[[ PAENG'S POV ]]
"Wwaaahhh! Nakita mo ba iyon Ma? Ngumiti sya! Yeesss! Tao ka na Eren! Tao na ka na whhoooo!!!" nagtatalon ako habang sumisigaw, akalain mo iyon, tanging si baby Jin lang ang makakapag pangiti sa kanya
Ang Isang walang muwang na sanggol ang nakapag palabas sa bagong ekpresyon ni Eren, ang alam nya lang kasing gawin ay sumimangot o kaya ay ang tumulala!
*PAK*
"Aray ko naman ma! Bakit mo ko sinapak?" Angil ko habang nakahawak sa ulo ko
"Mukha ka kasing Tanga! OA ka masyado no! Baka sa susunod na makita mong ngumiti ulit si Eren ay Mainlab ka na sa kanya, Sige!" Nagkamot naman ako ng ulo at tiningnan si Eren, pero panandalian lang pala ang ngiti nya
Back to basic nanaman sya..
"Ma? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako? Mag i-inlab sa kanya! Sinabi ng hindi ako bakla eh, Sarili nyong anak sinasabihan nyo ng ganyan, ibang klase ka talaga Mama!" Lumapit ako kay Mama at inakbayan sya
"Saka Mama, Tingnan mo nga ako at Si Eren, halata namang mas gwapo ako sa kanya eh, Lamang lang sya ng paligo sakin no." Ani ko at nginitian ng wagas si Mama, tinulak nya naman ako ng bahagya at binatukan na naman ako
"Kapal talaga mukha mo! Tingnan mo nga yang itsura mo sa itsura ni Eren, wala ka pa sa kalingkingan nya, baliw!"
sinimangutan ko si Mama at bumitaw sa kanya, hay! So biased na sya ngayon kay Eren? Lagi na lang! Oo na, inaamin ko nang mas gwapo si Eren!
Ewan ko ba dito kay Mama, two months ago galit na galit pa sya sakin at kay Eren dahil nag sama pa daw ako ng dagdag Gastusin, tapos ngayon ay halos sambahin nya na!
" Oh ayusin mo ang trabaho mo ha! Kaylangang madala lahat ng produktong yan sa Manila, Ayusin mo ang pag mamaneho dahil hindi pwedeng mabasag ang mga babasagin dyan, Lagot ka sakin kapag nag reklamo ang mga kliyente ko! " Takot na takot naman akong tumango sa Bagong Amo na pinag tatrabahuhan ko
hay! pang ilang trabaho ko na ba 'to sa isang linggo? Tatlo? Apat?
Sumakay na ko sa truck Van at pinaandar na 'to, Mahigit dalawang oras lang naman ang byahe sa barko mula cebu hanggang matnog pier, kaya baka bukas ay nakauwi na rin ulit ako dito.
Isa't kalahating oras lang ang naging byahe papuntang pier ng cebu, pagkatapos kong asikasuhin ang ticket ko sa barko ay inasakay ko na ang truck Van na dina-drive ko
Hindi nag tagal ay Narating narin namin ang Matnog pier, inantay ko munang makalabas ng barko ang mga sakay na bus saka ko pinaandar ang sasakyan
Tinahak ko na ang Address na sadya ko sa manila, at sa sobrang haba ng oras na ginugol ko sa wakas ay narating ko na rin ang address na ibinigay ng Amo ko..
" Salamat sa Tip ma'am at Ser! Malaking tulong 'to sa pamilya ko, " sambit ko at bahagyang yumuko para mag bigay galang, tumango lang naman sila sakin at pumasok na sa loob ng bahay nila
Tinitigan ko muna ng matagal ang napakalaki nilang bahay saka bumuntong hininga, hay! Sana balang araw ay magkaroon din kami ng ganyan, o kaya ay ang makatungtong manlang sa ganyang kagandang bahay.
By the way, Ngayon lang ako nakahawak ng 2k na Tip, dati kasi bente lang ang binibigay sakin, syeett!
Hindi ko muna isinara ang likuran ng truck Van ko, umupo muna ako saglit do'n at nag pahangin
" Nakakapagod ang byahe" bumuga ako ng malakas na hangin at nag inat inat
Humawak ako sa tyan ko ng makaramdam ako ng gutom, sabagay malapit naring mag dilim, inilibot ko ang mata ko para humanap ng tinadahan
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...