"Narinig ko ang lahat ng usapan nyo ng kapatid mo, Kaya kong ibigay ang lahat sayo, Basta pakasalan mo lang ako ."
Natulala naman ako sa sanabi ni Cane. Joke ba yun? Ano bang pinagsasabi nito?
"A-ahm Reese ,M-mag salita ka naman dyan.." Pukaw sakin ni Cane.
"A-ano bang sinasabi mo? Anong akala mo sa kasal? Biro? At saka kakikilala pa lang natin kahapon no! Hindi pa natin kilala ang isat isa para sa ganyan." Singhal ko sa kanya,
Anong akala nya sa kasal pwedeng Lokohan?
Kahit na kaya nyang bayaran lahat ng gastusin sa hospital hindi pa rin tamang biglaan na lang akong mag pakasal sa kanya.
Ano na lang ang sasabihin nila mama? na nagpakasal ako para sa pera? Kahit na para sa kanila naman iyon.
Hindi ko nga alam kung anong trabaho nya eh , mamaya pala ay Drug lord 'to kaya maraming pera.
Ppfftt.. gwapong Drug lord? Pwede din.
" Hoy! Bakit ka nakangiti, Kinikilig ka no? Aminin mo na kasi na type mo ako." sabi nya sa akin at humagalpak sa tawa,
Di ko namalayan na nakangiti na pala ako sa harap nya, kung anu ano tuloy iniisip nito.
" Tss. Ako kinikilig? " sabay turo ko sa sarili ko.
"Hindi ba pwedeng may naisip lang akong maganda kaya ako naka ngiti, Feelingero ka din no!"
"Bakit ano ba yang iniisip mo? Tungkol sa kin bayan?" Tanong nya pa.
"Oo ikaw nga " humawak muna ako sa baba ko na parang nag iisip.
" Naisip ko kasi na baka isa kang Drug lord, Kaya siguro ang lakas ng loob mong gumastos ng malaking pera para sa iba, lalo na sakin, eh hindi mo pa naman akong lubusang kilala." Sabi ko sa kanya ng seryoso,
Halos matawa naman ako sa mukha nyang nagpipigil ng inis.
Ppppttt..
" F*ck ako Drug lord? Sa itsura kong to?" inis na sabi nya sakin, at itinuro pa ang darili nya.
"Hahaha oo na hindi na, joke lang naman."
"So! I Hope pag isipan mo yung alok ko sayo, Sana wag mo ng patagalin, para din naman 'to sa papa mo." Sabi nya at ngumiti sabay umalis palabas ng hospital.
Ano bang naisip non at bigla na lang gustong magpakasal?
Bumuntong hininga ako. Bahala na si Batman, basta maghahanap parin ako ng ibang trabaho, hindi naman pwedeng umasa na lang ako sa iba.
Umalis na rin ako sa ospital para pumunta kay lady Ann, baka kasi may alam syang ibang trabaho.
*****
"Reese, pasensya na ha, Pero wala na talaga akong ibang alam na trabahong pwede mong pasukan. Pero manghihiram ako ng pera sa kakilala ko para makatulong sa papa mo." sabi sakin ni lady ann,
"Ah ganon ba, sige salamat na lang, pero kung may mabalitaan kang trabaho sabihin mo sakin ha? Salamat Lady Ann." Tumango na lang si lady ann saka nya ako inihatid palabas ng gate ng bahay nila.
Naramdaman ko namang nag ba-vibrate ang patapon kong cellphone sa bag, Oo patapon talaga dahil isang laglag na lang nito ay siguradong good bye cellphone na ako.
Mabuti nga't matibay tibay 'to. Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag.
Si marcus? Ano kayang nagyari?
"Ate nasaan ka?" Bungad ni marcus pagkasagot ko ng tawag,
" Andito ako kila lady ann, pero papunta narin ako dyan may nangyari ba dyan?" tanong ko pa.
" Ate ikaw ba ang nagbayad sa lahat ng gastusin sa ospital? Pati lahat ng maintenance ni papa ay ayos na lahat, nailipat narin sya sa private room."
Kunot na kunot naman ang noo ko.
"Ano? Hindi ako ang may gawa non, Alam mo ba kung sino? " Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Hindi ko rin alam ate sinabi lang sakin 'yon ng Doctor kanina. "
Bumuntong hininga ulit ako. May alam na ko kung sino ang posibleng gumawa ng lahat ng iyon.
"Sige pupunta na ako dyan. " sambit ko pinatay na ang tawag.
"Hay! Cane sa tingin ko wala ng ibang paraan para mabayaran kita. " iling iling na sabi ko sa sarili ko.
Tatawagan ko sana sya ng marealize kong wala pala akong pang contact sa kanya.
****
[Third Person's]
Prenteng prente namang nakaupo si Cane sa Swivels Chair nya, nakataas ang dalawang paa nito sa mesa habang nakatitig sa cellphone nya.
Halos kalahating oras nya ng tinitignan ang stolen shot ni Reese, hindi nya rin alam sa sarili nya kung bakit nya 'to ginagawa.
Kuha ito mula kahapon sa restaurant bago sya umuwi kahapon.
Nahihiwagaan naman ang kanang kamay nyang si ML o Marc louise sa ikinikilos nya,
27 Years old na si ML at pitong taon ng nagtatrabaho sa kanya, matangkad ito at may pagka Tan ang balat. Bakas din ang kagwapuhan sa mukha nito.
Dito dumiretso si Cane sa kompanya nya pag kagaling sa ospital kanina,
"So. naayos mo na ba ang lahat? "Tanong ni Cane kay ML, Umayos naman ito ng tindig saka sumagot.
"Yes sir! Lahat ng expences sa hospital ay nabayan na po, pati narin ang private nurse. Wala na po kayong dapat ipag alala." Magalang na sagot ni ML kay Cane.
Tinignan naman ulit ni Cane ang papeles na hawak nya..
Naglalaman iyon lahat ng impormasyon tungkol kay Dean Reese Valentine .
Ipinakuha nya yon kay ML kahapon ng magkita sila ni Reese,
Ang ipinagtataka nya lang ay parang Pamilyar sa kanya ang Apelyido ni Reese? hindi nya lang matandaan kung saan nya nga ba ito narinig o nakita.
"Good! Ang isa pang pina ayos ko sayo ok na bang lahat?" Tanong pa nya rito.
May kinuha naman si ML sa Atachecase na hawak nito at kinuha ang pinaka mahalang papeles na pinaayos sa kanya ni Cane.
"Good Job! So ayos na pala ang lahat, isa na lang ang kulang. "
Bigla namang napangiti si ML dahil dalawang beses syang napuri ni Cane ngayong oras na ito,
Sa ilang taong nagtatrabaho sya kay Cane Ay ngayon lamang sya nito napuri kaya't ganon na lang ang kasiyahan nya.
Si Cane naman ay inikot ang swivels chair nya paharap sa napakaling salaming pader ng kanyang opisina, Mula dito ay kitang kita ang lahat ng tanawin sa ibaba pati narin ang ibang nasasakupan ng kanilang lugar.
"Ahm mauna na po ako sir kung wala na po kayong ipag-uutos." paalam ni ML saka tumalikod at humakbang paalis.
Bago paman nya mabuksan ang pintuan ng office ay nagsalita si Cane.
"Ok thanks." rinig nyang sabi ng boss nya.
Kaya't sa pangatlong pagkakataon ay natuwa nanaman sya dahil First time nitong magpasalamat sa lahat ng trabahong nagawa nya..
Humarap ulit sya kay Cane saka nag pasalamat din, bahagya syang yumuko bago tuluyang lumabas.
Gusto kong makilala si Dean Reese, Kaylangan kong mag pasalamat sa kanya. Sambit naman ni ML bago tuluyang nilisan ang kompanya para umuwi sa kanyang asawa.
🌼🌼
BINABASA MO ANG
MARRIED TO THE C.E.O ✔
RomancePLAGIARISM IS A CRIME Highest Ranking in Random Category: #1 -[ 01 /19 /17] #2 -[ 01 /19 /17 ] #7 -[ 01 /18 / 17] Highest Ranking in Romance Category : #08 -[ 05/26/17] MARRIED TO THE C.E.O DATE STARTED: NOVEMBER, 16 , 2016 DATE FINISH: MARCH, 21...