[[ REESE POV ]]
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Wait? Hindi ko naman binuksan ang mga kurtina sa kwarto ko eh.
Inilibot ko ang mata ko at nakita ko si Cane nakaupo sa sofa na nasa dulo ng kama ko.
"Good Morning." Bati nya sakin,
Nagsabi na lang din ako ng 'Good Morning Too' sa kanya at dumiretso sa banyo, Para kapag ayos na.
Napansin ko kasing Naka suit sya, ayon ata ang pampasok nya sa trabaho,
---
Geezz nakalimutan ko pa lang kumuha ng damit na susuotin ko, mabuti na lang at may mga tuwalya sa banyong ito.
Halos kumpleto nga ang kagamitan dito.
Sana lang ay wala na si Cane sa labas,
sumilip muna ako kung nandon pa ba sya, pero wala akong nakita ni anino nya,
Unti unti akong humakbang palabas ng banyo at pumunta sa walk in closet saka kumuha ng maiisuot ko na jeans lang at T-Shirt, pagkatapos ay bumalik ulit sa banyo na kasing laki ata ng kwarto ko sa bahay,
Lumabas na ako ulit ng banyo at umupo sa kama saka nagsuklay at naglagay lang ng konting pulbo, napansin ko naman ang cellphone ko na lowbat na
Bumuntong hininga muna ako, hay! mamaya ko na lang ito icha-charge.
May bigla akong na alala at napahampas na lang sa mukha ko,
"Dapat pala ay nagluto ako ng agahan, ang tanga ko naman! eh ginagawa ko naman iyon palagi sa bahay! "kausap ko sa sarili ko.
Dali dali akong bumaba at pumunta sa kusina para sana magluto nang madatnan ko ang sari saring almusal na inihahain ng katiwala,
Dumating naman Si Cane na may dalang Box at iniabot saakin,
"Sorry Cane tinanghali ako ng gising. " sambit ko at yumuko. Hawak ko parin ang box na ibinigay nya,
"Ok lang yon, buksan mo muna iyan, para sa iyo yan" sabi nya at tinuro ang hawak kong Box.
Binuksan ko naman yon at tumambad sakin ang Magandang white and Gold na kulay ng cellphone, mukha itong mamahalin.
"Napansin ko kasing isang laglag na lang ng cellphone mo ay maghihiwa-hiwalay na iyon" sabi nya kaya napatawa ako ng bahagya, napansin nya pala iyon?
Agad kong ibinalik ang cellphone sa kanya,
"Wag na Cane, masyado ka maraming naibigay sakin, nakakahiya na masyado, saka nagagamit pa naman ng matino ang cellphone ko."
Hindi naman sya nagpatinag at ibinigay ulit ang cellphone sakin,
" 'Wag kang makulit tanggapin mo na, nandyan narin ang contact number ko."
Kinuha ko na lang rin dahil ipinagpipilatan nya talaga, choosy pa ba ako?
"Salamat ulit ha. " sambit ko at tumango naman sya.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...