Part 15❤

69.3K 1.2K 24
                                    

[[ REESE POV ]]

"Ah Reese Ok ka lang ba? Bakit parang ang lungkot mo?" Tanong sakin ni Lady ann.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kanya

"Okay lang ako, na mimiss ko lang kasi si Marcus  Hindi na kasi kami nagkikita eh, " sambit ko namimiss ko naman talaga si Marcus, pero ang ikinalulungkot ko talaga ay ang pag-susungit sakin ni Cane,

Pagkatapos ng nangyari sa ospital ay naging mainit na palagi ang ulo nya kaya madalas nasisigawan nya ako,

Hindi ko maintindihan, nalulungkot ako sa nangyayari.

Pero ay iniintindi ko na lang sya para hindi na humaba ang gulo, baka may problema lang sa Companya.

"Gusto mo bang puntahan natin si Marcus ngayon sa bahay nyo?" Tanong pa nya

Tumango na lang ako bilang sagot. Bigla akong may naalala,

"Lady ann, mamaya na lang kaya? Oras ng trabaho eh!" Sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya

"Ano ka ba!, wag ka ngang ano dyan, ikaw paba eh malakas ka kay Dylan? sigurado ako papayag yun" ngumiti sya sakin pero parang may halong  lungkot ang mga mata nya? May problema kaya sya?

Pagkatapos naming magpaalam kay Dylan ay pumayag naman sya, kaso sasama daw sya sa amin, hindi naman kami kumontra sa gusto nya dahil magkakaibigan naman kaming tatlo.

Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Dylan ng huminto sya sa isang Fast food chain, kaya't napatingin kami ni Lady ann sakanya.

"Alam kong hindi pa kayo kumakain kaya bumaba na kayo, at dalhan narin natin si Marcus. bakit kasi ayaw nyong kumain sa Resto ko." sabi pa ni Dylan at bumaba saka ako pinagbuksan ng pinto.

"e nakakahiya kasi! baka mamaya ay ikaltas mo pa samin ang kakainin namin." sambit ko at tumawa,

"tsk. Para namang bago kayo sa paningin ko, lalo na ikaw Reese."

Oo nga pala hindi pa alam ni Dylan na may asawa na ako! wala naman kasi akong pinagsabihan kahit sino bukod sa pamilya ko.

pagbaba ko napansin ko namang malungkot si Lady ann kaya kinausap ko sya

"Sa tingin ko ikaw ang may problema at hindi naman ako" bulong ko.

Tumingin naman sya sakin at umiling, napansin ko namang nakatitig sya kay Dylan,

Oww? parang alam ko na ang dahilan kung bakit sya nag kakaganyan? ngumiti na lang ako sa sarili ko at hinila si Lady ann sa pwesto ni Dylan, takang taka naman syang tumingin sakin.

Sa likod naman nila ako pumwesto hanggang makarating kami sa loob ng Fast food Chain saka humanap ng pwesto.

"Anong gusto nyong kainin? " tanong ni Dylan. mukha namang walang balak sumagot si Lady ann kaya't ako na ang nagsalita.

"Kahit ano nalang , libre mo naman ata?"  pabirong sabi ko sa kanya, ngumiti naman sya sakin at hinila ako sa kamay patayo.

"Okay tara samahan mo ko sa Counter" sambit nya, umiling naman ako at tumingin kay lady ann na nakatungo lang.

"Lady ann ikaw na lang ang sumama kay Dylan, bilis na, Masakit kasi ang paa ko. " kumunot naman ang noo nya kaya kinindatan ko sya at mukhang na gets naman nya.

Alam nya na kayang gumagawa ako ng way para mas maging mas malapit sila sa isa't isa?

"Dylan sya na lang ang isama mo ha! Aantayin ko nalang kayo dito " dagdag ko pa at pinagtulakan silang dalawa

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon