[[ REESE POV ]]
"Ahm, Ano po bang itatawag ko sa 'yo?" Tanong ni Kenjie, nginitian ko sya at sinuklay ang buhok nya gamit ang daliri ko, Preskong presko ang hangin dito sa balsa kung saan kami nakatambay ni jiro kanina
"Ah ikaw ang bahala kung anong gusto mo, kung saan ko komportable" sagot ko sa kanya at niyakap sya
"Eh, pwede po bang Mommy na lang rin? Katulad po kay Kambal" tumango tango ako sa kanya at lumingon kay Cane at Jiro na hawak ang phone ko
Nakangiti silang dalawa habang tinitingnan isa isa ang mga picture's namin ni Cane, Mabuti na lang talaga ay iningatan ko ang memory Card ko noon kaya hanggang ngayon ay may mga naipapakita ako sa kanila
Mukha namang walang inindang sakit ng ulo si Cane ngayon, basta kapag nakikita nya ang litrato namin dati ay bigla na lang syang tumatawa. At sobrang saya ko para don.
Maya maya naman ay umalis si Kenjie na lap ko, lumapit rin sya sa dalawa at nakitingin din sa mga pictures
Nacurious tuloy ako kung bakit sila biglang natawa, wala namang nakakatawa don
Lumapit ako sa kanilang tatlo at sinilip sa likod kung anong picture ba ang pinag tatawanan nilang tatlo
"Cane naman! Kaya pala sobrang saya nyo! Ako pala ang pinag tatawanan nyo tsk." Sambit ko at iniyakap sa leeg ni Cane ang braso ko, hindi naman sya umangal sa halip ay tumawa ulit sa picture kong natutulog habang nakakanganga
Ahem! Close up pa 'yon ha! Ayun ang picture na kinuha sakin ni Cane nung ginigising nya ako pero hindi ako magising
"Cane, pahiram naman ng phone mo, Asan na?" Tanong ko sa kanya, Hindi naman sya nag dalawang isip na ibigay sakin yon
Pumunta ako sa harapan nilang tatlo at binuksan ang front Camera, nag picture ako kasama sila sa likuran
Stolen shot ika nga, hehehe, pupunuin ko ng Picture's namin tong Cellphone nya
"Hey Boys! Tingin muna saglit, Smile~ " Naka ilang Capture pa kaming apat, ibat ibang pose at wacky,
Sana ganito na lang kami lagi kasaya, sana wala nang dumating na problema,
Ng mapagod ako kaka selfie ay umupo ako sa tabi nila, Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Cane at hinayaan ko lang syang kalkalin ang picture's ni Jiro nong baby pa lang sya
Kinalkal ko rin ang Gallery ni Cane at nakitingin rin sa mga picture's nilang tatlo nila Paeng...
"Ah Cane? Wala ka na bang balak bumalik sa Manila? Or mas gusto na rito? " Tanong ko sa kanya, lumingon naman sya sakin at saka ngumiti
Bigla naman akong na Curious sa ngiti nya, Ano nanaman bang trip nya?
"Yes! Nakapag desisyon na ako, We will going back to Manila, I freaking missed my Mom and my One and only sister, My Insane friends Patrick, Nick and Lazaro." Napanganga ako sa sinabi nya, Sobrang saya ko dahil ambilis nyang makaalala ngayon.
"Marami ka ng naalala? Talaga?" Tumango tango naman sya at hinawakan ang kamay ko
"Kung sana, noon pa lang ay dumating kana rito, edi ngayon ay masayang masaya na tayo, Sayang at hindi ko manlang nasubaybayan ang paglaki ni Jiro" Maluha luha akong nakatitig sa kanya at inaantay lang ang mga sasabihin nya
"Sa bawat lipat ko sa mga lirato natin noon, ibat ibang bagay ang naalala ko tungkol doon, buong buo at walang kulang, Kaya sorry kung ganon na lang ako makatawa"
"Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin maalala kung sino ang may gawa nito sakin, Sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan!"
"Na mimiss ko na din ang Kompanya, Ang lahat ng taong palaging kong pinag iinitan kapag hindi maganda ang mood ko, Si ML na palaging sinusunod ang utos ko gaano man kahirap, ang kaingayan ng baliw nating kaibigan, at ang karibal ko noong si Dylan" mahabang sambit nya, habang ako ay umiiyak sa tabi nya, hindi ako makapaniwala
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomantikPLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...