Part 43❤

65.3K 1.1K 213
                                    

Fastforward...


"Lets go?" Tanong sakin ni Cane at dahan dahan namang akong tumango saka sya lumabas ng kotse para pagbuksan ako

Hindi man maganda ang pakiramdam ko ngayon dahil sa pagbubuntis ko ay pinili ko paring gumala gala dahil nabo-boring na ako sa bahay o kaya ay sa kompanya.

Sapo ko ang malaki kong tyan pagbaba ko ng kotse habang si Cane ay inaalalayan ako

Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan, Seven months na ang dinadala ko, kung titingnan mo ay parang manganganak na ako dahil sobrang laki ng tyan ko, pero sana wag naman mangyari agad ang bagay nayon panigurado kawawa ang baby ko.

Pfftt. Feeling ko ay Lima ang baby ko sa loob ng tummy ko, grabe kasi kung manipa, sigurado akong hindi sya nag-iisa sa loob. Ayaw kasi ni Cane na magpa ultrasound ako para daw Surprise ang gender ng baby namin.

Lahat ng Payo at gusto ni Cane ay sinusunod ko, Parang nakalimutan ko na nga atang galit ako sa kanya, Kapag nasa tabi ko sya hindi ko nararamdamang Malungkot at mag-isa lang ako.

Lahat ng bagay na dapat ako ang gumagawa ay kusa nyang tatapusin ang lahat ng iyon ng walang pag aalinlangan

Minsan nga ay naawa na ako sa kanya lalo na noong naglilihi pa lang ako, Halos hindi na sya makatulog dahil pabalikbalik sya sa labas para maibili lang ang gusto ko.

Dahil sa mga bagay na pinapakita nya araw araw ay mas lalo ko syang minamahal..

"Wanna share your thoughts?" Napatingin ako kay Cane ng iwagayway nya ang palad nya sa mukha ko.

Bahagya ko syang nginitian saka tinulak sya ng mahina sa dibdib, Patuloy lang kaming naglakad paakyat sa burol.

noong maliit pa ang tiyan ko ay kayang kaya kong mag akyat baba dito. Pero ibang iba na ngayon. kahit na hirap ako ngayon ay gusto ko paring marating ang itaas nito.

"Cane! Wag mo kong bibitawan, baka gumulong ako!" Singhal ko a kanya, Sa pag-akyat ko pa lang sa hagdan ay sobrang pagod na ang nararamdaman ko

Hindi naman ganon kataas ang kailangan namin akyatin pero ngayon pa lang gustong gusto ko ng humiga..

Private property ang lugar na ito kaya kami lang ang pwedeng umakyat dito.

Noong unang mapadpad kami sa lugar na 'to ay hindi sya mag aksaya ng oras para bilhin sa may- Ari ang lugar na ito, Sobrang Tahimik dito at tanging lagasgas lang ng hangin at halaman ang maririnig mo.

Pag akyat naming dalawa ni Cane sa itaas ay agad akong pumwesto sa tapat ng malaking puno saka itinaas ang dalawa kong kamay para damhin ang sariwang hangin.

Hinayaan ko lang na liparin ng hangin ang napakaluwag kong maternal dress, saka ko pinikit ang mata ko.

Iminulat ko ulit ang mata ko saka tiningnan ang paligid..

Mula rito ay kita namin ang mga magagandang Tanawin mula sa malayo, lalo na ang nag ga-gandahang mga ilaw kapag sapit ng dilim.

Tumingin naman ako sa gawi ni Cane sa tabi ng puno na nilalatag ang dala naming kumot at mga pagkain

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at kinuhaan sya ng litrato habang hindi pa sya nakatingin.

MARRIED TO THE C.E.O ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon