Pag katapos naming kumain ay nag paalam si Lady ann na pupunta muna sa restroom kaya dumeretso na kami ni Dylan sa parking lot.
Naramdaman ko namang humawak si Dylan sa kamay ko kaya tumingin ako sa kanya.
Nako! hindi pwede ang ganto dahil may asawa na ako.
Tinanggal ko ang pagkakahawak nya at hinarap sya, bumuntong hininga naman sya at yumuko ng bahagya
Sa tingin ko ay kaylangan nya ng malaman ang totoo para tigilan nya nako, may iba naman kasing nagmamahal sya kanya pero hindi nya lang napapansin dahil sakin.
Magsasalita na sana ako ng hawakan nya ang dalawang pisngi ko. Para bang naestatwa ako sa ginawa nyang paghalik sa labi ko.
Sa sobrang bigla ko ay agad ko syang naitulak. humarap naman ako sa ibang direksyon at may nakita akong dalawang piguro ng tao
Si lady ann ang isa na gulat na gulat ang itsura.
Dumako naman ang mata ko sa likod ni Lady ann.
Kitang kita ko ang pagkuyom ng kamao nya at namumula narin ang mukha nya.
Paano nya ba nalaman na nadito ako?
Dali dali namang lumapit si Cane sa direksyon ko kaya pinikit ko ang mga mata ko, feeling ko kasi ay sasaktan nya ako. Pero wala akong naramdamang kahit anong tumama sa katawan ko.
Maya maya ay nakarinig ako ng ingay kaya napalingon ako.
lumapit ako kay Cane dahil binubugbog nya si Dylan.
Galit na galit ang itsura nya pero pinipilit ko parin syang pakalmahin.
Tinabig nya ng malakas ang pagkakahawak ko sa kanya kaya napa atras ako sa sobrang bigla,
Nilapitan ulit ni Cane si Dylan at kinwelyuhan saka sinuntok sa mukha, bumagsak naman si Dylan sa lupa pero ay agad ding bumangon at bumawi kay Cane.
Lumapit naman sakin si Lady ann at hinawakan ang kamay kong tinabig ng malakas ni Cane. tinignan ko rin ang kamay ko dahil namumula ito..
"Pigilan mo si Dylan at ako naman ay sa asawa ko" nag aalalang sambit ko, bigla namang lumaki ang mata nya sa gulat.
Ok puro gulatan na lang ang nangyayari sa araw na ito.
Magsasalita pa sana sya ng lumapit na ako kay Cane at pilit syang pinipigilan.
pareho ng puro bangas ang mukha nilang dalawa, may mangilan ngilan nadin nanunuod sa eksena.
Tumakbo narin si Lady ann kay Dylan at pilit din itong pinipigilan. kahit isa kasi sa kanila ay walang nag papatalo,
Panay naman ang sabi ko ng 'Tama na' pero ay Itinulak ako ni Cane at sumubsob ako sa kanto ng isang malaking bato, nagasgasan din ang siko ko.
damang dama ko ang kirot sa noo ko kaya hinawakan ko ito at may nakapa akong dugo,
"shit"
Tumayo ako agad at hindi ininda ang kirot ng noo ko.
"TTTTAAAMMMAA NNNAAA!" Sigaw ko sa kanila para damang dama nila..
Unang lumingon naman sa pwesto ko si Dylan at dali dali syang lumapit sakin, habang si Cane ay nakatalikod parin sa gawi ko
Umiwas ako kay Dylan dahil baka magalit nanaman si Cane
unti unti namang humarap sakin si Cane at bakas ang pagkabigla sa mukha
Kaylangan lang palang maging duguan muna ang noo ko para lang huminahon sila? kumakalat narin ang dugo sa mukha ko pero hinyaan ko lang,
Tuluyan namang nakalapit si Cane sakin
" Lets go, dadalhin kita sa ospital" sambit nya at hinawakan ako sa kamay.
Pumiglas naman ako sa pagkakahawak nya at pumwesto sa harap nilang dalawa ni Dylan,
Halos hindi na makilala ang mukha nilang dalawa dahil sa galos at pasa na natamo nila,
"Pwede ba kung gusto nyong magkasakitan wag naman yung masyadong pisikalan?" Sambit ko.
Silang dalawa naman ay nakayuko lang, unti unti nanamang tumulo ang traydor kong luha.
Halos naghahalo na ang dugo at luha sa mukha ko.
"At gusto nyo pang may masaktan bago kayo tumigil sa pag aaway nyo!" tuloy tuloy na bumabagsak ang luha ko.
"Hindi nya alam dahil sa ginagawa nyo ay nasasaktan ako, Pareho kayong mahalaga sakin pero bakit kaylangan umabot sa ganito? pupwede nyo namang daanin nalang sa pag uusap! kahit magsigawan kayo ay okay lang! wag lang kayong humantong sa ganito!"
Kaylangan ba palagi nalang akong masaktan?
"Ikaw Cane" baling ko kay Cane. "kaninang umaga ay init ng ulo mo tapos ngayon ay susugod ka dito?" Tanong ko sa kanya.
Unti unti namang lumapit sakin si Cane at niyakap ako..
"Im so Sorry Wife. nadamay ka pa, i'm really really sorry " Pag hingi nya ng patawad.
"WIFE?" napalingon kami ni Cane kay Dylan ng magsalita sya.
Unti unti naman akong tumango sa kanya.
Yumuko naman sya at lumakad paalis na parang wala sa sarili..sumunod naman sa kanya si Lady ann.
Im sorry Dylan at nasaktan kita.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa sasakyan ni Cane dahil parang dumidilim ang paningin ko.
Sigurado akong dahil ito sa sugat ko.
Nilingon ko si Cane sa tabi ko, may hawak na syang tissue at hindi malaman ang gagawin kung pupunasan ba o ano ang sugat ko.
"Cane. Kung may problema ka pwede mo namang sabihin sakin para may maitulong ako, hindi yung bigla na lang mag iiba ang mood mo at idadamay mo pa ako. Sana sa susunod wag puro galit ang inu-una mo, dahil sa padalos dalos ay marami kang nasasaktang ibang tao."
"I'm sorry."
🌸🌸
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...