ni Zina.

"Buntis ako. Patrick pwede mo na bang ituon ang buong atensyon mo sa daan? At huwag mong pinagdidiskitahan ang mangga ko." Matapang na sambit ko.

Hindi ko namalayan na naihinto pala ang kotse.

Geezz! dapat pala ay naki-angkas na lang kami ni Zina sa mga sasakyang dumadaan kanina! kahit truck lang sapat na! Napapasabak ako ng wala sa oras e!

"Very good!" bulong ni Zina, maganda na ring naunahan ko syang magbulgar kay Cane.

Napansin ko namang tahimik si Cane sa unahan, hindi ko rin alam kung ano bang iniisip nya, wala manlang ba syang reaksyon?

Napabuntong hininga na lang ako at yumuko.

"Ikaw! Patrick! Chismoso ka talaga, mag drive ka na!" Singhal ni Zina at agad namang sinunod iyon ni Patrick

"Pwede bang bagalan mo lang? Shit ka! Kagagaling lang namin sa karera kanina, kamuntikan pa kaming mamatay ni Reese!" Napahampas naman ako sa noo ko ng dugtungan pa ni Zina ang sinabi nya

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko! Bwisit na bibig yan oh!

Napansin ko namang lumingon ang ulo ni Cane sa gawi ni Patrick at parehong kumunot ang noo nila

Waaahh! Wala na! huminto na naman si Patrick sa pagmamaneho saka lumingon samin.

Aaiiissttt! Bakit ba kasi ang ingay ingay nya, ayan tuloy pati ang nangyari kanina nabanggit nya pa.

"W-what? Muntik na kayong mamatay?" Tanong pa nya at tumango kaming dalawa

Hindi naman na ulit umimik si Cane. Wala ba syang pake-alam kung mamatay ako? Galit talaga sya sakin.

E ako ba galit parin sakanya? nakakalito talaga!!

bumaling ulit si Patrick samin pero bago pa man sya makapagsalita ay binato sya ni Zina ng manggang hawak nya, tumama ito sa noo nya.

Geezz! Sigurado ako sobrang sakit non, halos mamilipit at mapayuko na nga sa sobrang sakit.

"Zina! Ang brutal mo naman, bakit mo ginawa iyon? Saka lagot ka sakin mamaya sa bahay!" bulong ko sa kanya at umismid lang naman sya

Maya maya naman ay naramdaman kong nilalamig ako kaya napayakap ako sa sarili ko saka sinandal ang ulo ko sa balikat ni Zina, kahit na suot ko ang jacket ni Cane ay nilalamig parin ako,

Sigurado akong kay Patrick na kotse ito dahil wala akong alam na may gantong kotse si Cane, tss. nakakahiya pa dahil nabasa ang ang upuan nito dahil saming dalawa

Napansin ko naman sa labas na lalong lumakas ang ulan, waiitt may bagyo ba?

"Zina? Saan ko ba kayo ihahatid?" Rinig kong tanong ni Patrick kaya napadilat ako.

" Sa bahay nila Reese! Sigurado akong alam nyong dalawa yon! Kaibigan nyo si Kuya Nick diba?" Sagot ni Zina, napakunot naman ang noo ni Patrick at tumingin kay Cane

"Cane? Naalala mo pa ba iyon? Ikaw lagi ang kasama ni Nick pumunta sa bahay nila, minsan lang ako nagawi don" tanong nito kay Cane

Napansin ko naman sa front mirror na ngumiti si Cane bago tumango

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon