Napagpasyahan kong umuwi muna para kunin ang gamit ko sa bahay ni Cane.
Pagpasok ko ay nakita ko syang nakahiga sa sofa, hindi ko alam kung natutulog ba sya dahil dire diretso lang ako pataas sa kwarto namin,
Kinuha ko ang bag ko at inilagay ang mga gamit ko, Gusto munang lumayo kay Cane. Sasama ako kay kuya.
Masyadong marami kasi ang mga bagay na nalaman ko ngayon.
Pagkatapos ko ayusin ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na ng hagdan.
Napansin naman ako ni Cane at napatingin sya sa mga bitbit ko.
Dali dali naman syang lumapit sakin at kinuha ang gamit ko pabalik sa kwarto namin.
"Cane! Akala ko ba wala kang pake alam sa mga gagawin ko?" Puno ng hinanakit na sabi ko pag dating ko sa kwarto.
"Wife! Im sorry! Hindi ko sinasadyang sabihin yon sayo, please wag ka namang umalis oh! Wag mo akong iiwan." sambit nya
Hindi ko naman mabasa kung anong iniisip nya, Lumapit sya sakin at niyakap ako.
Naramdaman ko namang parang nababasa ang balikat ko.
Umiiyak ba sya?
Inalis ko sya sa pagkakayakap at tiningnan sya.
Umiiyak nga sya, pero pilit nyang pinipigilan yon.
"Reese Im sorry sa nagawa ko sa pamilya mo, Im so sorry, Please I'm begging you" Aniya
Bumagsak na rin ang luha ko dahil ang galit na naramdaman ko kanina ay nawala na lang na parang bula.
"Cane, Wala kang kasalanan don, wag na wag mong sisihin ang sarili mo" sagot ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata nyang luhaan.
Pero may kasalanan pa sya sakin tungkol kay Tanya.
First time kong makitang umiiyak si Cane.
"Pero bakit kailangan magsinungaling ng mommy mo?" Tanong ko, Kumunot naman ang noo nya saka nya pinunasan ang luha nya.
"Alam kong may alam sya kung kaninong bangkay ang pinakita sakin noon" tiim bagang kong sambit.
"W-what? wala syang sinabi sakin na may kapatid si Nick, Kaya nga nagulat din ako noon ng sabihin ni Nick na hahanapin nya ang kapatid nya!" Paliwanag nya.
Ano? Ibig sabihin wala rin syang alam tungkol don?.
So pareho kaming biktima ni Cane dito?
Kinuha naman ni Cane at cellphone nya at tinawagan ang mommy nya.
"MOM! Ano ba talaga ang totoo?" bungad na tanong ni Cane. Napasabunot sya sa buhok nya. Hindi ko alam kung ano ang sagot ng mommy nya.
Tumingin sakin si Cane at agad na pinatay ang Phone nya.
"Bukas na bukas ay pupuntahan natin si Mommy, kailangan natin malaman ang totoo."
*****
[[Mama Adara's POV]]
kanina ko pa hindi mapigilan ang pag iyak simula ng tumawag sakin sa Reese,
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Malalaman at malalaman din nila ang totoo
Matagal ko ng kilala ang Namatay na magulang Ni Reese, sila ang malupit kong kakumpitensya pagdating sa negosyo
Kaya parang natuwa ako ng malaman kong sila ang mag asawang namatay sa aksidente noon, Pero hindi ko binanggit kay Reese 'yon,
pag katapos ng aksidenteng iyon ay nabalitaan kong may iba palang nadamay
Ayon sa mga nakakita ng insidente,Mag ama sila, nakasakay sila sa jeep dahil papasada palang ang tatay ng bata ng mangyari yon.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomantikPLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...