[[REESE POV]]
Maaga akong umuwi para hindi ako maabutan ni Cane na wala ako sa bahay, baka kasi sabihin nya kung saan saan lang ako nag pupunta,
Umakyat muna ako sa kawarto at nagbihis ng pambahay na damit, nagsuot lang ako ng maluwag na sando at maikling short saka bumaba sa kusina para makapagluto ng hapunan namin ni Cane.
Napagpasyahan kong lutuin ang paborito nyang Sinigang na baboy, kapag magluluto ako ay wala syang ibang ni Re-request kundi sinigang o kaya ay adobo.
Habang inaantay kong maluto ang ulam ay napagpasyahan ko munag maglinis ng bahay,
ang mga katiwala kasi sa bahay na ito ay minsan lang mag punta dahil ayaw ni Cane na may ibang tao dito, ewan ko ba don anlakas ng topak non, ayaw na ayaw nyang may nakikitang ibang tao dito.
Lumipas ang ilang oras at madilim narin sa labas, hanggang nayon ay hindi parin dumarating si Cane, sinubukan ko ng Kontakin ang phone nya kanina pero hindi nya naman sinasagot ito
"Cane naman saan ka ba nag punta! wala manlang pasabi para hindi ako nag aalala dito."
Kung may makakakitang iba sakin dito ay mapapagkamalan akong may kausap na multo dahil kanina ko pa kinakausap ang sarili ko
Tsk.
Sinubukan kong kontakin ang phone ni kuya pero hindi rin sumasagot ito, Sigurado akong magkakasama ang mga yon, dapat pala ay hiningi ko rin ang number nila lazaro at patrick para may mapagtanungan akong iba, aarrggghhh!
Umupo na lang ako sa sofa at binuksan ang T.V, kahit anong mangyari ay aantayin ko sya dito, pero sh*t talaga unti unti akong hinihila ng antok!
tumayo ako at nag stretching ng kaunti para mawala ang pag kaantok ko
Dapat pala ay dumalaw na lang ako sa hOspital hindi yung nakatambay lang ako dito, balita ko ay unti unti na rin daw umaayos ang kondisyon ni papa, sana lang ay magising na din sya para hindi na masyadong malungkot si Mama at si Marcus
kahit marami akong hinanakit kay mama at papa ay thankful parin ako sakanila dahil kinukop parin nila ako kahit papaano, well kapalit nga lang ng pera galing kay mama Adara.
Haay! kung hindi kaya dumating si Cane sa buhay ko ay ano kayang mangyayari samin lalo na't na ospital si papa? sigurado ay pupulutin talaga kami sa kangkungan
---
Alasonse na ng gabi ng makaramdam ako ng gutom, gusto ko sana ay sabay kami ni Cane katulad ng lagi naming nakagawian, kaso no choice ako kundi mauna ng kumain dahil gutom na gutom na ako.
***
[THIRD PERSON's POV]
Kanina pa nagka-kasiyahan ang mag ka-kaibigan sa Bar, Hindi na nga nila namamalayan ang oras dala narin siguro ng kalasingan.
Si Lazaro ay kanina pa nakikipag make out sa tabi tabi, kahit sino na lang ang kasama nyang babae.
Habang si Patrick nasa heaven nanaman, sabagay, wala namang pinagbago ang babaerong yon, gabi gabi na lang iba iba ang nakakasama nya, ngunit kahit ganon ay maingat naman sya.
May isa lang syang pinoprolema, walang iba kundi si Zina na nadali nya, aba kahit mukhang may pagka saltik ang babaeng yon ay may pagka amazona rin pala.
Si Nick naman at Cane ay tahimik na sumisimsim ng alak sa table nila habang nakamasid sa ibang nagkakasiyahan, halata naring lasing na lasing na sila.
Hindi nila alintana ang dalawang pigura ng babae na nasa bandang likuran nila at pinapanood lang ang bawat galaw ni Cane
Hindi na nga natawagan ni Cane si Reese dahil lowbat ang cellphone nya, Ganon din kay Nick.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...